~
~
~
MADEL POV..
~
~
~Nakaramdam ako ng awa habang tinitignan ko lang si jagger na pinag sasabihan ni mrs.bulalacao
Mabait naman si maam kaya lang ayaw nya talaga sa mga istudyante nya na pinapabayaan ang pag aaral
Tahimik lang kami habang nakikinig at sa gilid ng mata ko ay minsan tumitingin sya pero hindi ko sya pinapansin
Actually i'm happy to see him again. Hindi talaga ako nag kamali na hindi sya kausapin at mabuti na lang din dahil nakinig sya
Natapos na ang klase at nag dismiss na din sa wakas. Ngayon ay break time na
"Hmm tara baba na tayo guys" - yaya samin ni allyson at tumango naman kami
Bumaling ako kay jagger na nag aayos ng gamit.
"Jagger lets eat" - naka ngiting yaya ko naman sa kanya habang nag aayos parin sya ng gamit
"O-okay lang ba makisabay ako baka hindi sa kani-"
"Oo naman okay lang sa kanila. Diba guys okay lang na sumabay sya satin kumain?" - pinutol ko yung sasabihin nya sabay ngiti at humarap ako sa mga kaibigan ko
*Katahimikan*
Ilan segundo ata bago may mag salita.
"Yes jagger" - tipid na sagot ni allyson at nag lakad na sya palabas ng room
Sumunod naman sila audrey at ang mag kambal dahilan para sumunod na din kami ni jagger sa likuran nila.
"Tara" - yaya ko ulit
Nag lakad na ako pero tila hindi ata sumusunod sa likuran ko ang yabag ni jagger kaya napalingon ako at.
"Jagger tara na" - ulit kong sabi pero hindi sya sumagot at hindi rin sya nag lakad papunta saakin
Ngumiti ako bahagya at bumalik ulit sa kinakatayuan nya. Hinawakan ko ang kamay nya at pinag siklop ko ang mga daliri ko sa kanya
Napatalon sya dahil sa ginawa ko pero ngiti lang din ang sinalubong ko sa kanya. Hinila ko na sya at nag patinod naman din sya palabas ng room
*Canteen*
Tahimik lang kami habang kumakain paminsansan naman ay tumitingin sila allyson sa katabi kong si jagger na kumakain at naka tingin sa malayo
"So saan tayo ngayon mga bes?" - tanong ni audrey saamin
"Hmm...tinamad ako ngayon audrey pwede bang umuwi na lang tayo after class" - sagot naman ni allyson at kumagat ulit sa pagkain nyang burger
"Ha? A-akala ko ba aalis tayo after class anyare bes?"
"Tinatamad ako maybe tomorrow but not now please" - walang gana nyang sagot sa dalagang si audrey
"Ganon. Okay"
Tahimik parin hanggang sa matapos kami kumain ay nag pasya na kaming bumalik sa room.
Pero pag akyat namin sa hagdanan ay naka salubong namin ang barkada ni jagger noon na sila jon pati si khim.
Nag tatawanan sila pababa at naka hakbay pa si jon kay khim. Napatalon sila ng makita nila kami lalo na kay jagger na nasa likuran ko lang
"Oh ayan na ang mga BESfriend mo jagger" - wika ni allyson at diniinan nya pa ang salita nya
Walang sumagot sa kanya tanging kunot noo lang ang nakita nya kay jagger pati kela jon din.
"Pre jagger?" - tawag ni jon at agad inalis ang pag kakahakbay nya sa balikat ng dalaga
Hindi sya nito pinansin kaya naiwan syang naka nganga din.
BINABASA MO ANG
HIGH SCHOOL LIFE 'Complete ✔'
Mystery / ThrillerHIGH SCHOOL LIFE ( SHORT STORY ) ito ay kwento ng mag babarkada nung high school sila at 4th year students na. masaya ang naging unang pag pasok nila dahil marami agad silang nakilala na bago at naging kaibigan din nila ito. Tulad ng isang babaeng t...