Chapter 1

184K 2.3K 77
                                    

Author Notes.

    Hi! Nais ko lang ipabatid na ang kwentong ito ay edited na. Yes! Edited na. Kaya naman asahan n'yo ang ilang karagdagan at malaking pagbabago ng kwento. Sa mag old readers! Inaanyayahan ko muli kong basahin ito. Ayun lang! Salamat!

___________________

Paine's Point of View

Sa ikalawanang pagkakataon ay hindi ko na napigilang mapakamot ng ulo at mapaikot ang mga mata dahil sa mga sinabi ng ina. Sa araw-araw na ginawa ng Dyos ay hindi ata maaaring hindi ko maririnig ang sermyento nito sa umaga. May mga bagay itong gustong mangyare na hindi ko naman alam kung maganda ba ang kahihinatnat sa oras na sumang-ayon ako.

"Ano matanda na ako Paine." - sabi ni nanay habang hawak ang magarang pamaypay na hindi ko alam kung saan nito nadampot. Mabagal pa nito iyong ipinapaypay habang nakaupo sa isa sa mga sofa na tila mo’y isa itong donya. Nais ko namang mag takip ng aking tainga dahil sa mga sinabi nito, tila nabibingi na ang mga iyon dahil sa paulit-ulit na pagkakarinig.

“Ayon nga ‘nay, eh. Matanda kana.”- napapabuntong hininga kong sabi at hanggat maaari ay pinipilit kong maging kalmado sa harapan nito. Ayokong sa simpleng reaksyon at emosyon na ipakita ko ay pagsimulan ng away naming mag ina. Masyadong sensitive ang aking ina, kaya naman naghihinay-hinay ako sa aking mga sinasabi. Nakita ko kung paano ito umismid bago muling nagsalita.

“Kwarentay nuebe lang ako, Paine!” – masama ang mukha nasabi ng ina. Parang kanina lamang ay sinabi nitong matanda na ito, ngunit tingnan mo ngayon at sinamaan ako ng tingin nang sabihan ko ito ng matanda. Itinikom nito ang pamaypay na hawak bago pinag krus ang mga kamay.

“Ang ate Raine mo ay pumayag na sa mga nais ko, ikaw na lamang ang hindi.” – patuloy na sabi ng ina, at habang pinapaikot pa ang mga mata.

“Nay naman.”- hindi ko na alam kung ano pa bang magandang mga salita ang maaari kong sabihin sa ina upang hindi na nito pa ipilit ang mga ideyang tumatakbo sa utak nito.

“Mahal ko si Kiko, Paine.” – umikot ata ang aking mundo sa mga narinig. Napahilamos ako ng mukha bago mariing napapikit.

Hindi ito ang unang beses na narinig ko ang mga ‘yun, ngunit talagang nakakapanindig ng balahibo sa tuwing babanggitin iyon nang ina. Tila ito isang teenager na ngayon pa lamang sisibol at mamumukadkad. Sino ba si Kiko? Si Kiko o Francisco sa tunay na pangalan. Isa itong singkwentay tres na byudong binata, na nakatira sa tapat ng aming bahay.

Unang araw pa lamang naming ni nanay dito sa bahay ay nagpakita na agad si Kiko ng kagandahang loob. Araw-araw itong nag dadala ng pagkain para sa aming mag ina, akala ko noon ay totoong mabait lang ito at matulungin. Ang ilan din kasi naming mga kapit bahay ay nagbibigay ng pagkain, ganoon raw kasi talaga sa subdivision na iyon, sa tuwing may bago ay tila paraan nila ang pagbibigay ng pagkain sa pagtanggap sa mga bago.

Napapansin ko rin noon ang kakaibang tinggin ni Kiko kay nanay, ngunit hindi ko ‘yun pinansin at binigyan ng kakaibang kahulugan. Sa pag aakalang wala lamang ang lahat, ngunit ilang buwan lang ang nakalipas ay masayang inanunsyo ng ina ang pagkakaroon nito ng relasyon kay Kiko. Tutul ako sa relasyong meron sila, ngunit wala akong nagawa dahil makulit ang ina. Pinakiusapan ako nito na hayaan na lamang muna silang dalawa ni Kiko, dahil hanggang doon lang naman daw iyon, maging ang kapatid ko ay iyon din ang sinabi. Ngunit ibang usapan na ngayon, dahil nais na magpakasal ng aking ina at ni Kiko.

Tuloy tila nais ko na lang mapa sana all! Dinaig pa kasi ako ng ina sa pagkakaroon ng jowa. Kung papalarin ay makakadalawa na ang ina, habang ako ay wala pa kahit isa.

Boss! I'm Pregnant! (Edited Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon