Chapter 5

461 24 6
                                    

Lady of Moria

Nakatulala lang ako habang nakatingin sa taas ng kwarto ko. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ko hinayaang makakuha ng atensyon.

Dapat sana pinigilan ko nalang yung sarili ko kahapon di sana walang makakaalam saken. Baka malaman ni ama na nandito ako at kunin nalang bigla. Hays. Nagtataka parin sila kung bakit ganun nalang kadali matalo yung Kael na tinatawag nilang nangunguna sa ranking.

Kaagad na akong bumangon at tinignan yung orasan. 4:37a.m palang. Binuksan ko yung pintuan at lumabas na. Pumunta ako sa ref para uminom ng tubig. Habang umiinom ako nakaramdam ako ng aura sa kagubatan.

Kaagad akong naalarma ng may marinig ako na nagsisigaw sa sakit. Kaagad kong tinungo yung pintuan ng dorm nmin at lumabas na.

Habang nagtatakbo ako papunta sa direksyong yun nakaramdam ako ng tao sa paligid. Hindi ko alam kung sino yun pero alam kong nandito lang siya malapit sa akin.

Ang mahalaga ay mahanap ko yung babae na nagsisigaw kanina. Hindi ko nalang to pinansin at tinakbo ang daan papuntang gubat.

Malapit na sana akong makarating sa pinangyarihan kaso kaagad kong naramdaman na may paparating na sampung kutsilyo sa kinatatayuan ko.

Umiwas ako kaso meron paring parte ng katawan ko ang natamaan. Isa sa braso,mukha at pati narin sa isang binti ng paa ko.

Nang ipahid ko yung isang daliri ko sa mukha na nagdurugo nakita kong may lasong dala yung kutsilyong papunta kanina sakin.

Namanhid yung isang braso ko at pati narin yung isang binti ko. Hindi ko ito maikilos ng mabuti habang kumikirot yung sugat sa mukha ko.

"Sino kang babae ka? May balak ka bang sirain yung plano nmin? Kung ganun ang gagawin mo tatapusin ko na yang buhay mo. Magsama kayong babae na mamamatay ngayong araw." pagkasabi nya ngumiti to sakin na malademonyo.

Hindi ko makita yun mukha nya. Nababalutan sya ng itim na kapa. Bigla ko nalang nakita sa kamay ng babae na may itim na usok ang gustong pumunta sakin kaso hindi ko na pinatapos yung gagawin nya sakin.

Kaagad ako gumawa ng puting liwanag sa kamay ko habang sya nman nagulat sa pangyayari na nasaksihan pero agad ding bumalik yung kanyang emosyon na malamig.

Bigla nalang may itim na usok ang humawak sa magkabilang braso ko at pati narin yung paa ko habang nagliliwanag parin yung kamay ko.

"Malakas ka sana kaso isang kahangalan ang ginagawa mo ngayon." malamig nyang turan at bigla ko nalang naramdaman na pumapasok saking bibig yung itim na usok na nang gagaling sa kamay nya.

Hanggang unti-unting nawala yung liwanag saking kamay at bigla nalang nagdilim yung paningin ko.

Aria's Pov

Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa labas ng bintana lumabas na ako at nag luto ng makakain nmin ni Aura.

Pagkatapos kong magluto tinungo ko yung pintuan ni Aura.

"Aura luto na yung pagkain tara na!" sigaw ko habang kinakatok yung pintuan nya.

Kaso hindi nya pa binubuksan kaya pumasok na ako. Nagtataka parin ako kung bakit bukas yung pintuan nya eh palagi siyang nag lolock ng kwarto kapag umaga.

Nang nasa kama nya na ako umupo ako sa gilid tapos yuyugyugin ko na sana kaso naramdaman kong unan ito kaya hinatak ko yung kumot hanggang sa unan na yung nakikita ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya tinignan ko kung nasa Cr sya kaso wala. Kaya lumabas na ako at pumunta sa Headmaster Office.

Hindi na ako kumatok at agad na pumasok ng walang pag aalinlangan. Mas nag alala ako kay Aura kaysa pagalitan pa ako ng headmaster kaya wala na akong pake.

Pagkarating ko nakita ko yung Elementalist na naka upo sa sofa. Seryoso yung pinag-uusapan nila kita sa mukha nila kaso ng mapansin nilang may tao kaagad silang tumingin sa direksyon ko. Kaya napalunok ako habang kinakabahan.

