Chapter 20

3.7K 55 22
                                    

//Madison//

Nakaka pikon yung mga babae na yun, akala mo ang tatapang urong naman ang mga ugat, hindi nga naka ganti sa pag sampal ko sa kanila alam ko kanina pako gustong pigilan ni josh pero pag mag sasalita sya o pipigilan yung mga babae na yun gumagawa nako ng moves para hindi nya ko mapigilan ayoko naman isipin nila na duwag ako tsss.

Dapat sisipain ko pa sa hita yung pinaka leader sa kanila kaso, etong si levy hinila agad ako, pero ayos na din yun dahil baka kung nagkataon masaktan ko na talaga sya,

Nabigla ako sa pagkahila nya sakin dahilan para kusang akong sumunod sa kanya sa paglalakad nagulat ako ng makarating kami sa likod ng building tahimik at puro puno lang ang makikita.

"Sa susunod nga wag kang makikipag away mamaya masugatan kapa." Napatungo nalang ako dahil sa hiya.

"tssss, sila nauna." Usal ko.

"Oh." Napatingin ako sa hawak nyang isang box na chocolate.

"thanks." Kinuha ko yung chocolate nyang binigay ngumiti sa kanya. Napatawa lang sya.

*Ting*

Ayy may nag text. Tinignan ko kung sino yung nag text at si Josh pala. Naiwan pala sya don kanina.

From Josh:

Nasan ka tell me asap!!!
3:00pm

🎵Going back to the corner where I first saw you
Gonna camp in my sleeping bag I'm not gonna move
Got some words on cardboard, got your picture in my hand
Saying, "If you see this girl can you tell her where I am?"---🎵

"Go. Answer." Napatingin ako sa cellphone at agad na sinagot yon.

"Wait." Lumayo ako kay levy at sinagot yung tumawag.

'Panira ng moment, badtrip!'

Tinignan ko kung sino pero unregister number. Sino kaya to?

"Hello?"

"Hello my dear." Malanding sagot ng nasa kabilang linya.

"Sino kaba?"

"Nagkita na tayo kanina, naka limutan mo agad?"

"Wala akong pakielam kung nag kita tayo o hindi tinatanong kita kung sino ka." Walang anomang tonong sagot ko.

"Kung gusto mo pang makita ang mga kaybigan mo na hindi gumagapang, puntahan mo sila dito sa park."

Huh? Sinong mga kaibigan? Sila jane? Sila lang naman ang mga naging kaibigan ko.
Bumilis tibok ng puso ko, parang anytime ay mababasag ito pawis na pawis na rin ako dahil sa hindi ko alam na dahilan.

"Bakit ba? Sinong kaibigan tinutukoy mo?" Tanong ko na natatakot na pero hindi ko ito pinahalata.

"Grabe hindi mo kilala ang mga kaibigan mo!? Pumunta ka dito, dahil kung hindi ka pupunta dito baka pag lamayan tong tatlong magaganda mong kaybigan." Halos maubusan ako ng hininga sa narinig ko.
Sino ba to? Anong kailangan nila sakin?

"Ano ba ang kailangan mo?" Nag iinit na ang ulo ko gusto ko syang dukutin sa cellphone pero malabo.

"Anong pangalan mo? Sabhin mo wag kang umiling.. Ahhhhhh----" Para akong nabulunan sa boses na narinig ko.

O__________________________________O

Si jizelle yun at sigurado ako, anong ginawa nung babaeng yun sa kanila. Tsk nakakainis!! Ano bang problema nila?!

"TANG*NA MO, SINO KABA.? PAG NALAMAN KONG MAY NANGYARI SA KANILANG MASAMA SASAKALIN KITANG HINAYUPAK KA." Sigaw ko.

"Chill ka lang girl, buhay pa naman sila."

Rich girl meets Poor guy [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon