PAINE'S POINT OF VIEW
“Sakto ang dating mo Paine.” – nakangiting bungad sa’kin ni Elea, ngunit kapansin-pansin ang pagiging aligaga nito. Mukhang may hindi magandang nangyare.
“Ah, yeah.” – tangi kong sagot dito habang nakangiwi. Hindi ko magawang maging komportable dahil sa suot na basang damit, ramdam na ramdam ko pa rin kasi ang lamig mula roon. Hindi ko na rin kasi nagawa pang makapag palit ng damit, dahil ilang minuto na lamang ay mala-late na ko. Laking pasalamat na lamang talaga ako at purong itim ang aking isinuot, naging tulong iyon upang hindi mahalata ang pagkabasa ng aking suot. Ngunit nandoon pa rin ang lagkit ng aking katawan, at hindi talaga ako komportable doon.
Lumapit ako sa pwesto ni Elea at naupo. Narinig kong napabuntong hininga nito na ikinalingon ko rito. Mukhang may nangyare nga talaga. Akmang tatanungin ko na 'to kung anong problema, nang ito na mismo ang unang nag salita.
“Medyo bad mood kasi si Mr. Montefalcon, tuloy ay hindi ko alam kung paano kita ipapakilala sa kanya.” – sabi ni Elea, wala naman sa sariling napatango ako at nakaramdam ng bahagyang kaba. Bakit naman kaya bad mood si new boss? At base sa itsura ni Elea ay mukhang mahirap mabad-mood ang new boss ko.
“M-Masama ba magalit si Boss?” – hindi ko na napigilang itanong dito.
“Medyo.” – baling na sagot nito sa'kin.
Muli akong nakaramdam ng kaba. First day ko ngunit bad mood agad ang new boss ko. Pero ano naman kaya ang dahilan? Marahil may kliyente itong hindi nakasunod o kaya may deal itong hindi nakuha, ganoon kasi si kuya Tyler kapag may mga kliyente itong mga demanding.
Sa kakaisip ng mga dahilan ay nagulat na lang ako nang biglang tumunog ang intercom na nasa aking gilid.
“Elea, come here.” – boses lalaki ang nagsalita. Ito na ba ang new boss ko?
Ang cold ng boses!
Walang pasabi na agad na tumayo si Elea at tinahak ang pinto ng Presidential room, ngunit bago ito tuluyang pumasok ay umayos ito ng tindig, nawala ang nag aalangan nitong ekspresyon at napalitan iyon ng pagiging seryoso. Nag mukha itong professional bigla sa aking harapan.
Napanganga ako dahil sa ginawa nito. Tila naging ibang tao ito bigla sa aking harapan, ang kaninang palangiti at cheerful na si Elea ay naging isang istrikto at masungit na Elea na.
Manghang mangha ako sa mga nasaksihan. Hindi ko na nga namalayan na nakapasok at muli ng nakalabas si Elea mula sa silid ng presidente.
“Paine?” - tawag sakin ni Elea, doon naman bumalik ang aking katinuan. Nakangiti ko itong binalingan. At ayun na muli ang nakangiting si Elea.
“Bakit?”
“Halika ipapakilala na kina kay Mr. Montefalcon.”— nakangiting sabi pa nito. Muli naman akong sinalakay ng kaba. Normal naman ito hindi ba? Kahit naman sino ay kakabahan sa unang pagkikita, tama ako hindi ba?
Kinakabahan akong tumayo at bahagyang inayos ang sarili. Pansin ko na bahagya ng natutuyo ang suot kong damit, nakatulong ang lamig ng opisina.
“Kinakabahan ako.” — wala sa sariling na ibulaslas ko habang sumusunod kay Elea, bumaling ito sa'kin at bahagya lang ngumiti. Hindi ito nagsalita at patuloy na naglakad patungo sa pintuan. Kumatok ito ng dalawang beses, at napansin ko muli ang pagiging seryoso nito.
Pinilit ko naman na pakalmahin ang sarili, kailangan ko rin maging professional sa harapan ng bago kong boss. Hindi ito ang unang beses na haharap ka sa malalaking tao Paine, kaya relax!
“Come in.” — sabi ng baritonong boses. Binuksan ni Elea ang pinto. Nauna muling pumasok si Elea, habang nakasunod naman ako dito.
"Mr. Montefalcon, this is Ms. Honey Paine Salazar, your new hire secretary." — agad na pakilala sa'kin ni Elea. Agad akong nag paskil ng ngiti sa aking mga labi at agad nag angat ng tingin. Nakita ko ang isang lalaking nakaupo habang ang mga mata ay nakatuon sa papel na binabasa.