Dorm
Habang nakaupo ako dito sa office tinitignan ko yung bawat galaw ng headmaster. Siguro nasa mga 30's na sya.
"Ito ang sched mo at dorm na pagpapasukan mo. Hanapin mo nalang yan." sabi nya at binigay rin yung mapa
Habang nakaupo ako tinitignan ko yung sched ko. Hays. Tumayo na ako at nagpaalam sa kanya.
"Goodluck Ms. Whitehame" sabi nya na nakangiti . Hindi ko mapigilang mangilabot sa binigay nyang ngiti sakin. Parang may binabalak na masama
Lumabas na ako at habang nililibot ng mata ko tong academy hindi ko parin maiwasan mamangha sa mga bagay dito.
Lumakad na ako habang hawak-hawak itong binigay ng headmaster na mapa. Nakalimutan ko tuloy tanungin yung pangalan nya. Siguro sa susunod nalang.
Nang makarating ako dito sa dorm namin. Nakahinga ako ng malawak. Kasi sa kabila boys dormitory habang dito sa right girls. Kaya nahirapan ako kanina habang naglalakad eh pinagtitinginan ako ng mga lalake. Hindi ko mapigilan na magtanong kasi puro lalaki lang yung nakikita ko kaya ng may dumaan sa harap kong lalaki tatanungin ko na sana ito ng mamukhaan ko yung lalaki.
Hindi ko nalang ito pinansin at nagtanong sa isang lalaki na nakatingin lang sakin. Lumapit ako rito at nagtanong.
"Uhm, san ba banda yung dorm na 'to. At bakit puro lalaki lang yung nakikita ko?" sabi ko habang binibigay yung dorm number ko.
"Sa kanan yung dormitory ng girls. Kaya puro lalaki lang yung nakikita mo Miss kasi nasa boys dormitory kaya." natatawang sabi ng lalaki na pinagtanungan ko
Naningkit yung mata ko kasi tawa sya ng tawa hindi nya namalayan na pinagtitignan na pala sya ng lalaki dito sa loob. Sa inis ko kinuha ko yung dorm number ko at iniwan yung lalaking nasiraan na ata.
Kakainis first day na first day ko dito sa academy tapos binibwisit ako ng lalaking yun. Kung tanggalan ko kaya ng boses. Tss
Nang makarating na ako dito sa kabilang dorm na tinutukoy ng lalaki napangiti ako kasi sa wakas makakahiga na ako. Ang sakit na ng likod ko at pati narin yung paa ko kakalibot dito kung saan ba yung dorm ng girls kanina.
Habang hinahanap ko yung dorm ko may nakabunggo akong babae maganda sya kaso ng maramdaman ko yung aura nya hindi maganda.
"Hindi ka ba tumitingin sa dinaraan mo!" bulyaw nya sakin
Naiinis na ako kasi una yung lalaki tapos pangalawa tong babae nman. Sakit nila sa ulo ganito pala yung buhay dito sa academy. Nagbuntong hininga nalang ako at pinakalma ko yung sarili ko baka masakal ko pa tong babae na nakalunok ng megaphone.
"Sorry, hindi ko sinasadya hinahanap ko lang kasi yung dorm ko." malumanay kong sabi
Kaso ng sinasabi ko yung naramdaman kong mas lalo sya nainis dahil sa aura nya.
"Hindi mo ba ako kilala dito sa academy? Ako lang nman ang Rank 2 dito kaya mag-ingat ka sa paglakad hindi yung nagtatanga ka dyan. Tss" sabi nya habang may alipores na dalawa sa likod nya na nakangisi sakin
Hindi ko nalang sila pinansin at habang nagsasalita sya pumikit ako at hinanap yung dorm ko. Nang mahanap ko na hindi na ako nag paalam at umalis nalang bigla.
Pero sa hindi ko inaasahan bigla nalang sya nag teleport sa harap ko at naiinis na nakatingin sakin.
"Akala mo papalagpasin kita sa ginawa mo sakin?" sabi nya na nakangisi na . Ang bilis talaga magbago ng mood nang babae 'to.
Nasa kalagitnaan kami habang pinalilibutan ng mga babae na nakatingin sa amin habang nagbubulung bulungan.
"Hala kawawa nman. Siya pa yung unang bubullyhin ni Estela" rinig kong sabi ng isang babae sa gilid ko
Hindi ko nalang pinansin to at nilagpasan sya . Nabigla sya sa ginawa ko at lahat ng babae dito napasinghap sa ginawa ko. Tss
"Hoy! Wag mo kong talikuran babae ka. Pagbabayaran mo to" sabi nya habang nakatingin sa akin. Tinignan ko rin sya. Habang nagkakatinginan kami bigla nalang sya nagtaka.
Nagtataka siguro sya kung bakit hindi gumagana yung ability nya sakin.
"B-bakit hindi gumagana yung ability ko sayo?" nagtataka nyang tanong habang nakatingin sakin.
Ngumiti ako ng pagkatamis tamis at nagsalita
"Ibig sabihin lang yun dear mahina ka pa" sabi ko at tinalikuran sya.
Daming nagbubulungan kung bakit daw hindi gumagana yung abilidad nya sakin. Tss
Akala nman nya na hindi ko alam yung gagawin nya nababasa ko sa isip nya yung plano na gagawin nya sakin. Kaya alam ko yung abilidad nya kasi isa yun sa ability na meron ako at pati narin yung aura .
Nang makarating na ako dito nilagay ko lang yung card sa parang scanner ng matapos ito kaagad tong bumukas.
Hindi na ako namangha sa bagay na ganito dahil sa kwarto ko nun mas malawak pa dito. Habang naglalakad ako papasok nililibot ko yung paningin ko sa loob malawak nman meron na dito lahat may kusina, banyo, kwarto at iba pa.
Habang nakaupo ako sa sofa napansin ko yung dalawang kwarto yung isa kulay gray yung pintuan at yung isa nman plain white lang baka ito siguro yun sakin. Kasi sa nabasa ko kapag nakapasok ka na sa room mo mag iiba yung kulay nito depende sa ability mo.
Nang makapasok ako sa loob plain lang sya kaso habang tumatagal bigla nalang nagbabago yung kulay nito nagulat ako kasi nagiging royal yung lahat ng bagay dito sa loob kaya bago pa to matapos gumamit na ako ng mahika para walang maka alam.
Nagbago yung kulay nito sa violet naging gray. Buti nalang. Saka ko tinangal yung suot kong sandal at nahiga na. Siguro nga makakatagal ako rito kaso baka ilang buwan lang. Iniisip ko parin yung mga nangyari kanina medyo weird yung galaw ng headmaster pero binalewala ko nalang to sa isip ko.
Bigla nalang pumasok sa isip ko si ama. Pinaghahanap na ako siguro niyon sa kastilyo. Hays. Sermon nanaman aabutin ko nito.
Habang nakatingin ako sa taas. Iniisip ko na ano kayang mangyayari sa pagtuloy ko kapag magtagal ako dito ng ilang buwan o taon. Hindi naman siguro masama tong pagalis ko sabi ko sa isip ko nang hindi ko namalayan na nakatulog na ako.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
March 25, 2017
BINABASA MO ANG
Light Academy (School of Magic)
AdventureSi Aurelia ay namuhay sa marangyang pamilya. Kailanman hindi pa siya nakakalabas sa kaharian nila mula ng bata siya. Pano kung isang araw tangkain niyang maglayas at magpunta sa ibang dimensyon kung saan malayo sa kanyang Ama. Makakaya niya ba yung...