Chapter 3

5.9K 80 3
                                    

"Your hire." Sagot nya na kinabigla ko.

"P-po?" Nagkamali ba ko ng rinig? Hired agad? Hindi pa nga ako nag papakilala ng maayos.

"You're hire." Ulit nya na kinabigla ko parin.

"Pero bakit po tanggap agad ako,hindi pa nga po ako nag papakilala." Ngumiti lang sya at tinapik ang balikay ko.

"Hindi mo na kaylangan mag pakilala okay lang kahit sino ka, Basta wag mong susukuan yung anak ko."
Anak? So anak nya pala ang babantayan ko? Bakit ano bang meron sa anak nya?

"Okay po, Pwede po bang magtanong." Tumango naman sya kaya nagtanong na ako.

"Ano po bang klase ang anak nyo kahalating halimaw?" sabi ko na may pag tataka. Tumawa lang sya at nagseryoso ulit. Creepy.

"No, She's my angel but sometimes she's stupid woman. Hindi nya iniisip ang taong nasa paligid nya. Kaya walang tumatagal na bodyguard dun at sana ikaw na ang last nyang maging bodyguard, suko na ko sa batang yun." Nagpakawala sya ng isang hininga atsaka umiiling.

"I Have a Deal sir." Bigla syang natingin sakin

"Okay anung deal naman yan?" Nagtatakang tanong nya.

"Ako na po ang bahala sa anak nyo, gagawin ko po lahat ng makakaya ko pero ako po ang kusang aalis dito sa oras na matapos ko na ang trabaho ko." Ngumiti sya at tumayo.

"Ang deal po is ako lang ang kusang aalis sa pagiging bodyguard ko sa anak nyo.

"Oh sure. Saan ka ba nakatira at san kaba nag aaral? Mukang mag kasing edad lang kayo ng anak ko kaya for sure magkakasundo kayo." Hindi ko pa nakikita ang anak nya o kahit ang anino nito.

"Hindi na po ako nag aaral, kaya po  mababantayan ko na po ng maigi ang anak nyo, Dyan lang po ako sa betilde st. lang po. " Sagot ko agad sa mga tanong nya

"Malapit lang pala mamaya umuwi ka, at kunin mo yung mga gamit mo bukas mona sisimulan ang pag tratrabaho dito kana titira at mag aaral ka sa komono University'"

Talaga ba? Pag aaralin nya talaga ako? Grabe sobrang swerte ko at sa komono ako mag aaral. Paaralan lang yon ng mga taong mayayaman talaga at mapapabilang ako doon. Magkikita rin kami ni james.

"Sige na, umuwi ka muna at kunin mo na yung mga gamit mo baka gabihin kapa." Umalis nako at sinimulan ko na ma lakad pauwi samin.

Di ko parin makalimutan yung sinabi ng matanda na pag aaralin nya ko. Sobrang saya ko at alam kong pag nalaman to ni james ay magiging masaya rin sya.

//MADISON//

Nakaka inis ang sakit ng paa ko ng dahil sa heels na to first time ko ata mag heels at ngayon ay namamaga na ang aking mga paa. Nag lalakad ako pauwi ng bahay sana naman pag uwi ko dun wala na akong new bodyguard nakakainis kase bawat galaw mo kaylangan alam nila, kulang nalang mag lagay ng cctv sa loob ng katawan ko para malaman nila kung anu yung ginagawa ng mga organs ko sa loob ng katawan ko eh. I hate this kind of lifestyle.
Kahit sobrang yaman namin hindi mawala sakin ang inggit na nararamdaman ko sa iba kong kaybigan.

Sila they are free to celebrate their life samantalang ako, laging may barriers. Nawala ako sa pagiisip ng mabunggo nanaman ako. Yes nanaman, dahil kanina lang ay may lalaki akong nabunggo at ang arogante nya akala mo kung sino.

"Ouch." Kahit hindi masakit ay kusang nag react ang bibig ko.

"Ay sorry miss." Parang familiar yung boses na yun.

Tumingin ako sa kanya at sya din naka tingin sakin.

"WHAT THE HECK!"

"IKAW NANAMAN?"

Sabay naming sigaw nag ka turuan pa kame, ang daming makaka salubong bakit sya pa? Sirang sira na ang araw at gabi ko.

"What a small word.?" Sabi nya with accent. Yabang akala mo ang ganda ng accent.

"Kill yourself" Para mabawasan ang mga taong nakakainis sa mundo.

"Di mauna ka pag nag enjoy ka, promise susunod ako." This boy really pissed me off.

"Wag na! Ikaw nalang! gusto mo ako na pumatay sayo eh." Banta ko sa kanya kung pwde lang pumatay ng hayop baka napatay ko na sya.

Umuwi nako at diretsong pasok sa kwarto.

"Baby may new guard ka ulit gwapo sya." Ano pabang aasahan ko sayo daddy,  di na sila nanawa.

"Whatever Daddy" Sigaw ko mula sa loob ng kwarto. Narinig ko naman ang pagtawa nya.

Nag bihis nako ng malaking t-shirt at lumabas ng kwarto at  kumain sa baba. After kong kumain natulog nako di na ko gagawa ng assignment, mag cucutting naman ako bukas sa first subject as always..

Tinakpan ko ng tenga ang unan ko dahil sa malakas na pagkatok gaking sa pinto.

Sino ba yung hinayupak na yun natutulog pako nagiingay agad.,
Narinig kong bumukas yung pinto kaya agad kong tinignan kung sino iyon dahil wala pang nagsusubok pumasok sa kwarto ko.

"Who are you?" Tanong ko sa lalaking nakatayo sa harap ng kama ko. Hindi ko maaninag ang muka nito dahil sa liwanag na nasa likod nya.

"I'm your bodygurard."

Hindi ko yun pinansin at bumalik ako sa oagkakatulog. Pero hinila nya ang kumot at unan ko para tuluyan akong mapabangon.

"Get out of my room." sigaw ko sabay talukbong ng kumot sa buong katawan ko.

"Wag mo nga ako english-in nasa pilipinas ka wala ka sa america." This idiot man.

"Umalis ka kako dito sa kwarto ko. Are you stupid? Simple instruction you cannot follow. Nakakaintindi kaba?" Sabi ko na nakataas ang isang kilay. Ang aga aga pa may bwiset agad na nang bubulabog agad  ng tulog ko.

"Oo naman kahit naman highschool lang ang natapos ko, nakakaintindi ako ng english."

"So? I don't care. Maiyak kapa? Wala akong pake kung highschool o grade school lang ang natapos mo ang gusto ko umalis ka sa kwarto ko." Bumalik ulit ako sa pagkakahiga at pumikit para matulog.

"Kung wala kang pake, pwes ako meron may pasok ka bumangon kana dyan malalate ka." Ano sya tatay ko?

Tumayo ako at tinaasan sya ng kilay habang naka pameyang..

"At sino ka para utusan moko ayoko pumasok kaya umalis ka dito. Ang baho mo" Aaktong hihiga na ulit ako ng sumagot pa sya na kinainit ng ulo ko.

"Ang bibig malapit sa ilong."

"Di mabaho hininga ko. Umalis kana dito." sigaw ko sa muka nya.

Tuluyan na syang umalis na parang may ibang naamoy. Inamoy ko ang hininga ko pero hindi naman mabaho pinagloloko ako ng isang yon.

Pero teka parang kilala ko yung lalaking yun sa boses palang, di ko agad na narealize  yung muka at yung boses nya dahil yung kaluluwa ko ay wala pa planetang earth.

Matutulog nalang ulet ako kesa pag aksayahan ko sa oras yung new guard na yun kung sinu man sya.

Rich girl meets Poor guy [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon