Chapter 19

2.9K 59 1
                                    

Madison Pov's

Aaaargh!!! Ang sakit ng ulo ko kulang na kulang ako sa tulog. Napatingin ako sa orasan at 12 o'clock na pala tsk tsk siguro pati si josh tulog pa din kaya hindi pumasok dahil kung pumasok yon, for sure naman na kakatukin nya ko dito sa kwarto.

Bigla kong naalalang hindi ko na pala sya bodyguard, ang bilis ng oras at araw. Parang kailan lang nag apply sya dito ng walang kahirap hirap tas ngayon aalis sya ng walang kahirap hirap rin.

'Baka mamiss ko sya.'

'wtf? Ano ba yang naiisip ko!!'

'ano naman kung hindi ko na sya bodyguard? diba dapat nga matuwa pa ko wala ng bubuntot buntot sakin na parang pusa.'

'Eh! Kase naman ang tagal ko na kaya sya kasama hays'

Napabalikwas ako sa higaan dahil sa mga naiisip ko at napalamukos sa sariling mukha pinagmasdan ko ang kwarto ko at napabuntong hininga.

'Mamimiss ko tong kwarto ko hahaha so much memories'

Sa isang araw pa ko aalis dito sa bahay dahil mas feel ko dito pagiging sinyorita kesa sa condo isa pa ayaw ko muna lumipat dun ng biglaan atsaka na siguro pag after ng debut ko.

Teka may natawag pala.

~

🎵🎵Going back to the corner where I first saw you
Gonna camp in my sleeping bag I'm not gonna move
Got some words on cardboard, got your picture in my hand
Saying, If you see this girl can you tell her where I am?
Some try to hand me money, they don't understand. 🎵🎵

Hinanap ko sa kama yung cellphone ko at tinignan ko kung sino yung natawag.

^//////////////////////////^

Levy's Calling......

"Hello?" Bati agad ng nasa kabilang linya.

"Hello?" Nahihiya pang sagot ko.

"Kinuha ko na sa kaklase mo yung number mo sorry. Btw goodmorning."

"Ahh It's okay. Good morning din." Woah ang ganda nga naman ng umaga ko, nawala yata lahat ng sakit sa ulo ko. Nakangiti ako habang binabanggit ang mga salitang yan.

"See you later."

"Okay, see you." Binaba ko na tawag.

" Tsssss. Corny." Halos mapatalon naman ako sa nagsalita mula sla likod ko. Nandon si josh at nakasandal sa pintuan habang naka cross arm pa at ilang minuto lang ang lumipas ay tumalikod na agad sya at naglakad paalis.

'Ano nanamang eksena nya? Ke aga aga'

Lumabas ako ng kwarto at sinilip ni josh sa sarili nyang kwarto, abala sya sa pag hahanda nya sa pag lipat sa condo. Palabas na sana si sya pero sa hindi ko alam kung bakit hinawakan ko sya sa braso para pigilan sa pag alis.

"Uhm, josh?"  Halata ang gulat sa ekspresyon nya pero agad naman nya itong binawi at nagtatakang tumingin sakin. At parang nateteary eyed ako.

"Why? Niloko kana ba nung levy na yon?' Gulat ako sa naging tanong nya at natatawa pa sa loob loob ko. Hindi pa nga sinasagot niloko agad? Tsss.

Umiling ako bilang sagot atsaka nagsalita....

" Can you please don't leave?" Ehh? Bakit ko yun sinabi?

"Bakit?" Tanong nya na nagingiti pa ng nakakaloko, assuming.

"K-kase feeling ko mamamimiss kita, and isa pa ayokong maging alone nanaman sa mundong to hahaha." Sabi ko na tumawa pa ng sarkastiko. "Feeling ko kulang na yata ang takbo ng buhay ko pag nawala ka. Kase si daddy at ikaw nalang ang taong tingin ko mahalaga ako." Napatakip nalang ako sa bibig dahil sa sobrang gulat sa mga sinabi ko.

Rich girl meets Poor guy [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon