Kamustasa kalabasa paella! Tungkol to sa asawa ng KuyaJon ko. Tawagin natin syang Dean, die hard fan ng supernaturals kasi. Si Dean ka batch ko sya nung fourth year. Bale nagstop ako ng 2 years dahil sakadahilanang sa loob ng dalawang taon nayun, ilang beses akong naaksidente. Yun nga, ka batch ko sya, higher section sya ako naman nasa fifth to last. Transferee syagaling manila. Eh probinsyato, kaya ibayung vibe nya. Nakilalasya agad saschool bukod kasi sa matalino, lapitin ng basag ulo. Panahong yun uso pa yung clan sa text. Nung Feb., nalaman ko sya palayung founder nung pinaka sikat na clan sa school. Dahil dun, nagkakilala silani Kuya ko. Una akalako hindi magiging sila. Kasi naman halos 10 years gap nila ni Kuya, pero yun nga naging sila. Hanggang sa sumama sya sa Kuya ko. Kung titignan mo si Dean, hindi mo iisipin na may third eye sya. Pero nung nagsasamanasilani Kuya ko at dun pa sila nakatira sa bahay namin, dun ko nalaman na nakakakita pala sya. Tyaka yung ability nya, na once na may mahawakan syang bagay o tao, di ko sure kung applicable basa lahat,basta matutulala na lang sya bigla tapos maya maya ayan na kung hindi iiyak, manginginig sa takot. Una: Undas. Dumating yung kumpare ng mga Kuya ko na retired na army. Kabuddy nungpinaka panganay na Kuya ko yun sa Rotc. Inuman, kwentuhan, kantyawan. Si Kuya Jon yung sentro ng asaran nun, kasi ang bata ngani Dean, ginayuma daw ba nya. Hapon na nakapunta si Dean sa bahay kasi dumating parents at relatives nya dun sa family house nila. Pinakilalasyani Kuya Jon kay KuyaAbet, nagkamay sila. Tapos natulala si Dean, nagcollapse. Si nanay nun naghi-hysterical na. Pero mga5 minutes na bigla syang nagising. Hinihingal, biglang namawis. Tinitigan nya si KuyaAbet. 'Dugo, maingay,madaming patay' Walang nagsabi sa kanya na sundalo si Kuya Abet dati. Hindi rin namin alam yung dahilan kung bat sya maagang nagretire. Umiyak nalang bigla si Kuya Abet, yun pala dahilan bakit sya nagretire ng maaga,natrauma sagyerasa Mindanao. Pangalawa: May tropa akong muslim na nagtitindang gadgets sa palengke. Nung nagsawa ako saphone ko, ipapa swap ko sana. Niyaya ko si Dean na sumama. Nung nandun na kami sa loob ng pwesto, may nakita akong magandang model. Nokia pa usonun, Nseries. Nung pinakitako sa kanya, kinuha nya tas natulala na naman sya. Saglit lang binitawan nyayung phone. 'T*ng*na Kevin wag yan' Tinanong ko kung bakit. Sabi nya galing sa holdap yung phone, napatay yung may-ari. Edi ako, di ko naswinap yung phone ko. Ikatlo: Dahil nga bata pa sya,gusto ni Kuya Jon, mag-aral sya hanggat wala pa silang anak. Kasabayan ko syang nag-enroll. Magkaiba lang kami ng course. Pero sabay kaming pumasok tyaka umuwi. Campus festival nun,player syang volleyball tapos may mga dumayo nataga ibang school, nakalaban nila. Sa paghabol nyang bola, natumba sya dun sa bench ng kalaban. Nahawakan nya yung coach ata bastayun yung nagmamando sakabilang team. Natulala sya, kaya ako hinila ko na sya palayo. Nung nahimasmasan sya,umiiyak sya. 'Clinic. Kevin punta tayong clinic' Pumunta kami, kasama ko yung ibakong classmate. Pero nung nasa clinic na kami sabi nya tawagan ko daw yung bestfriend nyasi Sam. Tinawagan ko, ilang minutes lang dumating na. Akalako nga nung unamay relasyon sila,isang dahilan yun kayabantay sarado ko si Dean, loyal ako sakuya ko no. Umiyak syang umiyak, nanginginig pa. Tinatanong ko sya kung bakit pero sabi ni Sam pag kalmado na daw saka na ko magtanong. Ipinaalam ko sya sa coach nila, umuwi na kami. Umalis na rin si Sam, nung dumating si Kuya Jon,yakap sya agad. Nanindig balahibo ko nung marinig ko yung dahilan bakit nagkaganon sya. 'Sya yung nangrape sa estudyante! Kitang kita ko. Nakapiring yung babae dhie! Sya"" Si Kuya,katulad ko di nya gets pero aware syasa kakayanan ni Dean, naninindig balahibo nyahalata sabraso. Nung pinipilit syang pakalmahin ni Kuya, tumingin syasakin 'Kevin alam mo yung lalaking nadaganan ko kanina?' Tumango ako. 'Nabalitaan mo yung sa kabilang bayan? Yung engineering student na narape sa loob ng campus? Sya! Sya yung nang rape!' Kako pano sya nakakasigurong yun nga yun. 'Kasama kitang nanonood ng balitanon Kevin. Alam mo yan. Hindi ako pwedeng magkamali. Dhie anong gagawin natin?' Sa totoo lang walakaming alam ni KuyaJon kung anong gagawin. Pero sinabi ni Kuya na iisip sya. Ilang buwan, nabalitaan na lang ulit sa provincial news na nahuli yung lalaki. May anonymous tipdaw sapulis na pina imbestigahan yung lalakeng yun, na instructor pala sa p.e. Nasa harap sila ng bahay nun na magkakaklase, gumagawa ng project. Pagkarinig nung balitanag apir silani Sam. Nandoon kasi sasala yung tv namin pero yung kuya kong panganay ang nanonood kaya parang naka sound system kaya rinig sa labas. Ikatlo: Lagi silang nagdedebate ng Kuyakong panganay na si Kuya Pyoks. Kontralagi nya si Dean eh. Siguro kasi parehas silang matalino kaya ganon. Eto nga, si Kuya Pyoks, nawitness nya rin yung kay Kuya Abet at Dean pero hindi pa rin sya naniniwala. Lagi pa nyang sinasabihan si Dean na baliw. Kaya siguro etong si Dean, napikon na. Nagluluto sya nun ng spaghetti kasi birthday ni Tatay. Nv : 'Kevin anong favorite mong pagkain?' Edi ako kako,yung sinigang na baboy. Tinanong ko kung bakit. Nung time na yun nasa kusina rin si Kuya Pyoks, ginagayat nya yung rekado ng sisig. 'Ako kasi dinuguan, yung pinaputok' Tawa ako. Tas tanong syaulit, ano daw paborito kong kulay. Kako naman Sky blue. 'Ah ako kasi pink' Okay dun alam ko namay iba. Kasi hindi girly si Dean, alam kong favorite nyang kulay green and black. Puro ganon kulay ng damit nya eh, tapos nung 4th year kulay green ang buhok nya. Si Kuya Pyoks naman biglang nagdabog tas nag walk out sa kusina. Nung araw na yun, nasakabilang bayan si Kuya Jon, may kontratang bahay, sya lang ang wala. Labing apat kaming magkakapatid, iisa lang ang babae. Si Kuya Jon lang samin ang hindi takot makipag away kay Kuya Pyoks, lahat nakami takot. Kayawalang kumibo nung tinulak at dinuro duro nya si Dean, sanoo. 'Malandi! Para kang nauubusan ng lalaki' Puro k*g*g*han sinasabi nya kay Dean. Si Nanay nun nasa palengke kasama si tatay. Si Dean, wala poker face lang, walang takot o inis man lang na makikitaka samukha nya. Hanggang sa siguro na below the belt na sya ni KuyaPyoks. 'Bakit ka pa pinag aaral ni Jon, b*b* ka naman. Tyaka lalaki mo yung Samuel nayun' Kalmado pa rin naman si Dean pero laglag panga kami sa sinabi nya. 'Naku naman Kuya. Mahal ko si Jon isapa, scholar ako. Hindi ko gagawin yung ginagawa mo kay Ate Miah. Remember Merlyn's? Pinaputok na dinuguan sa may kalop? Pink na tback?"" Umangat braso ni Kuya Pyoks. Pupunta na sanaparaumawat si Ate Mel pero bigla na lang dumating si Sam. As in ni hindi ko napansin kung san sya galing. Nakahawak nalang sya biglasa kamay ni KuyaPyoks. Hawak lang pero nung binitawan nya, aba may violet na agad. Kinagabihan muntik ng magkaworld war 3 sa bahay. Kung hindi lang umarte si Nanay na naninikip ang dibdib. Nalamanni Kuya Jon yung nangyari, natabunan yung ginawani Sam, pero ako tumatak sa isip ko yun. Tyaka halos isang buwang hindi nakapagtrabaho nun si Kuya Pyoks dahil sapamamaga. Tinanong ko si Dean kung pano nya nalaman. 'Kilala mo si Faye? Yung Bapa?' 'Oo bakit?' 'Kalinyahan ko sya sa canteen nung january. Nung mapahawak ako sa kanya kasi yung mga highschool nagtutulakan. Nakita ko, magkasama sila ni KuyaPyoks..... sa kama... Mula non sinasadya ko ng hawakan sya, kaya yun' Alam ko naman na babaero si Kuya Pyoks. Pero di ko naman inaasahan na ganon na kalala. Sinabi sakin ni Dean nawag ng sabihin kay Ate Miah, nasa malayo kasi baka kung ano pang gawin. Ika apat: Okay so madami pa sana pero pinili ko nalang talaga kasi kung iisa isahin ko baka hindi na ko matapos. Okay. Buntis na sya ulit. Tuwang tuwa silang mag-asawanun kasi nakunan nung last year si Dean. Pero maselan pagbubuntis nya kaya todoalagasi Kuya. Maselan rin sya sa pagkain nun, hindi nakain ng kanin. Kung hindi ice cream, burger okayafries lang kinakain nya. Chubby si Dean kaya hindi halatanabuntis sya. Nakatambay kami sa harap ng bahay nun, si Kuya Mike napilayan sa kamay sa paglalaro ng basketball. Sakto may dumaan na mganagtitinda ng langis. Isang babae, dalawang lalaki. Pag bumili daw ng langis, may libreng hilot, pumayagsi Kuya Mike. Busy nun si Dean sa laptop, gumagawa ng report. Andun din yung iba nyang classmate na kagrupo nya. Tatabihan sana sya nung babae pero biglang tumabi si Sam tapos ewan ko lang kung nag iimagine ako, pero parang nagsinghalan silang dalawa ng pasimple. Baliw ko eh no? Lumipat sa harap ni Dean yung babae. 'Miss maganda sa buntis yung magpamasahe' Napatigil nun si Dean sa pagtatype. Tinitigan nya yung babae. Tumingin sakin, sunod kay Sam, balik sa babae. 'Pano nyo po nalaman na buntis ako?' Sh*t namalagkit mga brad! Para akong sinikmuraan nun. Gusto ko na silang paalisin. Kahit si Kuya Mike nun, pinatigil na nya yung paghilot sakanya eh. Yung babae hindi nakasagot. Si Sam naman tumawa. 'Syempre naamoy nila, kayanga sila nandito eh' Natahimik lahat nun. Kahit yung mgaclassmate nila. Tapos nag peace sign si Sam. 'Joke lang. Kayo naman di na mabiro. Anong tingin nyo kila Ate? Aswang? Oh come on don't give me that crap' Nung wala pa ring nagreact kahit isa samin, tumawa sya ulit, pero feeling ko plastic na tawa. Pumalakpak sya. 'Guys? Huy! Nagbibiro lang ako, diba Dean?' Siniko nyasi Dean. Parang dun lang sya natauhan. 'Oo nga. Tyaka hindi naman mukhang pusa silakuya at ate oh' Ura-urada umalis yung tatlo. Ni hindi na nganila kinuha yung bayad ni Kuya Mike. Nung time na yun, dun na tumitira sila Dean sa bahay ng magulang nya. Pero pag umaga, andito sya sa bahay namin pati pag wala pa si Kuya Jon. Sa mga susunod na ikwekwentoko, malalaman nyo kung bakit ayaw na syang iwanan ni Kuya Jon mag-isa sa bahay nila. Alam ko,hindi ka edaran ni Dean si Sam. Pero hindi aakalain na 28 na sya nung mga panahonh yun. Una syang pinakilalani Dean samin nung 18th birthday nya. Kasamanung iba pa nilang kaklase. Si Kuya Jon, nainsecure agad eh. Di ko sya masisi, matangkad si Sam, moreno tyaka mas pogi sa kanya pero mas pogi pa rin ako lol hahaha. Tyaka pag titignan mo sya, iba yung tingin nya kay Dean. Akala ko dati, dahil lang dun sa hinala kong may relasyon sila kaya hindi palagay yung loob ko sa kanya. Pero may iba pa pala. Wala kaming pasok nun. Holiday, nandun sa bahay nila si Dean. Natutulog daw, marami kasi akong pamangkin at maiingay eh buntis si Dean,kayamejo iritable. Si Kuya Jon naman, nasatrabaho, kontratakasi kayakahit holiday pumapasok sila. Yung compound nila Dean,may dalawang bahay, isa sakanila, yung isa pa bahay ng mga pinsan nya. Kaso nagtuturo yung mga yun tyaka namamasada yung tito nya kaya mag isa rin lang talaga sya. Nasa court ako nun nung magring phone ko. 'KEVIN TULUNGAN MO KO! HINDI SUMASAGOT SI JON!' Si Dean. Tinanong ko kung bakit. 'MAY MGA LALAKISA LIKURAN NAMIN. SINISIPA NILA YUNG PINTO. SABIHIN MO KILA TATAY PLEASE NATATAKOT AKO. NANDITO AKO SA KWARTO KO SA TAAS PERO HINARANG KO YUNG REF SA MAY PINTO SA LIKOD TAPOS YUNG DUN SA SALA YUNG SOFA, DI KO ALAM KUNG HANGGANG KELAN TATAGAL YUN' Takbo na ko agad. Yung tropa kong namamasada pinuntahan ko agad. Tapos lahat ng madadaanan kong kakilala ko isinasamako. Sinubukan kong tawagan si Kuya Jon pero hindi nasagot. Siguro nasa barracks nilayungphone nya. Sila Tatay pinapuntahan ko na kako sumunod na. Kung nakamotor ka at normal ang patakbo, 10 minutes nasa kila Dean na. Pero kung harurot,abamakukuha mo sya sa 4 minutes. Saktong may check point sa bayan, hindi kami tumigil. Hinabol kami, sumisigaw ako non sakanila na emergency na baka mapano na yung hipag ko. Kaso nung dumating kami dun, naabutan namin nasa terrace na nila si Dean. Yung mga pulis na humabol samin, tinanong sya kung asan yung mga lalaki. 'Salikod po chief' 'May ginawa ba sila sayo? Anong masakit sayo?' Syempre di na nila kami bibigyan ng tickte nun. Akalanamin nun nakaalis na yung mga lalaki. Kaso nagmumura yung pulis na pumuntadun salikod. Sumunod kami, si Tatay lang naiwan, kinuhanan nya ata ng tubig si Dean. Naabutan naming nakahigayung pitong lalaki sa may damuhan. Duguan mukha. May mga nawalan pa ng ngipin. May namumutok yung kilay. Umuungol silang lahat sa sakit. Muntik na kong maihi sa shorts ko nun,alam kong pati yung mga kasama ko pati yung mga pulis. Nung makita namin si Sam, nakatayo sagilid. Nakahalukipkip, yung kamao nya puro dugo,yung itsuranya nun, ibanakakatakot. Basta nakakatakot. Tinanong sya nung isang pulis kung anong nangyari. Nung nagising yung isa sapito tapos nakita sya, t*ngn* niyakap nya yung isang pulis, ikulong na lang daw syabasta wag lang palalapitin si Sam sa kanya. Baliw nakung baliw, halatang nakabatak sila. Pero naniniwala ako dun sa sinabi nilang parang hanginkumilos si Sam. Parang bato yung suntok. Tig iisang suntok lang daw ang ginawa sa kanilatumba na sila. Tumatawa yung ibasa sinasabi nila sa police station pero ako hindi. Naniniwala ako sapinagsasabi nila. Malaki ang pasalamat ko dahil lagi syang nandyan para kay Dean lalo paat busy sa trabaho si KuyaJon. Pero hindi pa rin mawala sa isip ko yung tanong kung anong klase sya at nagagawa nya yung mga yun. Last na: Ngayon ngayon lang to nangyari, mainit init pa. Dahil dumaan si Karen at paparating si Lawin walang pasok, yung isa naming pinsan na nagwowork samanila, sabi puntakami dun sa kanya. May sarili na kasi syang apartment. Kami naman punta agad, pagdating si Dean inilibot yung paningin sa buong bahay. Hinihintay namin kung may sasabihin sya, pero nung walanakahinga kami ng maluwag. Si Kuya Joey, Kuya Jon, ako at sya ang pumunta. Dumiretso na kaming kusina eh may palabok, away-away na. Ang sarap ng kain namin nung biglang naduwal si Dean. Si KuyaJon nagkakamot ng ulo, madadagdagan na daw ba ulit ang populasyon. Umiling si Dean. 'Verhel saan mo binili mgakutsara't tinidor mo?' Hindi pa namin nakukuwento sa kanyakayatakang taka sya. 'Naabutan ko nayan dito, bakit?' Umiling lang sya tapos pumunta na ng sala. Kami naman nawalan na ng gana, kaya siguro hindi nya sinabi samin. Kaya inexplain namin kay Verhel. Takot na takot, tinapon na nya lahat ng mga naabutan nyang gamit dun. Nung umpisa na ng laro ng ginebra woooooh champion! Galing ni Brownlee, si Dean nagpaalam na maghahalf bath. Saglit lang naman siguro kasi di pa nakakalahati yung oras ng first quarter, tapos na sya. Kaso pansin ni Kuya Jon na baliktad yung suot nyang tshirt. 'Ayusin mo nga' 'Ayoko' Abahindi sya matatakutin pwerana lang kung may ibasa kwarto. Pinilit syani Verhel na magsabi, nacucurious. 'San mo binili kama mo?Yung foam?' 'Yung dun samga nag iikot ikot na nagtitindanon, yung parang satin. Bakit na naman ba?' 'Bukas icheck mo, guntingin mo yung pinakacover ngfoam, maraming dugo yung foam. Bwiset ka humiga higa pa ko' Mga lalaki kami pero pagkasabi nya nun pinatay ni Kuya Joey yung tv,nagsisunuran kami sa kanya sa labas. Sumisigaw kami habang hinihintay si Verhel na mailock yung pinto. Punta kami sa tatay at kapatid nyananakatira lang sa kabilang street. Sinabi namin kay Ate Lorna, tinatawanan kami tapos niyayakaming tumambay sa may labas parahintayin yung magbabalot. Nung dumating yung si manong, napatingin sya kay Dean na kinakamusta yung dalawang chikitingnila ni Kuya Jon na naiwan sa nanay nya. 'Ne mag-iingat ka' Tinuro nya sarili nya. 'Ako ho?' 'Lagi ka nyang binabantayan. Delikado yun para sa inyong dalawa' Tumingin sya sa paligid na parang may hinahanap, tapos biglang may kinawayan pero wala naman akong makitang tao. Nung inaantok na kami nagsipasukan na. Bukas na lang daw namin kuhain yung mga gamit namin. Silakuya jon dun natulog sa kwarto nila ate lorna. Kami ni verhel, kasama si uncle na natulog sa may sala. Nanonood pa si uncle, kinalabit ako ni Kuyajoey. 'Vin nakita mo yun' 'Alin?' 'Yung kinawayan ni manong balot' 'Saan? Wala kaya, para ngang adik yun' 'May nakita akong kinawayan nya. Parang si sam. Pero nawala naman bigla. Pero merong kumaway sa kanyadin' Masyado ng mahaba. Tatapusin ko na. Sa mga makakakilala sakin at samin, utang naloob wag nyo kong itatag o kahit si Dean o si Kuya ko, isasabit ako nun patiwarik.