Escape
Kaagad akong pumunta sa hagdan habang tumatakbo. Hindi ko akalain na ganito ang mangyayari sa gagawin kong plano. Hingal na hingal akong tinakbo yung daan patungo sa pintuan na paglalabasan ko.
Nang makarating ako hindi ko na pinansin yung mga pagtawag nila sakin. Alam ko naman saking sarili na pinoprotektahan lang naman nila ako pero para na akong nasasakal sa kanila. Gusto ko namang masubukan na maging malaya. Yung walang magbabawal sayo kahit na saan mo gustong pumunta.
Takbo ako ng takbo habang nasa loob ng kastilyo na 'to. Hindi parin ako makapaniwala na sa ilang taon ko na pagtira ko dito hindi ko parin kabisado yung daan papunta sa pinaka maindoor ng kastilyo na 'to. Para lang akong nasa maze na hirap mahanap yung lagusan palabas.
"Nandun siya mga kawal. Huliin sya! Mapapagalitan tayo ng hari kaya dalian niyo!" utos ng Kanang kamay ng Hari
Natatawa ako pero pinipigil ko lang makagawa ng ingay habang nakatago dito sa loob ng pintuang pinasukan ko. Naririnig ko pa yung mga boses nila pero pag karaan ng ilang minuto humihina na yung naririnig ko siguro papalayo na sila kaya binuksan ko yung pintuan habang sinisilip sa bandang kanan at kaliwa kung meron pang tao. Nang masiguro kong wala na, pinag patuloy ko yung paglalakad habang isa-isang pinagbubukas yung pintuan.
Naiirita na ako kaya pinikit ko yung mata ko at dinama yung hangin sa paligid. Naririnig ko yung boses ng mga kawal na naghahanap sa akin. Habang nakapikit ako bigla ko nalang naramdaman na may pumipigil sakin na hanapin yung pinto pero hindi ako nagpaapekto.
Nang mahanap ko na kaagad yung pintuan palabas ng kastilyo kaagad akong tumakbo papunta dun. Pagkarating ko, bubuksan ko na sana yung pintuan kaso may mahikang nababalot sa pinto. Gagamitin ko na sana yung Magic ko ng bigla ko nalang naramdaman na may nagkokontrol sa katawan ko.
Napaharap tuloy ako dun sa lalaki na Kaliwang kamay ng Hari na kayang mag control ng katawan ng kahit sinong nilalang. Isa siyang S-class dito samin. Hindi mapagkakaila na isa siya dito sa may makapangyarihang mahika sa Euthopia. Hindi lang pagkontrol ng katawan yung kayang niyang gawin kundi kaya niya ring pasukin yang utak mo. Siya kanina yung pumipigil sakin kaso kaagad ko siyang ginamitan ng ilusyon hindi lamang ito ordinaryo na ilusyon kundi isa ito sa pinaka nakakatakot na Ability na kaya kong gawin pero nalusutan niya ng walang hirap.
Kaagad kong ni reverse kaya siya naman yung nakokontrol ko kaagad ko siyang pinaluhod at pinatulog ko na. Wala na akong oras malapit na dumating si Ama.
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at kaagad kong itinaas yung dalawang kamay ko. Nagliwanag yung kamay ko at saka naman nagbukas yung pintuan. Nasilaw yung mga kawal na humahabol sakin napapikit sila at hindi nila mabuksan-buksan yung kanilang mata.
Kaya kaagad na akong lumabas at ng makarating ako may kawal nanaman na nakaharang sa pagdadaanan ko. Hindi ko na mapigilang gamiting yung natatagong mahika na minsan ko lang gamitin.
Pinikit ko yung mata ko habang nagcoconcentrate. Pagkabukas ng mata ko kaagad ng iba yung kulay nito. Mula sa kulay abo naging pula ito. Ng makita ko yung dalawang kawal na papalapit sakin kaagad ko silang tinitigan sa mata. Bigla nalang silang napahinto at kaagad nag sisigaw ng pagkalakas-lakas.
Nakahiga na sila sa sahig habang hawak-hawak yung ulo nila. Hindi ko na sila pinansin at tumakbo. Nang malapit na ako sa bridge nakita ko sila na nagsusuka ng dugo bago ako makaalis.
Pagkarating ko sa bayan tuwang-tuwa ako habang tinitignan lahat ng gamit na tinitinda nila. Naka pulang kapa at naka hood ako para walang makakita sakin.
Nang makarating ako sa pinaka centro ng Euthopia na tinatawag na Magesteria kung saan dito yung lagusan patungo sa ibang dimensyon. Kaagad kong binuksan yung portal na walang pag aalinlangan. Pero bago ako pumasok binalik ko sa dating kulay yung mata ko at kaagad pumasok sa portal na ginawa ko.
Pagkarating ko kaagad akong namangha dahil dito puro lupa yung nakikita hindi kagaya samin ulap lang yung pinagaapakan namin. Hindi kami lumulubog dun para lang itong lupa kaso dito puro halaman at nag gagandahang tanawin. Dun naman puro dandelion flowers lang ang nakikita mo sa himpapawid. Iba yung umaga nila rito ayon sa libro na nabasa ko. Sa amin kapag umaga kulay grey at kapag gabi naman asul. Pero dito puti na may pag ka asul tapos pag gabi dark blue.
Hindi ko namalayan na bigla nalang may sumugod sakin na isang Elementalist isang Apoy na elemento kaya kaagad napaso yung balat ko sa sobrang hapdi napangiwi ako at tinignan kung sinong may gawa nito.
Nang masulyapan ko 'to hindi mapagkakaila na gwapo. Kaso siya ang may dahilan kung bakit nagkapaso ako kaya agad kong kinontrol yung katawan niya. Pinagalaw ko yung katawan niya at itinali ito sa puno sarili niya yung nagtali sa kanya.
Hindi ko na mapigiling matawa ng makita ko yung pagmumukha niya. Nanlalaki yung mata nito at masama akong tinignan. Nakipag titigan ako at kaagad nalang pumikit yung mata niya at nakatulog.
Nilisan ko na yung lugar na yun at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa marating ko na yung bayan nila rito. Ibang-iba ito mula samin. Dito yung mga bagay nasa baba lang pero samin lahat ng bagay lumulutang sa ere.
Habang naglilibot ako hindi ko namalayan na nakarating na ako sa mapunong bahagi at nakakita ako ng bahay malayo ng kaunti rito. Isang bahay na nasa gitna ng gubat. Sirang-sira na to wala ng naninirahan kaya kaagad kong tinungo to at biglang binuksan.
Maalikabok at sirang sira yung mga gamit na nakikita ko. Parang uulan kaya dito na ako matutulog aayusin ko nalang to. Mag gagabi narin kasi. Habang sinusulyapan ko lahat ng gamit rito kinumpas ko yung kamay ko at lahat ng gamit bigla nalang gumalaw at bigla nalang nagliwanag at ng makita ko ito parang bago ulit.
Humiga na ako sa kama at nagbuntong hininga. Hindi ko aakalain na maiisakatuparan ko yung plano ko na matagal ko ng inaasam asam na makalaya sa malaking kastilyo na yun.
Bata palang ako hindi na ako pinapalabas dun magmula kanina kaso ngayon nandito na ako sa labas malayang-malaya at malayo sa kanila.
Marami rin akong nababasa na libro nun kapag wala akong magawa sa kwarto ko. Tungkol ito sa mga ibang dimensyon at sa dimensyon rin namin. At nandito ako ngayon sa dimensyon ng Aetheria.
Kailangan kong itago yung identity ko para narin sa kaligtasan ko. Hindi pa panahon para makuha ako ulit ni ama kailangan ko munang libutin at pag aralan 'tong lugar na tinatawag na Aetheria.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------February 06, 2017. 💕👌📷
BINABASA MO ANG
Light Academy (School of Magic)
AdventureSi Aurelia ay namuhay sa marangyang pamilya. Kailanman hindi pa siya nakakalabas sa kaharian nila mula ng bata siya. Pano kung isang araw tangkain niyang maglayas at magpunta sa ibang dimensyon kung saan malayo sa kanyang Ama. Makakaya niya ba yung...