"Anong meron at bakit ka nagpunta dito Ms. Aria?" tanong ng headmaster na si Ms. Elizabeth Astreim

"Nawawala po kasi yung kaibigan ko hindi ko po alam kung saan nag punta." sabi ko

"Baka naman nag lilibot-libot lang dyan sa kung saan-saan. Masyado kang nag aalala sa kaibigan mo. Umagang-umaga talaga naparito ka pa. Siguro babalik rin yun." mahinahon niyang sabi

Tumango nalang ako at lumabas. Kanina pa ako nagpipigil dun ng hininga habang nag sasalita si Ms. Elizabeth.

Akala ko pa nman sya lang kaso meron pala yung Elementalist. Ano kaya yung pinag-uusapan nila kanina.

Hindi ko nalang yun pinansin at nagtungo sa dorm nmin. Pagkatapos kong kumain nanood nalang ako ng tv habang hinihintay si Aura kaso ng mag gagabi na.

Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya tinungo ko na uli yung daan sa office.

Aura's Pov

Pagkadilat ko malabo yung nakikita pero ng nagtagal luminaw narin yung paningin ko. Bigla nalang ako nagsuka ng dugo.

Nasa isang kulungan ako at naka posas ang kamay hindi ko alam kung bakit nandito ako. Pero habang iniisip ko yung nangyari kaagabi bigla nalang ako nalinawan.

Nakaupo ako habang naghihintay ng tao na lalapit sa kulangan ko kaso wala. Ng bigla nalang pumunta yung babae na naka hood ng itim.

"Yan ang nangyayari sa mga pakialamerang katulad mo." sabi nito

"Anong ginawa nyo sakin bakit ako nandito?" nanlalabo na yung pangin ko habang sinasabi ko yun. Susubukan ko sanang gamitin yung abilidad ko kaso hindi gumagana.

"Hindi mo magagamit yang abilidad mo dahil may mahika yang posas na yan. Wag mo ng tangkaing tumakas pa kasi mabubulok ka na dito sa kulungan." malamig nitong sabi

"At isa pa pwede ka nming gamitin sa kasamaan. Anong masasabi mo?" dagdag pa nito na nagpataas ng balahibo ko

Iniisip ko palang na gagamitin nila ako nangingilabot na ako. Hindi ko hahayaang mangyari yun kaso bigla nalang akong nahilo at natumba napahiga tuloy ako sa sahig. Malabo na yung mata ko pero may nakikita pa akong kaunti.

Ng bigla nalang may liwanag na nang gagaling sa labas ng preso ko. Hindi ko to makita dahil sa sobrang liwanag.

"Hindi pa dito ang kanyang katapusan." sabi nito sa mahinhing boses. Ang ganda ng boses nya parang isang diwata kaso hindi ko makita yung mukha nya.

Medyo nahihilo parin ako pero kaya ko pa nman kaunting tiisin to.

"Sino ka? At bakit ka nandito. Paano ka nakapasok dito?" sigaw ng babae habang nakatingin sa nagliliwanag na babae.

"Hindi mo na kailangang malaman pa." sabi nito at bigla nalang may dalawang aahas na puti na lumabas sa kanyang kamay.

Nagliliwanag rin ito. Habang papalapit sa babaeng nakahood. Gumamit ito ng itim na mahika kaso bigla nalang itong nawala na parang bula

Nang makarating na yung dalawang ahas kinagat ito sa binti at yung isa nman papataas sa kanyang kamay hanggang sa kagatin rin sya sa kanyang braso.

Pagkaraan ng ilang segundo bigla nalang nag iilaw yung babaeng nakahood ng itim.

"Anong nangyayare sakin!? Bakit hindi ako makagalaw!?" sabi nito ng bigla nalang sakupin ng liwanag yung katawan nya.

Nagsisigaw ito pero mga ilang sandali bigla nalang itong naglaho. Tinitignan ko parin yung babae na nag liliwanag. Lumapit yung dalawang ahas sa kanya at pumulupot sa kanyang kamay.

Bigla tong pumunta sa kulungan ko. Hinawakan nya lang yung metal na may mahika ng biglang nalusaw kaagad ito.

Lumuhod sya sakin habang nakahiga ako sa sahig ng may binulong sya sakin na hindi ko maintindihan. Bigla nalang nandilim yung paningin ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
May 04, 2017 😊

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

 Light Academy (School of Magic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon