~
~
~
JAGGER POV..
~
~
~"DIZON, jagger" - tawag saakin ng emcee kaya nag lakad na ako paakyat sa stage. Nakipag kamayan ako sa mga teachers at nung nasa gitna na ako ay inabot saakin ni ms.bulalacao ang DIPLOMA
"Congrats" - masayang sabi ni maam
"Thank you maam" - anang ko naman at nag lakad ako paharap sa mga tao saka ako nag bow sa kanila at muling nakipag kamayan habang sinasabi nila saakin ang salitang 'congrats' hanggang sa makababa ulit ako at bumalik sa upuan
Ngiting ngiti ako ng umupo hanggang sa matapos ang pinaka espesyal na araw na ito at mas lalong naging masaya dahil bukod sa GRADUATE na kami at may DIPLOMA na ay kasama ko pa ang mga magulang ko at ang mga KAIBIGAN ko na itinuring kapatid ko na
"Kyahh Congrats to us." - maluha luhang ani allyson at bigla nya kaming niyakap
"Congrats congrats. Sa wakas graduate na tayo" - si audrey at nakita kong nangilid pa ang luha nya
"Yea! Congrats again allyson, audrey, jagger, kaylen at saakin hahaha" - natatawang sabi naman ni bryden at ngumiti kami sa kanya saka tumango
Bagamat masaya ako dahil sa wakas ay naabot din ng kamay ko ang diploma at nakapag tapos din ako sa wakas kahit na nung una ay wala na akong pag asa dahil sa kagaguhan ginawa ko pero ng dahil kay MADEL ay muling nag karoon ako ng konting pag asa na gagraduate ako at sa tulong nga nya ay nag ka totoo ito
"May kainan sa bahay ano chill?" - sabi ko habang naka ngiti dahil espesyal ngayon araw na ito at pilit na ngumingiti sa lahat ng bagay
"Call ako dyan" - ang kambal
"Sure jagger call din ako yung chill ha atlast graduating na tayo" - maarteng sabi ni allyson at ngumiti ng malapad
"Call din ako pero guys dalawin natin ngayon si madel. Miss na miss ko na sya gusto kong sabihin sa kanya na grumaduate na tayo at nakuha na natin ang diploma. Inaalay ko rin sa kanya ito dahil nung nandito pa sya ay tinutulungan nya ako." - malungkot na sabi ni audrey at mabilis na nangilid ang luha nya kaya lahat kami ay na tahimik dahil sa sinabi nya
Balak ko rin talaga na dalawin ngayon si madel after nito pero naunahan na ako ni audrey mag sabi kaya natuwa ako dahil lahat pala kami ay dadalaw sa kanya.
"Oo naman audrey. Ano kaba wag ka ngang umiyak dapat happy lang dahil eto yung gustong mangyari saatin ni madel na mag tapos kaya smile bes. I know shes happy now kung asan man sya" - si allyson at agad dinaluhan ang kaibigan namin saka nya ito hinagod pero umiyak parin si audrey
"I missed her so much guys" - ang kambal at bakas sa kanila yung lungkot din na nadarama ko
"Me too" - sabi ko at ngumiti parin sa kanila kahit hanggang ngayon ay sobrang sakit parin ng pagkawala nya
Biglang tumahimik ang lahat at hindi ko inaasahan na muli kaming iiyak para kay madel. Mabilis na ngilid ang luha ko at kahit anong pigil ko ay kusa itong lumuluha. Nakita kong humagugol na sa iyak si allyson at audrey habang ang kambal ay sobrang lungkot na ng mukha at may luha na rin sa mga mata
"Madel miss ka nanamin sana masaya ka ngayon. Maraming salamat sa lahat kasi dahil sayo binigyan mo kami ng inspirasyon kaya nag pursige kaming mag aral at mag tapos. Salamat madel mahal na mahal ka namin at lagi kang nasa puso namin." - umiiyak na sabi ni allyson at bigla na lang sya yumakap kay audrey na agad ko naman dinaluhan para patahanin sila sa iyak
FLASH BACK....
"M-madel" - hagulgol ko ng makalapit ako sa bukana ng pintuan kung saan ko kitang kita si madel na naliligo sa sariling dugo habang naka bigti
BINABASA MO ANG
HIGH SCHOOL LIFE 'Complete ✔'
Mystery / ThrillerHIGH SCHOOL LIFE ( SHORT STORY ) ito ay kwento ng mag babarkada nung high school sila at 4th year students na. masaya ang naging unang pag pasok nila dahil marami agad silang nakilala na bago at naging kaibigan din nila ito. Tulad ng isang babaeng t...