~
~
~
MADEL POV..
~
~
~Nakaramdam ako ng saya sa dibdib ng pumayag si jagger na doon muna ako sa tahanan nila at bukas naman ay uuwi din agad ako dahil alam ko mag aalala sila mama at papa saakin
Pero may kaba din sa dibdib ko at natatabuan nito ang saya ng nararamdaman ko. Please naman kahit saglit lang makatikim lang ako ng ginhawa at saya sa buhay ko kasama ang taong gustong gusto ko pero alam kong hanggang dun na lang yun dahil ayoko rin sirain ang pag kakaibigan namin
Habang tinatahak ang daan pauwi sa tahanan ni jagger ay naramdaman ko ang mga daliri nya saakin buhok na hinahaplos ito paulit ulit.
Maya maya pa ay nakarating na nga sa gate sa harap ng bahay nila at pumasok ang kotse. Bumaba na kami ni jagger ng sabay at nag lakad papasok sa main door. How i missed this house sana makabisita ulit ako dito
Nakita ko ang katulong na si nanay lorna na agad ngumiti saakin habang nag aayos ng mga vase.
"Good afternoon jagger and madel. Kamusta anak?" - bati nya saamin at lumapit ako saka nag mano sa kanya
"H-hello N-nay. K-kamusta po kayo?" - nauutal kong tanong. Pinilit kong wag mautal para hindi sya mag taka saakin katulad ng mga kaibigan ko at sabay nginitian siya
"Mabuti naman kung ganoon hala kumain na kayo mga anak. Jagger umalis pala ang mommy mo kasama ang daddy mo at baka bukas pa sila uuwi ng hapon dahil daw may aasikasuhin ang mga ito sa inyong kompanya." - mahabang ani ni nanay habang naka tingin saamin ng diretso
"Okay nay thank you po. Madel let's go upstair" - yaya nya saakin at tumango naman ako
Nag paalam na din ako kay nanay lorna saka umakyat sa taas. Pumasok kami sa kwarto ni jagger at nilapag nya ang bag nito sa isang chair na may desk at ganon rin ang ginawa ko saka ako umupo saglit
Ilan beses na ako nakapasok dito nung mga oras na tinutulungan ko si jagger sa mga projects nya pero umuuwi din ako ng gabi at hinahatid ako ni jagger din. Kaya ngayon lang ako matutulog dito sa kanilang bahay at medyo kinakabahan na nahihiya din
Medyo close ko ang mom ni jagger dahil nga sa pag tulong ko sa anak nya kaya laking pasalamat nya dahil napasa nito ang lahat ng subjects nya.
Humikab ako at medyo nakaramdam ng antok kasabay nun ang pag tingin saakin ni jagger habang nag tatanggal ng butones at nakita ko ang dibdib nya kahit may sando ito sa loob kaya napatakip ako ng mata.
"OhmyGod" - gulat kong sabi habang nakatakip parin ang mata ko
"Oopss sorry madel." - paumanhin nya agad at naramdaman kong nag lakad sya kaya tinanggal ko ang takip sa mata ko at nakita ko na lang ang likod nya at nag lakad patungo sa bathroom
Napabuntong hininga na lang ako at umayos ng upo. Maya maya din ay lumabas na si jagger sa cr at naka soot na sya ngayon ng sandong grey at naka boxer? kaya napangiwi ako at nag iwas ng tingin
Nagulat ako ng may binigay sya saakin na isang tshirt na damit at short na maliit. Kumunot noo ako at tinitigan ko ang damit na hawak ko ngayon
"That's my shirt madel pero yung short is not mine." - aniya habang sinusuklay nya ang buhok nito gamit ang daliri nya
"Ah! Kay peewie itong short?" - tanong ko na agad naman syang tumango saakin
Si peewie kapatid nya mas ahead lang ako sa kanya ng 3 taon kaya ate ang tawag nya saakin pero mag kasing laki na kami ng katawan dahil malaking bulas ang dalagang yun. Kamusta na kaya ngayon yun i missed her so much sana mag kita kami ngayon kasi alam ko na sa school sya at mamayang gabi pa ang uwi nun dahil second year HS pa lang sya
BINABASA MO ANG
HIGH SCHOOL LIFE 'Complete ✔'
Mystère / ThrillerHIGH SCHOOL LIFE ( SHORT STORY ) ito ay kwento ng mag babarkada nung high school sila at 4th year students na. masaya ang naging unang pag pasok nila dahil marami agad silang nakilala na bago at naging kaibigan din nila ito. Tulad ng isang babaeng t...