Chapter 7

64.2K 1.1K 44
                                    

"A-Alley p-pleasee.."— tawag niya sa taong  patuloy na kumakaladkad sa kanya. Ngunit tila isa itong bingi at hindi pinakinggan ang kanyang pakikiusap. Pinapatuloy lang nito ang pagkaladkad sa kanya ng walang pakundangan. Ramdam niya ang pananakit ng ilang bahagi ng katawan, dahil sa pagtama at paghampas niya kung saan-saan. Malakas siyang napadaing nang itulak siya nito.

Nakita niyang nasa loob sila ng swimming area ng school na pinapasukan. Kasama ang dalawang alagad ni Alley, ay sila lang apat ang naroon. Kinakabahan na siya sa maaaring mangyare, ngunit wala siyang magawa dahil pinangungunahan siya ng takot.

"Alam mo ba kung gaano kalalim ang pool na ito?"— tanong ng nakangising si Alley. Natatakot naman siyang umiling. Hindi niya alam at ayaw na niyang malaman, ngunit siguradong malalim iyon, dahil isa iyon sa pinaka malaking pool sa school na ito.

"Halika, pakitaan mo kami kung gaano ka kagaling lumangoy,"— walang pasabing hinaklit siya nito sa leeg at pinilit pinatayo. Agad siyang pumiksi at pumilit na makawala rito, ngunit hindi siya nagtagumpay. Nasa gilid na sila ng swimming pool, at isang maling hakbang ay mahuhulog na siya.

"H-Hindi ako marunong maglangoy, Alley. Pakiusap."— nang bumaling siya sa dalawang nasa likuran ni Alley ay nakita niyang nakangisi ang mga ito, na tila ba nagugustuhan ang nakikita. Nagsisimula na siyang umiyak. Hindi niya alam ngunit pakiramdam niya ito na ang huling beses na bu-bulihin siya ni Alley. Tuloy ay naalala niya ang ina at kapatid.

"Kailangan mong matuto,"— tila demonyo itong nakangiti sa kanya. Umiling iling siya at pinilit pa rin na kumawala rito.

Hindi siya marunong maglangoy, at sa oras na ihulog siya sa pool ay hindi niya alam kung mabubuhay pa siya. Ito na ang pinaka matinding ginawa ni Alley sa kanya. Ang pamamahiya at pananakit ng pisikal ay kaya pa niyang indain, ngunit ito ay hindi na niya alam.

Sa oras na itulak siya nito ay hindi niya alam kung may tutulong at sasagip sa kanya. Ngunit mukhang malabo iyon dahil sila lang ang naroon.

"Pakiusap h-huwag—" ngunit ganoon kabilis ang mga pangyayari, ang pagpupumilit na makawala rito ay naging sanhi ng kanyang pagkadulas at pagbagsak sa sahig.

Ngunit hindi lang iyon ang nangyare, malakas na tumama ang kanyang ulo sa matigas na gilid ng pool, at kasabay noon ang pagbagsak niya sa malamig na  tubig ng swimming pool



Paine's Point of View

"Saan ka pupunta?"—tanong na agad bumungad sa'kin  nang makalabas ako ng silid. Nakita ko si ate Raine na nakatayo sa labas ng silid na aking pinagmulan. Mababakas sa mukha nito ang matinding pag aalala. 

"Ate,"— tawag ko rito. Madali itong lumapit sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso. Sinuri ako nito mula ulo hanggang paa, na tila ba sinisigurado kung ayos nga lang ba ako. 

"Kamusta ang pakiramdam mo ha, Paine?"— maging sa boses nito ay mahihimigan din ng pag aalala. Hindi ko ito masisisi kung bakit ito umaakto ng ganito. Bumuntong hininga ako at pinilit ngumiti. Ayokong nakikitang nag aalala ang mga taong malalapit sa'kin, lalo na ang aking pamilya. 

"Okay na ako ate," kahit sinabi ko na ang mga katangang iyon ay hindi nagbago ang itsura ng aking kapatid.

"Anong nangyare, Paine?" tanong nito. Hindi na ako nagulat nang itanong nito iyon sa akin. Alam ko na iyon agad ang unang-unang tatanungin ni ate sa akin. 

Nagbaba ako ng tingin at inalala ang mga nangyare. At ganoon na lang muli kalakas ang tibok ng aking puso nang maalala ang mga iyon. 

Siya.

Boss! I'm Pregnant! (Edited Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon