~
~
~
THIRD POV..
~
~
~Makalipas ang isang linggo na pag gugol ni jagger sa mga special project na binigay sa kanya ng guro ay talagang sinikap nya na ipasa yun.
Nahirapan sya dahil tatlong special project ang natanggap nya pero wala syang magagawa kesa ang ma-drop sya at bumalik ulit sa 4th year.
Kinakabahan sya habang ginagawa nya ang mga iyon pero nilakasan nya ang loob nya dahil sa sinabi ng dalagang si madel. Naalala nya ulit ang mga sinabi nito sa kanya at dun mas lalong determinado sya na pagsikapan ang mga ito at muling ituon ang pansin sa pag aaral nya.
Nakapasa sya sa lahat ng subject nya pati narin sa special project kaya naman tuwang tuwa sya dahil nag bunga ang pag hihirap nya at pag pupuyat ng ilan araw na kasama si madel.
Oo mag kasama sila sa bahay nila dahil si madel ang naging tutor nya sa lahat ng bagay. Sya rin mismo ang nag bigay ng diskarte kung paano nya makakabisado ang ipaparecite sa kanya ng guro para makapasa sya at nag tagumpay nga sila dahil naipasa nila yun na mag kasama.
Parang malaking tinik ang natanggal sa kanyang lalamunan at dibdib dahil kung noon ay kinakabahan sya at balisa dahil hindi nya alam kung ano ang gagawin para pumasa man lang pero ng mawala na ang tinik sa dibdib nya biglang bumalik ang pagiging aktibo nya sa lahat at hindi na nya ulit sinayang pa ang pag kakataon.
Dahil iyon kay madel. Si madel na tinulungan sya. Si madel na nag tyagang turuan at bigyan ng diskarte. Si madel na walang sawa at kahit mapuyat man ay handa syang tulungan nito at samahan para mapasa lang iyon at si madel ang babaeng minahal nya habang tumatagal. Si madel na sya lang ang bukod tanging nag bigay ng lakas ng loob at dahil don ay isa si madel sa mga inspirasyon nya.
* classroom *
"Kyahhh congrats jagger" - tili ng kaibigan babae ni jagger at yumakap sabay halik nito sa pisngi nya
Napakamot sa ulo ang binata at ngiti ang ginanti nya dito bago mag salita.
"Hehehe thank you thank you" - yun lang ang nasabi nya
"Grabe akalain mo yun bes kasama ka namin grumaduate hahaha pero congrats talaga" - si allyson
"Syempre may inspirasyon eh hahaha you know what i mean guys" - masayang anang nya at tinignan nya isa isa ang mga kaibigan nyang nasa harapan nya
"Oww who is she bes audrey" - kunyaring tanong ng dalaga
"Sino ba yun jagger hahaha" - nanunuksong tanong ng mga kaibigan nya sa kanya at walang sumagot kaya dinaan na lang nila sa tawa
"Hahahahahahaha" - malakas na tawa nila pwera lang kay madel na tahimik at nakikinig lang
Natigil ang tawa nila ng bumaling sila sa dalagang katabi ni jagger na tahimik lang at halos hindi man lang tumawa kaya nag taka sila.
Lumapit si allyson sa kanya at sinapo nito ang palad nya sa noo ng dalaga na ikinagulat naman nito.
"Wala ka naman lagnat bes pero ang tahimik mo sobra. Hindi kaba natutuwa dahil nag tagumpay kayo ni jagger" - takang tanong nya sa dalaga pero umiling lang ito at ngumiti
Sabagay sanay na sila na tahimik lang talaga ang dalaga at hindi ito masyadong pala sagot kaya hindi na nila iyon ikakagulat pa.
Hindi na lang nila pinansin ang pagiging tahimik ng dalaga at ngumiti na lang ito sa kanya.
"Hmm tara mall tayo guys" - yaya ng kambal na si bryden
"Oo nga lets celebrate jagger" - sabi naman ng kambal na si kylen habang may headset sa leeg nito
BINABASA MO ANG
HIGH SCHOOL LIFE 'Complete ✔'
Gizem / GerilimHIGH SCHOOL LIFE ( SHORT STORY ) ito ay kwento ng mag babarkada nung high school sila at 4th year students na. masaya ang naging unang pag pasok nila dahil marami agad silang nakilala na bago at naging kaibigan din nila ito. Tulad ng isang babaeng t...