//JOSH//
"Hoy Josh mag hugas ka nga ng pinggan."
Yan lang naman ang inuutos ng magaling kong nanay. Ka-lalaki kong tao ako gumagawa ng gawaing bahay. Napabuntong hininga nalang ako sa sunod na narinig ko.
"Josh, Pagka tapos mo dyan linisin mo naman tong labas ng bahay."
"Opo Eto na po." Daily routine ko na ang paglilinis ng bahay kaya kabisado ko na bawat iuutos ni nanay.
Hanggat wala pa akong nakikitang trabaho, ako muna ang nandito sa bahay at tumutulong kay nanay. Pero naghahanap naman ako ng trabaho pero as of now wala pa.
Ang hirap talaga maghanap ng trabaho pag highschool lang ang natapos mo."Pre. May goodnews ako sayo!"
Napangiti nalang ako ng marinig ko ang boses na yon. Thankful ako at kahit mahirap lang akong tao nagkaron ako ng kaybigan na naiintindihan ako. Kung di pa nya ko tinulungan sa school siguro hanggang grade school lang ako."Ano ba ang goodnews mo?" Lagi namang goodnews ang dala nya.
"May nakita kong naka dikit sa poste na trabaho."
"Ano naman yon?"
"Personal bodyguard pre."
Naismid ako sa pakikinig sa kanya at natawa. Seryoso sya? Isang personal bodyguard ang iooffer nya sakin? Hindi naman ako marunong mag taekwando o wrestling para maging personal bodyguard. Ngumisi naman sya at tumalikod para umalis.
"Bahala ka kung ayaw mo sayang naman fifthteen thousand pesos ang sweldo sa loob ng 2 weeks."
15k? Ang laki naman masyado ng sweldo na yon for personal bodyguard. Pero sabagay hindi ganun kadali magligtas at magbantay sa isang tao lalo pa kung buong araw talaga.
Sayang naman yun kung hindi ko papatusin. Palabas na sana si james ng pinto"Teka! " Sigaw ko sa kanya at kahit nakatalikod sya alam kong natawa sya dahil sa panghihinayang ko sa fifteen thousand.
Lumapit ulit sya at kinuha ang pinggan na hinuhugasan ko.
"Hoy pre teka bat mo kinukuha yung mga pinggan"
"Ako na ang mag huhugas mag ayos kana at mag apply. Sayang yun ipunin mo yun para makapag aral ka ulit. Bilisan mo at baka maunahan ka"
Napangiti nalang ako kay james at tinanugan nya ko. Nagmamadali akong umakyat sa kwarto ko at nagbighis, habang nag aayos ako ng itsura ay hindi ko maiwasang maexcite dahil magkakatrabaho na ako. Ang swerte ko talaga sa kaybigan kong si james kahit mayaman sya ay down to earth parin sya sa mga taong mahihirap.
Pagbaba ko ay nakita ko na tapos na maghugas ng pinggan si james kaya natawa ako dahil parang proud na proud syang natapos nya yon."Umalis kana at bilisan mo"
"O sige." Tumakbo na ko palabas ng bahay.
"Saan ka pupuntang bata ka, di ka pa tapos sa gawaing bahay."
Oo si nanay yan. Basta maingay nanay ko yun.
"Dyan lang po ARAYYY"
"Saan?" tanong nya ulit"Mag aap-ARAAY NAMAN." ang sakit na ng tenga ko parang matatanggal na sa sobrang sakit.
"Ano kamo."
Pano nya maiintindihan kung puro aray lang masasabi ko sa sakit ng pingot nya.
"Mag a-apply po syasa trabaho." Singit ni James.
"Ay ganon ba? Osige na alis na."
Para akong batang piningot sa harap ng bestfriend ko kaya pinagtawanan lang ako ni james.
Nagmadali na akong takbo at baka may iutos pa sakin si nanay, kailangan ko mag ka pera dahil gusto kong makapag aral ng kolehiyo."Ouch anu ba di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo!?"
Sigaw sakin ng babaeng na bunggo ko at napa upo kaya agad ko syang tinulungan. Kita mo sa pustura nya na mayaman sya. Kaya agad akong humingi ng paumanhin.
"So-sorry po, Nag mamadali kase ko eh baka maunahan ako sa trabaho ko."
Nag sorry ako kahit alam kong parehas kaming may kasalanan.
"Pssh! Do you know how much my dress? Look dinumihan mo na." Sabi sakin ng babaeng nasa harapan ko habang nag papagpag ng damit.
Tinanong nya sakin ng may galit ang presyo ng damit na suot nya. Nadumihan lang naman tinanong agad kung mag kano yung presyo, kahit naman alam ko kung mag kano yan di ko kayang tumbasan ni 50 pesos nga wala ako eh.
"Hindi." Sagot ko sabay tingin sa kalsada.
Ayaw ko sya tignan nakaka imbyerna, ay para kong bakla, nahawa nako sa kapit bahay naming bakla.
"Worth of eight thousand lang naman ang dress ko na dinumihan mo." Napatingin naman ako sa kanya sa pagkabigla.
Seryoso ba sya? Dress worth of eight thousand ano bang tela ang ginamit doon para umabot sa ganung preso.
"So ano naman?" Tanong ko sa kanya
"Bayaran mo!" Aba! Ano ba ang akala nya sakin milyonaryo?
"Ayoko nga.Palabhan mo nalang eto ang fifthy pesos pang laudry."
Binigay ko ang singkwenta pesos na nasa bulsa ko kahit isang daan nalang ang natitirang pera na meron ako. Laki nung eight thousand para bayaran ko pwede naman yun labhan. Umalis nako dahil ayokong makipag away para sa damit na yun.."HOY BAYARAN MO TONG DINUMIHAN MO!" Sigaw nya sakin.
Bahala ka sa buhay mo mayaman ka naman makaka bili ka pa nyan.
Hindi ko na sya nilingon pa ulit at tuluyan nakong naglakad."HOY ANU BA-." Di na nya natuloy sasabihin nya kase may biglang sumigaw mula sa likod nya.
"Ayon sya! Habulin nyo." Lumingon ako para tignan kung sino ang sinigawan nila. Pero mukang hindi naman ako kaya tutuloy na sana ako sa paglalakad.
Pero laking gulat ko nang tumakbo yung babaeng kausap ko kanina at halos madapa na sya sa pagmamadali. Sya pala ang hinahabol ng mga lalaking yon. Pero bakit? May atraso ba sya sa kanila? Dahil siguro sa ugali nyang may pagkamaldita.
Tumakbo ko sa shortcut na papuntang Bay st. siguradong dun papunta ang babae dahil wala na syang tatakbuhan. Hindi ko alam pero may kung anong pwersa ang nagtulak sakin para tumakbo at sundan ang babaeng iyon.
BINABASA MO ANG
Rich girl meets Poor guy [Editing]
Teen FictionThe story of a man met a woman who was rich but have a bad attitude. He can change the life of a Girl or Girl can change His Life? What if you fall inlove In the right person but in the wrong time and wrong places. You're inlove with someone who nev...