Bakit ko nasabing aswang sya? Kasi obviously, si Raphael kamag anak nya. Yung pagiging magkahawig nila hindi yun maitatago. Mula nang makitako si Raphael, may asong itim na malaki na laging umaaligid sabahay namin tuwing ala sais ng gabi. Mahilig kami sa aso, hindi dahil mahilig kami saasosena, pero pet lover talaga kami hahaha. Ang nakaka kilabot sa asong yun, may kadena sya sa leeg na sobrang taba, minsan si Kuya Joey sinubukan nyang tanggalin yun,bigla syang inangil, binuhusan tuloy ni nanay ko ng tubig. Magbabakasyon na nun at kuhaan na lang ng grades. Nung nakita ko ulit si Sam sa campus, sinabi ko sakanya. Natahimik sya saglit. 'Alam ni Dean?' Tanong nya. 'Oo tinext ko sya non eh. Anobang pwedeng pangontra sa aswang brad. Natatakot talagaako' 'Alam nya pero di nya sinabi sakin. Nung makita mo yung lalaki asan sya, asa loob bang bakuran o nasa labas?' Di nya pinansin yung tanong ko, tyaka para syang galit. 'Asalabas ng gate nakaupo. Kuyamo ba o uncle mo yun?' 'Pinsan. Sige uwi na ko' Hinabol ko sya, kinulit kung may alam ba syang pangontra sa aswang. Hindi ko sinabi sa kanyanahinala kong yung si Raphael aswang at sya yung aso. 'Magsunog ka ng goma, kahit maliit lang. Interior ng gulong o kaya tsinelas tuwing nandoon yung aso. Pag may lana kang may mga ugat ng halaman saloob lagay mo yun sa may bintana. Uuwi na ko' Nakatambay lang ako sa may silong ng mangga nung maktita ko yung grupo nilaBobby. Lumapit sila sakin, may inabot na invitation sakin si Bobby. 'Bakit ito?' 'Yung si Mariel. Sabi bigay ko sayo. Ikakasal na sasabado yan. Punta ka jamming ulit tayo. Dun ka na matulog samin' Ayoko sana talaga kaya lang kaibigan ko yung ikakasal tyaka lamang tyan din yun. Hindi ko naman naisip na tagaroon din kilaSam si Raphael. Supper wedding. Pagkatapos ng kainan yung sayawan. Sayaw ng chicks, upo, repeat. Nung nagyaya yung isa ng inuman doon sa may kubo sa likod bahay nilaMariel, sunod kami agad. Hating gabi na nung may ibang dumating, akala ko nung una si Sam. 'Paeng!' Nagtaka na ko. Kung takot silakay Sam, bakit kay Raphael hindi? Asikasong asikaso pa nila, kahit si Bobby. Nawala amats ko nun, nakatingin syalagi sakin, parang nagtataka itusra nya. Napansin nung iba na nakatingin sya sakin. 'Ay oo nga palaPaeng, si Kevin, Kevin si Paeng' 'Paeng?' Hinampas ako ni Bobby sa braso. 'Paeng for short. Raphael for long' Tumawa ako, pilit. Hindi dahil corny yung joke pero gusto ko na talagang itago takot ko. 'Kilala ko sya. Bayaw syanung bestfriend ni Samuel. Kamusta kevin?' Sumagot ako na ayos lang. Nagsisisi ako nung mgaoras na yun kung bakit di ko dinala motor ko, gusto ko ng umuwi. Nagulat ako nung sabihin nya na ihahatid nya na ako pauwi. Pano nyanalaman na gusto ko na umuwi. 'Wag nakuya, okay na ko kila Bobby ako matutulog. Tara brad uwi na tayo' Hindi ko na hinintay na makaangal si Bobby. Kulang na lang kaladkarin ko sya pauwi. Nung nasa sa kanilanakami, tinanong nyakung anong problema. Mabait naman daw si Raphael. Tinawanan ko sya. 'Mas gugustuhin ko ng ilang ulit si Sam kesa sa kanya' 'Iba si Sam Kevin. Ibasya, pinatay nyatatay ko. Sinaksak nya ng kawayan tatay ko. Kawayan nawalang tusok, pinilit nyang ibaon satatay ko yun' 'Bobby si Raphael yun. Pinakitanya sakin yung pilat nya. May pilat sya sa dibdib at likod nya. Hindi si Sam yung nakita nung witness napumatay, hindi si Sam' Hindi ko na tuloy alam kung anong iisipin ko nun. 'Kevin nung mga panahongnangyari yun, wala dito si KuyaPaeng. Si Sam lang andun sa bahay nila. Si Sam hindi nakikisalamuhasa iba, si Kuya Paeng lagi, mabait yun. Kaya kung ako sayo, palalayuin ko yung si Dean sa kanya. Baka magulat kanalang isang araw mabalo na kuyamo' Alas tres di pa ko makatulog. Yung bintana nila Bobby, yung kawayan lang. Kita mo yung nasa labas, di ko alam pero may nakita akong parang dumaan. Tumayo ako tyakatinignan,wala namang tao,tapos nung mahihiganasanaako biglang may mukhang lumitaw. 'Hello Kevin' Napasigaw ako. Si Raphael. Patakbo akong pumunta sa may pintuan para siguraduhin kung nakalock pero paglingon ko nasaloob na si Raphael. 'Lumabas ka' 'Sino ka para palabasin ako? Mag-usap nga tayo Kevin. Maupo ka' Ayun na naman yung may sariling buhay katawan ko, umupo ako sa tabi nya. 'Bakit ka ba natatakot sakin? Bakit mo rin ako pinagbibintanga n?' Narinig nya. Siguro kanina pa sya nasa paligid. 'Ano bang gusto mo sakin?' 'Wala naman. Halika iuuwi na kita' Ganonpa rin, sunod sunuran ako sakanya. Palabas na kami ng highway wala ng katao tao sapaligid, ako na lang. Kasi sigurado ako nahindi tao si Raphael, wala syang anino. Nawawalan na kong pag-asa nung may marinig akong motor. Narinig ko nagmura si Raphael, humarang sa daraanan namin yumg motor. Jaw drop ako mga brad, yung dalawang abnormal ngiting aso. Naiiyak na talaga ako, tingin ko kila Dean non parang anghel na bumagsak sa lupa nasakto samotor. 'Hey bibei!' Tawag sakin ni Dean. Di ko alam kung tatakboako ongangawa. 'Tara na Kevin. Libre mo kaming lugaw. Text text kapa papasundo. Pa vip ka masyado' Tulo na uhog ko nun, kaso ayaw pa rin kumilos ng katawan ko. 'Dean' Lumapit si Raphael sakanila. Nakangiti parin silang dalawa. 'Kamusta kuya Raphael, lalo tayong pumo pogi ah' Tumawa sya nun, dun nako nakakilos. Takbo agad ako, nilampasan ko lang sya, sakay sa motor. Nagpaalam lang si Sam pinaandar na ulit nya motor. Wala kaming kibuan kahit nasalugawan na kami. Hindi naman nila ako pinagbayad. Napansin ko na lang na nanginginig pala ako nung hawakan ni Dean kamay ko. 'May ginawa sya sayo?' 'Wala. Pero akala ko mamamatay na ko' 'Iwasan mo ng pumunta samin kung hindi mo ko kasama Kevin' 'Bakit? Ano ba yung pinsan mo Sam, bakit ganon? Sya yung aso diba? Aswang sya parang ikaw' Nagtinginan silang dalawa tapos parang mga tanga tumawa. May papalo palo pa ng kamay sa mesa. Pinagtitinginan kami nung kumakain din naiba. 'Anong nakakatawa?' 'Sabi mo kasi aswang sya. Kevin naman' 'Palusot pa kayong dalawa' Inisa isako yung mga pangyayari na nagbigay sakin ng konklusyon. Yung biglaang paglitaw nya nung hahampasin nasyani Kuya Pyoks namaga kamay ni kuya ko, yung sa tatlong manghihilot, pati yung dun sapitong lalaki' 'Hindi bapwedeng si the flash?' 'L*ts* ka Sam' 'Oo nga pero bet ko si Ironman' 'Sige pagtripan nyo ko. Sige lang. Pero sigurado ako aswang yung Raphael nayun. Kayaaswang ka din Sam. Walangang anino yung pinsan mo' Tinawanan lang nilaako ulit. Tinanongko na lang kung paano nila nalaman na kelangan ko ngtulong, para hindi ako mapikon at layasan silang dalawa, takot pa kong maglakad mag-isa pauwi eh. Nagtinginan silang dalawa tyaka nanahimik saglit. 'Nakitako lang' Pabulong na sabi ni Dean. 'Ano?' 'May picture tayo nila Joey diba? Nilagay ko yun sa frame tapos sinabit ko sakwarto ko. Tapos nahulog pagbalik ko galing cr, nung pulutin ko,nakitako yung palayan. Hindi ko alam kung sino sa inyo ni Joey kaya pumunta kami ni Sam sa bahay, Andon si joey. Ikaw wala,sinabi ni nanay na yun nga nasakasalan ka kila Sam' Patango tango ako pero may narealize ako mga brad. 'Bakit kayo magkasama ni Sam mag-uumagana?' 'Nandon pako sa kanila. Nagkwekwentuhan lang kami' Hindi na ako nagtanong. Kinabukasan dalanani Sam yung cp ko na naiwan ko kila Bobby. Iniwasan ko na makipag usap kay Bobby, mahirap na baka yayain ako ulit. Dumating yung araw ng birthday ni Sam. Ang usapan, dun sanasa bahay namin kaso nasakto naman na may bisita sila nanay, ayaw naman ni Dean sa bahay nila kasi masungit mama nya. Kayasabi nung mgaclassmate nila, dun nalang kilaSam. Di ko alam kung bakit, pero pumayag si Sam. Tapos binulungan nya ako na wag ako mag-alala kasi wala na dun si Raphael. Nag grocery muna sya, nakakatawa may sasakyan sya pero halos lahat ng mga condiments walasya, pano kaya sya kumakain. Ako kasama nilani Dean tyaka yung lima pa sa sasakyan,lakas ng bunganga nilang lahat. Ang ingay ingay ng mga kaklase nila sa daan, yung iba nasa tricycle. Napapalingon yung mga taong nadaraanan namin. Yung bahay nila, malaki, pang sinauna, pero maganda. Pinakamalaki sa lugar nila. Sumama yung ibasamin na bumili ng yelo sa labas kasi wala daw syang yelo pero may ref sya nakakaloko. 'Boy, kasamanyo si Samuel dyan?' Tanong nung matandang tindero. 'Opo, bakit?' 'Kaibigan nyo?' Yung kaklase nilang si Vanang sumagot. 'Kaibigan, kuya, classmate po' 'Ingat kayo' Pagbalik namin sa bahay, sinabi agad nila yun kay Sam. Napansin ko parang lumungkot mukhanya. Napansin din ata ni Deankasi naglabas sya ng party hat, yung si diego ang design pinsan ni dora tapos sinuot nya kay Sam. 'Heypi bortday!' May kumuha ng bag, naggupit ng papel tyaka isinaboy kay Sam, parang confetti. Para syang iiyak na natatae. Usapan na sa campus yung kakaibang bonding ng section nila, first time kong mawitness yun. Parasilang pamilya. Nagluto si Dean, mga10kami nakarating sa kanila, 12 kami nakapaglunch, pagkatapos ng lunch nagluto ulit si Dean, nagbake ng cake, palabok, bilo bilo. Sa dami ng pagkain, hindi ko man lang nakitang kumain si Sam. 'Bakit brad busog ka o ayaw mo ng luto ni dean?' 'G*g* hindi. Mamayaako kakain. Natutuwalang ako, first time kasi to sakin' Nilabas ko yung cp ko tapos nilagay ko sa camera. 'Tara brad picture tayo nila Dean' Bigla syang tumayo. 'Ay naku wag brad di ako tatablan' 'Lul, pero parehas kayo ni Kuya Jon. Mababawasan daw kagwapuhan nya pag nakunan sya ng cam' 'Totoo kayayun' 'Brad pwede maglibot? Kaso' 'Pwede. Wala na dito si Kuya Raphael' Nakasabayan kong umakyat yung ilan sa mga classmate nila. Yung isa si Dyniel tinanong ako kung first time ko makapunta. 'Tignan mo to bilis' Excited na excited sila na pinakita sakin. Parang may pangalawang sala sa taas, tapos open pa yung parang balkonahe. Sa pader may mgaespada nanakasabit. Tapos may picture,mga family picture. Kalako si Sam, si Raphael pala. May kasama syang bata at babae. 'Dyniel, kilala nyo si Raphael?' 'Oo. Nung unang puntanamin dito kasi isang linggo ng hindi pumapasok si Kuya Sam,nag-aalalanakami nila Dean pumuntakami dito. Si KuyaRaphael naabutan namin' 'Mabait? Hindi kayo inano?' 'Grabe kaKevin mabait yun kaya. Joker tyaka pinagmeryenda kami' marami talagang naloloko pag hinarapan na ng pagkain, parang ako hahaha. Tapos tumabi sakinsi Vana 'Pansinin mo yan, parang picture no?' Nagtaka talaga ako. Tinitigan ko mabuti yung picture. 'Picture naman talaga yan' 'Tange hindi yan, yung picture ni Sam' Tinuro nya yung picture sa kanan na picture ni Sam kasama si Raphael tyaka isang lalaki at dalawang babae. 'Painting yan. Ang galing kung di sinabi samin ni Dean napainting lahat to pweradyan sa picture ni Kuya Raphael at pamilya nyadi namin malalaman' Hindi ako mahilig sapainting pero grabe lang bumilibako. Matapos nun nagpaalam ng bababa si Vanaat Dyniel. Una kong pinasukan yung pinakadulong kwarto, simpleng kwarto lang, maraming libro. Nakuha atensyon ko nung mgapicture sa mesa. Para syang mesasa school nung highschool, may mgapicture, nakalapat yung salamin. Picture ng section nila, si Dean kasama si Kuya Jon at anak nila. Mayroon ding mga doodle ng pangalan ni Sam, Dean tapos siguro mga classmate nila. Sa kanang pader, may mga picture frame,may picture din si Dean. Pati buong section nila, naka wacky, hindi ko makita si Sam, pero naiimagine ko yung always na wacky pes nya. Actually meron ding malaking ganon sa may salasa baba. Sa kaliwa naman may mga nakasabit na lumang baril, musket ata tawag dun. Don ko naisip nakwarto ni Sam yun. Natatawaako sa punda ng unan,spongebob hahaha! May medium size naframe sa tapat ng bintana, una akalako picture pero hindi, painting. Painting ng mag-asawa na bagong kasal, kamukha ni Sam yung babae. 'Sila nanay at tatay yan' Muntik na ko mapasigaw kasi di ko napansin naandun pala sya. Nagtaka ako kasi sabi ni Bobby ang sabi ni Sam sa kanya dati, ang kamukhanya tatay nya, pero sa tingin ko nanay naman nya. 'Kamukhamo nanay mo' 'Kaya ngaang gandakonglalaki eh' 'Peyborit mo si spongebob brad?' 'Gusto ko talaga full metal alchemist pero si Deanwaladaw syang mahanap naganon sa divisoriakayayan na lang niregalo nya sakin' 'Close na close talaga kayo, crush mo siguro' 'G*g*. Pogi din hanap ko' Nagtawanan kami tapos bigla syangtumigil, sumeryoso mukha nya bigla. 'Paano pala Kevin kung totoong aswang ako?Matatakot ka ba, sasamaka pa sakin?' 'Aswang ka naman talaga, hindi ako takot sayo Sam. Sailang taon nakilala kita, wala kang ginawa namasama. Sana kung masamaka noon pa nilapang mo na si Dean o kaya yung mga kaklase nyo' Pailing iling sya pero nakangiti. 'Paano pala kung kumukuha lang ako ng bwelo? What if si Raphael talaga yung mabait. Paano kung malaman mo na ako talaga yung pumatay kila mang eboy?' Una di ko gets sino si mang eboy. Tapos naisip ko yung kwento ni Bobby. Aaminin ko natakot ako nung mga oras na yun. Pero biglakong naisip yung mga panahong nanganganak si Dean sa bunso nila ni Kuya ko, sya kasama ni Dean sa loob ng delivery room. Si kuya kasi takot tyaka di nya raw kaya yung makitang nahihirapan si Dean. Kung may masama syang tangka sana kinuhananya yung baby, kaya namang gawin ng mga aswang yun. Nung inaatake sa puso si nanay ko, nakatulala kaming lahat, di namin alam gagawin, sya nagtakbo kay nanay sa ospital. Bakit ako matatakot sataong walang sawang tumutulong sa pamilyanamin. 'Alam mo Sam. Maniniwala akong ikaw si superman, pero hinding hindi na ko maniniwalanakayamong gawin yun' Lumabas na syang kwarto. Pero bigla ulit syang lumingon. 'Kevin, yung totoo hindi talaga ako aswang, ako si batman' Di parin talaga malinaw sakin kung ano ba talaga sya. Kahit anong pilit ko kay Dean, hindi nya ako sinasagot ng matino. Pero malakas radar ko talagang aswang sya, aswang na nagbagong buhay na. Sa ngayon, nagtratrabaho na si Sam, busy na sya, sa december pa yung next nauwi nya sabi nya sa gc namin, gc namin tatlo lang kami hahaha. Kaya nga impossibleng makita sya ni KuyaJoey na kumaway kay manong balot. Dagdag ko to tungkol sa ability ni Dean. May aksidenteng nangyari dito samin, hindi to recent. Karambola ng sasakyan, pinatawag nung hepe ng pulis si Deankay Kuya Rey ko na pulis din. Kasama ako ni Kuya Rey nung siundo namin si Dean sa kanila. Una pa nga ayaw syang payagan ng mama nya bakit daw kailangan sya. Nalaman ko kung bakit nung makarating kami sa bahay nung hepe. Hindi police station, sabahay. Halatang takot si Dean, hindi nya ako pinaalis kahit sabi ni hepe nadun ako sa labas. Wala si KuyaJon, syempre asa trabaho. 'Sir alam po ni Kevin' 'Okay. Pero gusto ko na satin satin lang to. Anak ni gov yung isa sabiktima. Ayokongisipin nyanaginagawa ko to ng hindi dumaraan sa legal procedures. Punta na kayo dun sa ospital' Umiling si Dean. 'Sir dun ko po gusto sa sasakyan. Ayoko sa ospital' 'Sige, Winchester samahan mo sila ng kapatid mo' Nasa may intersection yung bangaan, tumba yung poste, kaya walang ilaw sa palengke. Sa tapat ng poste may mga dugo. Sa gilid andun pa rin yung isa savan, nasa gitnang kalsada yung motor, yung isa pang kotse nasa malayo. Lumapit syasa van tyaka hinawakan yung van. Pumwesto ako sa likod nya,akala ko kasi magcocollapse sya. Napaupo lang sya tapos hingal na hingal. 'Kaya mo pa?' Tumango lang sya tapos lumapit sa may motor, katulad ng nangyari napaupo sya, nung asa may kotse nahinang hina na sya. 'Kevin sabihin mo kay Kuya Rey, tumakbo yung lalaki papunta doon' 'Lalaki?' 'Basta sabihin mo. May lalaking lumabas sakotseng yan, tumakbo papunta sa mgabahay. Hindi pa sya nakakaalis, kasi puro sya dugo, nahihilo din sya. Punta na tayo kay chief para makauwi na ko' Hindi ko alam non kung pano nalaman nung hepe yung ability ni Dean. Sinabi na lang nya pagkatapos nasi Kuya Rey nagsabi, yun palayung dahilan kung bakit may tensyon sa pagitan ni Kuya Jon tyakakay Kuya Rey. Hindi kasi talaga gusto ni Dean yung ability nya, nakakaubos daw ng lakas tyaka ilang araw syadi makatulog lalo pag masama yung mga nakikita nyana madalas ganon. Sinabi ni Dean kay hepe, yung lalaki yung dahilan kung bakit nagkabanggaan. Yung anak ni gov ang nagdadrive pero kasalanan nung lalaki kasi inaaway nya, inagaw manibela, kaya ganon. Nalaman ko ng gabing yun na panglimang beses ng pinagawa yun kay Dean (dumami nasa pagdaan ng taon). Ang pinakamalala yung batang narape na nacomatose ng ilang buwan, hinawakan nyayungbata. Nakitanya na yung nakakita dun sa bata na nagreport samga pulis ang totoong nangrape. Hindi pinakawalan ng mga pulis yung mgatinurong suspect pero inimbestigahan din yung sinabi ni Dean. Nung nagising yung bata, napatunayan na totoo yung mga sinabi ni Dean. Dun na nagsimula lahat. Mga kamaganak nya hindi alam yung ability nya. Kabaliwan yun para sa kanila, kaya malayo loob ni Dean sa kanila. Siguro nga katulad ng sinasabi ng iba sa comment, siguro nga si Sam yung tagabantay nya. Pinagtagpo sila para tulungan isa't isa. Ako? Paranga akong si Kevin sa supernaturals, diba sya yung prophet nanagsusulat o iba yun? Hahaha. Sabi nung ibabakit hindi Castiel ang binigay kong pangalan ni Sam. Ayoko, si Castiel kasi at Dean dun sa show parang may bromance na nagaganap. Parang may gusto sila sa isa't isa. Sabi ko nga loyal ako sa kuyako. KayaSam ang pinangalan ko kay Sam, si Sam at Dean magkaibigan,gusto ko hanggang dun lang. Uy connectedsi Raphael sa supernaturals, syayung archangel na nakalaban nila Dean, Sam, Cas, Bobby dun sa season na ang ending nahigop lahat ni cCs yung mgakaluluwa sa purgatory diba diba. Explain ko sa abot ng makakayang utak ko yung ability ni Dean. Ganto yan, ang nakuha nilang explanation ni Sam sa pagreresearch, kapag yung isang tao o bagay may ini-emit na malakas na energy,tapos nahawakan ni Dean, nakikita nya pwedeng past (madalas ganon) o kaya future. Energy, kunwari cp ang saya saya mo nung mabili mo yun, lagi mong ginagamit parang napapass dun yung energy mo. Sa tao naman,ang malakas na energy,negative emotion. Kaya madalas puro nakakatakot o nakakaiyak yung nakikita nya. Nalimutan ko na yung term naginamit ni Sam pero parang may parte ng utak ni Dean na mas gumagana kesa sa ibang part, kumbagaabove average yung function nung part na yun. Pwedeng natrigger sa mga nangyari noon sa kanya o kaya naman daw namana nya. Kay Sam, yun nga mabilis kumilos, mabait yun lang talaga sa tingin ko aswang talagasya. Di ko pa nakikita ng buo yung latay nya sa likod, pero nung tinanong ko si Dean kung anong tungkol dun, sabi lang nya tanungin ko na lang kay Sam. Nung tinanong ko naman kay Sam, sabi nya lang lolo nya ang may gawa non, parang ayaw nyang pag usapan, mahirap na baka suntukin nyaako malagas paang pearly white teeth ko. Nagtataka pa rin ako, pano nya nalaman naalam ko yung nangyari na kwinento ni Bbby,feeling ko nakakabasa sya ng isip, kaya ba nila yun. Si Raphael, minsan namamalikmata ako lalo pag may ginagawa ako, sa peripheral vision ko parang nakikitako sya. Paglilingunin ko wala naman. Pag asamataong lugar ako, parang namamalikmata ako nanakikita ko sya. Nung music festival nga dito samin, kasama ko si Dean, alam ko natakot din sya kasi nakita din nya si Raphael. Di man nyaaminin alam ko nakita din nya. Di ko alam kung anong kelangan nya kay Dean, kung anong kelangan nya sakin. Kaya minsan hinihiling ko na sana hindi na lang umalis si Sam. Katulad kaninang madaling araw habang nasa bus kami pauwi, nasanlex kami nung makitako sadaan si Raphael, nasa pinakalikod kaming upuan. Si Dean asa tabi ng bintana, katabi nya si Kuya Jon, ako naman sunod tyaka si Kuya Joey. Alam ko nakita din sya ni Dean, kasi bigla nyang isinara yung kurtina. Tinanong sya ni kuya ko kung bakit. 'Nakakita ako ng hathor' Yung mga asa harapan namin nun biglang tumawa. Pero alam ko si Raphael yun, hindi ako pwedeng magkamali. Sigurado din akong hindi hathor nakita ni Dean kundi si Raphael. Gusto ko na talagang mag december, ang hirap maging team arinola gabi gabi. Yung yero kasi namin sa cr naglayas hinigop nung backpack ni dora. Kaya kayo ingat kayo, malay nyo nakikibasa na palasa likod nyo si Raphael.
![](https://img.wattpad.com/cover/93548906-288-k143348.jpg)