~
~
~
THIRD POV..
~
~
~Ilan linggo na ang nakalipas ay nangunguna sa klase si madel dahil sa aking talino nya.
Tahimik man madalas pero active naman sya sa mga activities at natatapos nya agad yun.
Pag dating kasi nya sa tahanan ay assignments agad ang inaasikaso nya at project upang matapos nya agad ito
Naging close nya lalo ang tito buboy nya. Kung noon ay naiilang sya ngayon ay hindi na minsan nga naabutan sila ng papa nya pag walang pasok na nag tatawanan
~~~~~~~ school
Ilan araw ng nag bubulakbol si jagger sa klase at bumababa na ang grado nya dahil sa pag liban din nya.
Ang alam nila allyson na kasama nanaman ng binata ang ibang barkada nya na bulakbol din na mas gusto nilang mag cutting classes kesa pumasok at makinig.
Imbis na mainis si madel ay hinahayaan nya lang ang binata kasi pag nagalit naman sya dahil sa ginagawa nito ay baka lalo lang lumala at tuluyan na ngang hindi pumasok.
Pinag sasabihan lang din nila allyson ang binata na mag aral ng mabuti dahil graduating na sila next year pero hindi ito nakikinig at lumabas lang sa kabilang tenga.
"Si jagger?" - tanong ni madel na kakapasok lang sa room nila at umupo sya sa upuan
"I dunnu bes hindi nanaman siguro papasok yun at mag ka cutting nanaman dahil kahapon nakita ko sila sa labas ng gate na kasama nya ang mga barumbado pati mga babae duhh" - iritadong wika ni audrey
"Parang lumala lalo si jagger" - anang bryden
Palipat lipat lang ang tingin ni madel sa mga kaibigan nya at napapailing na lang sya dahil sa ngyayari kay jagger.
Buong klaseng walang jagger na dumating kahit anino nito kaya alam na nila kung bakit absent nanaman ang binata
Halos mga guro nila ay tinatanong na sila kung bakit laging wala ang binata. Noon naman hindi naman ganito pero mas lalong lumala ngayon. Nag tataka na nga ang guro nila pero kibit balikat lang din sila
Minsan lang nila allyson, audrey, kaylen, bryden at madel makita si jagger pero hindi nila ito nakakausap dahil makikita man nila ito ay nasa labas na ng gate at dali dali agad umaalis kasama ang iba pang barkada nya
Ng matapos ang buong klase ay mabilisan silang nag lakad dahil may nag sabi sa kanila na nasa lobby ang binata at tila may inaantay sya.
Pagbaba nila dun ay bumungad nga sa kanila ang binata at may suot itong headphone habang nakatayo at nakasandal sa wall
Lumapit sila sa kinatatayuan ng binata at nakita nila na nakapikit ito para bang puyat na puyat dahil sa mata nyang malaki ang eyebags.
Nag katinginan lang ang mag kakaibigan at kibit balikat na na iiling din dahil sa nakita nilang itusra ng binata. Naka school uniform ito pero hindi naman pumamasok
Maya maya pa ay kinalabit ni allyson si jagger at napamulat naman ito sabay umayos ng tayo. Tinanggal nya ang headphone na suot nya at napatingin sa dalagang naka titig lang din sa kanya
"What?" - singhal ng binata sa kanila
"Ang ganda ng bungad mo ha. So kamusta naman ang kaibigan namin na hindi na pumapasok" - anang allyson habang naka pamaywang ito
Napaawang ang bibig ng binata at bumuntong hininga ito ng napa ka lalim saka bumaling ulit sya sa kaharap nya
"Im not in the mood. If you dont have nothing to say you can leave me allyson"
BINABASA MO ANG
HIGH SCHOOL LIFE 'Complete ✔'
Misterio / SuspensoHIGH SCHOOL LIFE ( SHORT STORY ) ito ay kwento ng mag babarkada nung high school sila at 4th year students na. masaya ang naging unang pag pasok nila dahil marami agad silang nakilala na bago at naging kaibigan din nila ito. Tulad ng isang babaeng t...