HSL PART 19

520 15 2
                                    

~
~
~
THIRD POV..
~
~
~

Isang linggo na ang nakalipas mula ng makitulog si madel sa bahay ng binatang si jagger. Habang tulog ang dalaga sa kama ng binata ay binantayan nya ito at ng hindi na kayanin ang antok ay tumabi sya sa dalagang mahimbing ang tulog

Niyakap nya ito habang naka ngiti dahil ito yung unang pagkakataon na makakasama nya sa pag tulog ang dalaga hanggang umaga. Pumikit na sya habang may mga ngiti sa labi at natulog na din pero anong laki ng mata nya ng pag gising nito ay wala na sa tabi ang dalaga kaya nataranta sya at hinanap ng mata nya kung na saan na ito

Natuon ang pansin nya sa isang note na nakadikit sa headboard ng kama nito. Naningkit ang mata nya kaya dali dali nya ito kinuha at binasa habang kunot noo na

Jagger:

Una sa lahat gusto kong mag paalam lalong lalo na sayo jagger dahil kahit saan ako mag punta alam ko palagi mong hawak ang puso ko. Alam kong hindi na ako mag tatagal dito at tanggap ko na rin yun kaya gusto kong malaman mo na masaya ako na nakilala kita pati sila allyson, audrey at kambal. Salamat dahil naging kaibigan ko kayo at naging parte kayo ng buhay ko :) patawad sa lahat at sa ugaling hindi nyo maintindihan. Pinilit kong maging normal kaya lang ay hindi ko talaga kaya. Patawad dahil sa ganitong paraan ako mag papaalam sa inyo masaya ako na makakagraduate kayo kahit alam kong hindi nyo ako makakasama sa entablado para kunin ang diploma pero okay lang :) mamimiss ko kayo ng sobra kung pwede lang jagger na pakikamusta mo ako sa kaibigan natin at ikaw na bahala sa kanila. Mahal na mahal ko kayo at mahal na mahal din kita jagger pero hindi na mangyayari ang gusto ko, na ikaw ang maging first and last boyfriend ko sana :) lagi mong ingatan ang sarili mo at mag tapos sa pag aaral and please sana wag mong kalimutan ang mga bilin ko sayo. Takecare

Love: madelconrad :)

Hindi maintindihan ng binata ang naka sulat sa note galing sa dalagang si madel. Nakaramdam sya ng matinding kaba at kirot sa puso nagulat pa sya ng biglang tumulo ang namuong luha sa kanyang mata na agad naman ito pinunasan.

"Ano na kaya ngyari kay madel. Bakit hindi na sya pumapasok tsk naawa ako sa magulang nya kasi akala nila andito yung anak nila na nag aaral pero wala naman si madel" - malungkot na sabi ng dalaga habang kaharap nito ang iba pang kaibigan nya

"Oo nga audrey, nasaan na kaya si madel. Isang linggo na ang nakalipas ng huli natin sya makita at makasama pero isang linggo na lang ay gagraduate na din tayo." - tugon naman ni allyson sa dalagang katabi nya

Simula ng hindi pumasok ang dalaga ay lagi nila itong pinag uusapan kung asan na ito at kung ano na ang ngyayari dito. Mas naging malala ang ngyari sa dalaga dahil halos ni anino nito ay hindi mahagilap kahit ang mga magulang niya

Ang pag kakaalam ng nanay at papa ng dalagang si madel ay pumapasok ito sa school pero nagulat na lang sila ng itext ng principal ang nanay ni madel at pinag report ito dahil sa ngyayari sa dalaga. Nalaman ng magulang ng dalaga na hindi na pala pumapasok ito kaya nung isang araw ay umuwi ang dalaga na lupaypay na at ng hihina kaya nagulat silang mag asawa sa itsura ng nito

Agad nila itong dinala sa hospital pero nakalabas din matapos ang isang araw lang dahil nag pupumilit ang dalaga na umuwi kaya pumayag ang mag asawa kahit labag sa kanila ito.

Ibang iba na ang itsura ni madel sa dating madel. Halos hindi na nga sya makilala ng mga magulang nito dahil nag sasalita ito mag isa at parang takot na takot hanggang sa tuluyan na ngang mabaliw ang dalaga

Halos madurog ang puso ng dalawang matanda dahil sa ngyayari sa kanilang unika iha at maraming tanong sa isip kung bakit nag kaganito ito. Hanggang sa hindi na nila ito pinapasok pa sa school at tanggap na nila na hindi na ito makakagraduate pa na tanging kayamanan lang na maibibigay ni madel para sa kanyanv magulang ay alam na nilang hinding hindi na ito mangyayari

HIGH SCHOOL LIFE 'Complete ✔'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon