Paine's Point of View“Arayy.” – mahinang daing ko matapos maibaba ang pang huling kahon na hinahakot. Dahan-dahan akong naupo sa sahig habang himas-himas ang likod na sumasakit. Hindi nga pala madali ang maglipat ng mga gamit, lalo na’t wala kang katulong.
Ito ang araw na napag desisyunan kong lumipat na muli sa condo unit ko. Natuloy ang aking mga plano, nakapag resign ako sa aking trabaho, at nakapag apply sa company na aking gusto. At isa lamang din ang ibig sabihin noon. Matutuloy ang plano ng aking nanay at ni Kiko, na magpakasal dahil na rin sa konsisyon ng aking kapatid. Hindi ko malilimutan ang naging reaksyon ni nanay nang sabihin ko rito na pumapayag na ako sa nais nito, ganoon na lamang kasi ang taas ng nalundag na nagawa nito dahil sa tuwa. Masayang-masaya ang ina dahil sa aking mga sinabi.
Tuloy ay hindi ko na din napigilan ang makaramdam nang pagkatuwa para rito. Mukhang tama naman ang naging desisyon ko. Makitang masaya ang aking nanay ay nawawala ang lahat ng aking mga pangamba. Nang araw din na ‘yun ay nagtungo si Kiko sa bahay at kinausap ako. Mukha naman itong totoo sa mga sinabi kaya’t sa huli ay isang yakap ang naging tanda ng aking pagtanggap dito bilang bagong mapapangasawa ng aking ina. Mapapasana all kana lang talaga.
Matapos makapag pahinga ay agad ko na muling sinimulan ang pag-aayos sa condo unit. Hindi naman ganoong karami ang aking kailangang ayusin, halos kompleto naman kasi sa gamit ang condo na ito. Ito kasi ang naging tihana at uwian ko noong mga panahon na pumapasok pa ako nang college. Regalo ito sa akin nina ate Raine at kuya Tyler nang makapag tapos ako sa highschool.
Bago sumapit ang tanghalian ay natapos ko na ang aking mga ginagawa. Muli na akong nakaupo sa sofa nang tumunog ang aking cellphone, hudyat na may tumatawag doon. Namamagod ko iyong nilapitan at kinuha. Nakita kong isang unregistered number ang tumatawag. Sinagot ko iyon ng walang pag-aalinlangan.
“Hello?”
“Hi, Good Afternoon, this is from Montefalcon Company and I’m looking for Honey Paine Salazar.” – sabi nang babae sa kabilang linya. Napaayos naman ako ng tayo nang marinig ko kung sino at ano ang tumatawag. Ito ang company na pinag apply-an ko nitong nakaraan, nainterview na rin ako doon at hinihintay na lang ang tawag kung tanggap ba ako o hindi.
‘Ahm, speaking.” – nauutal ko pang sabi.
“I just want to let you know that you are hire for the position that you are applying.” – nais ko naman magtatalon sa tuwa nang marinig ang mga sinabi ng kausap. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kausap dahil sa gulat at tuwa.
‘Ms. Salazar, are you still there?”
“Ahm, yes, yes.”
“Okay, listen to me Ms. Salazar…..” – hindi ko na alam kung ano pa ba ang mga sinabi nang babaeng kausap ko. Basta ang tangi kong naintindihan ay natanggap na ako sa trabaho at maaari na akong magsimula bukas.
Nawala ata lahat nang aking pagod at sakit nang likod dahil sa balitang dumating. Tuloy ay nais ko nang sumapit ang gabi, nae-excite na ako sa bago kong trabaho. Agad din akong naghalungkat ng damit na maaaring suotin para bukas.Ito ang gustong-gusto kong pakiramdam sa lahat. Nae-excite ako sa mga bagay na tulad nang ganito. Bago ang lahat sa akin, kaya naman totoong masayang masaya ako.
Kinaumagahan ay alas singko pa lamang ng umaga ay gising na ako. Hindi na kataka-taka iyon para sa’kin. Sa sobrang excitement ko ay hindi ka nga ata nagawa na makatulog kagabi. Sa ngayon ay masaya kong pinag mamasdan ang sarili sa harapan nang salamin.
Alas sais na nang umaga, nakakain na ako at nakaligo. Suot ko na din ang isang formal na damit na gagawin kong uniporme ngayong araw. Handa na ako, oras na lamang talaga ang tangi kong inaantay. Alam kong sobrang aga ko upang gumayak dahil alas otso pa naman ang simula ng pasok ko, ngunit ayoko naman na malate sa unang araw ko sa bago kong trabaho.
Nang tumapat na ang kamay ng oras sa alas syete ay tumayo na ako at binitbit ang dadalahing bag. Muli akong sumulyap sa salamin at sinuri ang sarili. Final look!