Chapter 6

891 13 0
                                    

//JOSH//

Nakaka inis naman tong babaeng to. Maka tulak at hagis sa muka ko ng mga damit, pero ano kaya nakain nito at ibibili nya ko ng damit. Sinukat ko na yung damit na hindi ko maintindihan ang design pero maganda sya, lumabas nako ng fitting room tumingin lang sya sakin ng nakakunot ang noo.

"Mag palit ka, para ka lang pupuntang park." sa ganda ng design na to, pang park lang ang tingin nya dito? Iba talaga taste ng mayayaman.

Sinuot ko naman ang isa pang mas magandang damit. Sobrang bagay nya sakin formal na formal ang dating nya kaya nagtagal ako dito sa fitting room.

"Hoy kinain kana dyan ng damit lumabas kana dyan at patingin ako ng damit." Narinig kong sigaw nya mula sa labas.

"Opo boss wait lang." Lumabas nako at natingin sya ng matagal sakin.

"Pogi ba?" Halatang nagulat sya sa pagtulala nya sakin kaya agad syang umiwas ng tingin.

"Tss ang lakas ng hangin nilalamig ako" sarcastic nyang tono.

Pumunta na kame sa counter at yung mga babaeng nakapila pinauna nako iba na talaga karisma ng gwapo.

"S-sir 30,000 pesos." Nagpapacute na sabi ng nasa counter.

"Tssss ako na nga mag babayad umalis ka dyan" May pagkainis na sabi ni mad.

"Mag kano ba talaga?!" Halos sigawan na nya ang babaeng nasa counter.

"30,000 pesos po." Sagot agad babae.

"Here, sa susunod mag focus ka sa trabaho mo." Sabay abot nya ng card.

Naglakad lakad na kami nang mapansin kong pinagtitinginan kami ng mga tao sa mall.

"Hirap talaga lang artistahin ang kasama. You're so lucky to have me." Sa pagsasalita kong to alam ko ng bangayan ang kakahinatnan.

"Lucky my ass." She said.

"Malucky ang ass mo?" Nakita kong lalo syang nainis kaya tinadyakan nanaman nya ang tuhod ko para mamalipit ako sa sakit.

"Pervert."

"Just kidding babe" I said at hindi na sya kumibo.

Walang nagsalita saming dalawa at lalong narinig namin ang bulong bulungan na kinatawa ko naman.

"Laro tayo."

"Ha bata kaba?" Tanong ko pero kita sa mukha nyang seryoso talaga sya. Pinaliwanag nya sakin an laro at kung sino ang manalo ay may premyo.

"That's kinda funny!" Napailing nalang ako sa gusto nyang way ng pakikipaglaro.

"What should I do?"

"Higa ka dun sa bed."

Tinuro nya yung bed sa loob ng botique ng mga furniture na may nakalagay na 'thank you for not sitting'

Halos napanganga nalang ako sa gusto nyang mangyari. Seryoso ba sya? Ang lakas din ng trip nya sa buhay.

"Seryoso ka? Nakalagay na dun oh! Thank you for not sitting" Hindi ko talaga alam kung tama ba tong naisip nya.

"Kaya nga hihiga ka kase sitting ang nakalagay"  

Mukang masaya din naman siguro yun.

"Osige" I said and I see her  smile.

//MADISON//

Lumakad si josh papunta sa loob ng botique at humiga sa bed inorasan ko sya ng 20 seconds lahat ng tao pinagtitinginan na sya hindi ko mapigilang hindi matawa sa itsura nya at home na at home sya.

Yung saleslady ay parang may tinawagan the next I knew tumatakbo na kami dahil sa mga guard.

Tumatakbo pa din kame at hawak nya yung kamay ko di ko na ko nag inarte dahil baka abutan kami ng mga guard. Tumatawa tawa sya habang tumatakbo.

Nakarating kami hanggang dito sa may parking lot. Kaya binitawan na din nya yung kamay ko..

"Hahahaha, Nakaka enjoy pala yun." nag enjoy ako kakatakbo namin kung saan saan kami nagpasikot sikot para lang hindi maabutan.

"Tara na nga uwi na tayo."   lalaking to.

****

Habang nasa byahe sobrang tahimik hindi ako sanay pero ayoko naman mag simula ng topic.

"Uhm mad thank you for this." Salamat at nagsalita sya.

"Wag kang mag thank you sakin, binili ko yan para sa pupuntahan natin bukas."
Sa totoo lang wala kameng pupuntahan bukas wala akong palusot baka isipin nito na mabait nako sa kanya.

"Saan tayo pupunta?"

"Basta."

Nandito na kame sa tapat ng gate baba na sana ako ng kotse nagulat ako ng hawakan nya yung kamay ko kaya napatingin ako sa kanya nag ka eye to eye kame. Bakit parang iba yung pakiramdam.

"Oo nga pala salamat, kanina nag enjoy talaga ako dun." Ang akward kaya napasagot agad ako.

"Hehehe wala yun." Umiwas ako ng tingin dahil iba ang pakiramdam ko parang ang init ng muka ko.

Rich girl meets Poor guy [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon