Chapter 4

69K 1.4K 74
                                    

Paine's Point of View


“Kamusta naman ang unang araw mo sa trabaho, Paine?”— nakangiting tanong ni ate Raine habang kumakain ng hapunan. Sa ngayon ay nasa mansyon ako ng mga Maniego, nang matapos kasi ang aking trabaho ay nakatanggap ako ng mensahe mula kay ate Raine na nagsasabing may kaonti itong salo-salo na ginawa sa bahay nito ngayong gabi. Kaya heto ako ngayon, kasalo ang buong Maniego, kasama na din sina Inay at Mang Kiko.

“Okay naman.”— matipid kong sagot habang nakatuon pa din ang atensyon sa pagkain. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin ang nangyare, hindi ko maunawaan kung paanong hindi ako inalis ng tuluyan ng lalaking iyon. Kitang kita ko kanina sa mga mata nito ang sobrang pagkainis sa'kin, hindi ko na nga sigurado kung inis pa nga ba ang nakikita ko o galit na, kaya nga nakakapag taka na hindi na nito ituloy ang pag tanggal sakin. O baka talagang wala na itong choice dahil wala na bukas si Elea?

Hindi ko alam.

Ngunit kahit paano naman ay nakaramdam din ako ng tuwa. Sa wakas ay magiging parte na ako ng kompanyang pangarap ko. Siguro mas kailangan ko lang talaga ng malawak na pang unawa.

“Be professional Ms. Salazar.”

Napaismid ako ng maalala ang katagang binitawan ni Mr. Montefalcon bago ako nito tuluyang pinalabas ng opisina nito. Be professional, eh ito nga ang hindi umakto ng ganoon. Pero kahit naiinis ay hindi ko na lang ito pinatulan. Hanggat maaari ay ako na lang ang mag papakumbaba para rito. Sino lang ba ako para mag mataas.

“Ano nga palang meron at nagluto ka ng kerami-rami?”— takang tanong ko. Sabi ni ate ay kaonting salo-salo lang ngunit halos maging fiesta dahil sa dami ng pagkain.

“Ask Inay.”— nakangiting sabi ni Ate. Nanglingunin ko si Inay ay kamuntikan ko ng mailuwa ang kinakaing macaroni. Naabutan ko lang namang nagsusubuan si Inay at si Mang Kiko, kilig na kilig pa ang dalawa na tila ba sila lang ang tao rito.

Disgusting.

Malakas kong ibinagsak ang kamay na may hawak na kutsara sa lamesang kinakainan, naging malakas ang naging tunog noon, na naging dahilan din kung bakit napatingin hindi lang ang dalawa kundi sina ate Raine rin. Ngitian lang ako ni Inay, habang si Mang Kiko naman ay napakamot sa ulo. Sa gilid ko ay narinig ko ang mahinang hagikgik ni ate.

“Manners anak.”— nakangiti pa ding sabi ni Inay. Hindi ko naman napigilang mapairap, at muli na lang nag focus sa pagkain.

“May announcement kami ni Kiko.”— sabi ni Inay, hindi ko ito tiningnan ngunit nakikinig ako.

“Mukhang mapapaaga ang kasal namin ni Kiko mga anak.”

“You're getting married wowa?”— takang tanong ng isa sa mga pamangkin ko. Si Kince, isa sa kambal na anak nina ate Raine at kuya Tyler.

“Yes, wowa is getting married apo.”

“Bakit naman mapapaaga ang kasal n'yo, hindi ba't next year pa ang plano?”— tanong ko at hindi na naiwasang sumabat.

“Kailangan na kasing madaliin.”— si Kiko ang nagsalita. Tumingin ako kay ate Raine, ngunit nagkibit balikat lang ito mukhang wala ding alam.

Bakit naman mamadaliin, feeling naman nilang dalawa teenagers sila. Duh, matanda na sila parehas. Mukha bang inaapura namin silang dalawa ni ate?

“Bakit naman kailangang madaliin, buntis ba kayo para madaliin.”— sarkastikong tanong at bahagya pang natawa. Ngunit naiwan sa ere ang aking pagtawa nang may mapagtanto, narinig ko din ang malakas na ubo ni ate Raine na hudyat na nabulunan ito sa pagkain.

“Honey you okay?”— nag aalalang tanong ni Kuya kay ate.

Dahan-dahan akong bumaling kina Inay. At ganoon na lang ang panlalaki ng aking mga mata, nang makitang nakangiti parehas ang dalawa at marahang tumango.

Boss! I'm Pregnant! (Edited Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon