Nakita ko syang nagtatago sa sulok at tama ang nasa isip ko walang lulusutan dito para makatakas pa dahil dead end na to.
"Kyahhhhhhhhhh" Sumigaw sya sa gulat ng tumabi ako sa kanya kaya tinakban ko yung bibig nya.
"You're safe." Bulong ko sa kanya at naramdaman ko namang naging kalmado sya.
Tinanggal ko na ang kamay ko sa bibig nya dahil nagets naman nyang hindi sya pwede mag ingay dahil nagtatago lang kami sa maliit na eskinita at nasa harap namin ang mga lalaking humahabol sa kanya.
"Asan na si maam? Hindi sya pwedeng makatakas lagot nanaman tayo kay boss" Rinig naming nag uusap ang mga humabol sa kanya. Tuluyan na ngang umalis ang mga lalaking humahabol sa kanya. Teka bakit maam ang tawag sa kanya?
"Yuck. What's thats smell? Disgusting! Nasan ba tayo ang baho naman dito."
At bumalik nanaman ako sa reyalidad na masungit ang babaeng tinulungan ko."Pasalamat ka nga tinulungan pa kita." Inis na sagot ko.
Nakaka pikon na din, ubos na pasensya ko sa malditang babaeng ito."I don't need your help." Sabi nya sabay ikot ng mata nya at lumabas sa eskinitang ito kaya sumunod narin ako sa kanya.
Di ko na rin matiis ang sangsang na amoy ng basuran na kanina pa namin katabi.
Naglakad narin ako dahil naalala ko ang trabahong pupuntahan ko. Tumungin ako sa relo ko at alastres na ng hapon. Sana wala pang natatanggap.
"Are you following me?" Sabi ng babaeng naglalakad sa harap ko.
"Ang kapal mo naman. Baka nakakalimutan mo walang ibang daan dito kundi ito"
Inirapan nya ko at tumalikod. Wala pang ilang oras sa paglalakad ay nakita sya ng mga lalaking kanina lang ay humahabol sa kanya. Tatakbo na sana sya pero huli na dahil nahawakan na sya ng isa.
"Maam, wag kana po tumakas samin kami po ang malalagot sa tatay nyo"
"Hindi ko kayo kaylangan. Hindi ko kaylangan ng bodyguard" Walang nagawa ang pagtataray nya at hinila parin sya pabalik ng sasakyan.
So bodyguard nya ang mga to? At tinatakasan nya. Bago ko pa sya isipin kaylangan ko ng magmadali kaya agad agad akong naglakad lalagpasan ko na sila ng bigla syang sumigaw.
"Hey, Help me." Sigaw nya tinignan ko kung ako ba ang kausap nya, at mukang ako nga yon.
"I don't need your help ." Ginaya ko ang sinabi nya kanina pati ang tono ng pananalita nya na lalong kinainis nya.
Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pag piglas nya sa mga taong nakahawak sa kanya at aktong hahawakan ulit sya pero nagsalita sya.
"Don't... touch... me" Hindi pako nakakalayo kaya rinig ko parin ang usapan nila. Lumingon ako para tignan yon at natakot ako sa expression ng muka nya. May kinuha sya sa cellphone at may dinial sya.
"Hello my princess, why are you calling?" Sabi nung nasa kabilang linya. Yung mga lalaki naman ay parang lumuwa na yung mata sa sobrang gulat. Hindi ko alam kung bakit pinanuod ko pa sila kahit alam kong late na ako.
"Dad wag ka nga mag english nakaka suka eh, di bagay.." Aba pati tatay nya binabastos nya, sama talaga ng ugali ng isang to.
"Okay sorry, este pasensya na. Bakit ka napatawag anak?" Sa tono ng tatay nya ay halatang mabait ito.
"Dad Yung mga guard ko dito" Sabi nya sabay tingin at ngiti sa dalawang lalaking kasama nya, yung dalawa naman ay halatang kabadong kabado.
"Why? What happened?"
"They threatening my life. Pag daw hindi ako umayos papatayin daw nila ako." Sagot nya sa kabilang linya na kinakunot ng noo ko.
"What!?" Halatang nagulat at napaasigaw ang tatay nya. Sino ba namang ama ang hindi magugulat kung alam nya ay pinagbantaan ang anak nya.
"Yes dad. Im scared" At kunwareng natatakot ang tono ng pananalita nya.
"They are fired" Bakas ang gulat sa muka ng mga lalaking tinanggal nya sa trabaho. Nakaka awa naman tong mga lalaking to. Binulsa na nya ang maganda nyang cellphone at nagpamewang.
"Ano narinig nyo gusto nyo pa bang ulitin ko? TANG-GAL-NA-KAYO.." Talagang klinaro pa nya.
Nakaramdam ako ng awa sa mga lalaking ginagawa lang nila ang trabaho nila sila pa ang nagmukang masama.
"Oh you're still here." sabi nya sakin na may pag tataray
Inirapan ko lang sya at tumalikod. Nahawa nako sa babaeng yun kaka irap. Ang maldita nya grabe ang ugali nya hindi ko kinaya.Naalala ko nanaman ang trabahong pupuntahan ko kaya tumakbo nako ng mabilis 4:00 na. Isang oras din pala akong nalibang sa babaeng maldita na yon. Agad akong tumakbo para mapuntahan yung address na sinabi kanina ni james.
Sa wakas nakarating din ako at medyo nakakapagod dahil medyo may kalayuan ito sa bahay namin at nilakad ko lang sya. Nagpatuloy nako sa pag lakad doon sa bahay na pag aapplyan ko.
At mga ilang saglit lang nandito nako, halos malula ako sa laki ng bahay. Swerte naman ng taong nakatira sa bahay nato, pag ako tumira sa gantong bahay pito pito ang aking katulong tapos mga magaganda at sexy tas naka bra at panty lang silang lahat.
Nahampas ko naman ang sarili ko sa mga naiisip kong imposible pero nangiti ako ng kaunti dahil sa kalokohang naisip ko.
Nag doorbell nako. At may nag salitang English speaking sa gate na ewan di ko alam tawag dun sa may lumabas na boses basta sa may malapit sya sa pintuan. Hightech namab dito ang galing."Mag aaply po ako ng bodyguard." Ang sagot ko. Siguro naman maiintindihan nya yun kahit tagalog.
Biglang nagbukas ang.malaking gate at napanganga ako sa nakita ko. Isang malawak na hardin at punong puno ng magagandang bulaklak. Bigla akong nanlata sa naisip kong maglalakad nanaman ako ng sobrang layo at pagod narin ako gawa ng paglalakad ko kanina.
Pinagmasdan ko ang lawak nito at hindi ko matanaw ang bahay mukang malayo layo pa nga ang aking lalakarin pero tignan mo palang ay mapapagod kana, mag lakad kapa kaya?
Sa pag tulala ko sa kawalan ay may biglang sumulpot na maliit na sasakyan sa harap ko"Tara sakay na dadalin kita kay sir." Sabi ng babaeng nasa edad forthy pababa.
Hindi ko maiwasang mamangha sa mga nadadaanan naming mga bulaklak at statue.
Maya maya pa ay huminto na kami sa malaking pintuan at bahay hindi ko mapigilan ang bibig ko sa pag nganga dahil sa ganda at laki ng bahay. Lahat ng gamit kumikinang sa ganda at sa linis."This way sir." Sabi sakin ng babae at sumunod naman ako sa kanya.
Nandito nako sa loob ng office ng lalakeng nakatalikod at naka tingin sa malaki nyang bintana.
"Good day po sir, ako po yung mag aaply for personal guard." Bigla na syang humarap at halata mo sa muka nyang may katandaan na sya pero magandang lalaki parin at may kamukha sya di ko lang alam kung sino basta may kamuka sya.
BINABASA MO ANG
Rich girl meets Poor guy [Editing]
Teen FictionThe story of a man met a woman who was rich but have a bad attitude. He can change the life of a Girl or Girl can change His Life? What if you fall inlove In the right person but in the wrong time and wrong places. You're inlove with someone who nev...