Academy
Nagising ako ng tumambad sa aking mukha ang liwanag na nang gagaling sa nakabukas na bintana sa bahay na pinagtulugan ko.
Tumayo na ako kama at nagunat-unat. Pumunta ako sa Cr naligo narin ako at nag palit na ng damit. May ginawa akong mga gamit dito para may magagamit ako sa araw-araw na pagtira ko rito. Pag kalabas ko ng pinto, pupunta na sana ako para magluto ng makakain ng mahagip ng mata ko ang sobre na nakalagay sa bintana. Bago lang ito kasi kanina nung pag gising ko wala po 'to dito eh.
Kinuha ko ito at binuksan. Tumambad sa akin ang sulat na gawa sa papel na invitation to be exact. Binuklat ko ito at nang mabasa ko 'to nagning ning yung mata ko kasi ito yung kauna-unahang school na pag-aaralan ko dati kasi may sariling nagtuturo sa silid ko.
Mga ilang minuto pagkatapos ko 'tong mabasa napangiti nalang ako. Hindi ko aakalain na malalayo ako sa lugar na yun. Iniisip ko palang nanandun ako hindi ko na makaya-kaya. Yung feeling na nakakulong lang palagi sa kwarto mo.
Nang matapos akong kumain lumabas na ako sa bahay na tinuluyan ko kagabi. Sinuot ko na uli yung kapa na ginamit ko at tinungo yung daan papuntang academy.
Habang tinatahak ko yung daan may naramdaman akong gumagamit ng magic dito malapit sa kinaroroonan ko.
Nang malapit na ako nakita ko yung tatlong lalake at isang babae na may kalaban na dalawang naka itim na kapa. Hindi mo makita yung mukha nila talagang nakatago.
"Hindi niyo manlang kami matalo-talo eh apat kayo habang kami dalawa lang." sabi ng lalake na matangkad.
"Tumahimik ka hangal. Hindi niyo kami mapipigilan sa misyon namin." sabi ng lalaki na kulay asul yung mata pati buhok.
Hindi ko na sila pinakinggan aalis na sana ako ng maramdaman kong tumigil yung oras.
Nagsalubong kaagad yung kilay ko ng makita kong pinag susuntok nila yung apat pati rin yung babae na kasama nila hindi man lang sila naawa sa pinag-gagawa nila kaya kaagad akong lumabas sa likod ng puno kung saan ako kanina pa nag tatago para hindi nila ako mapansin.
Kaya hindi nila maramdaman yung presensya ko kanina kasi tinago ko yung magic ko na taglay. Nang makalabas ako dun lang ako napansin ng lalaki na pandak.
"Sino ka? At anong ginagawa mo rito? Diba dapat hindi ka nakakagalaw?" sabi ng pandak
Hindi ko nalang siya pinansin at tinignan yung mga apat na Elementalist na naka handusay na sa lupa. Hindi ko napansin na kasama pala siya rito. Kala ko pa naman malakas sila pero ano 'tong nakikita ko na nakahandusay sila kung hindi ko pa sila nakita baka nakuha na sila ng dalawang tao.
"Hoy! Tinatanong kita! Anong ginagawa mo dito. Ayaw mo sumagot ha!" bigla nalang sya nagpalabas ng itim na apoy sa kamay niya at inihagis patungo dito sa direksyon ko .
Habang papalapit sakin yung itim na apoy tinignan ko lang ito at unti-unting nawawala. Nagulat yung lalaki na pandak habang nakatingin sa akin.
"Isang forbidden magic! Nullification ang meron ka! Sasaya si boss kapag nakuha ka namin." nakangisi na sabi ng matangkad na lalaki
Bigla nalang silang sumugod sakin. Alam talaga nila ang kahinaan ng nullifier. Nang makalapit sila kaagad akong gumawa ng clown ko at pumunta sa taas ng puno. Kapag gumagawa ako ng clown ko nagiging invisible ako sa mata ng kahit sino.
Habang pinapanood ko silang dalawa na inaatake yung clown ko pumunta ako sa apat na nakahandusay sa lupa. Nang mapansin ko na nakatigil parin yung oras kaagad ko itong binalik.
Nakita ko yung babae na nakamulat na habang patayo palang. Nagulat siya dahil nakita nya yung clown ko na nakikipaglaban sa dalawa. Nakita ko sa mata nya yung inis kaya bigla nalang siyang lumipad dun at hindi na tinignan yung mga kasama nya at nakipaglaban.
Nang magising narin yung tatlo pumunta sila sa kasama nila para tulungan ito. Kaagad kong winala yung clown na gawa ko at umalis na.
Habang naglalakad ako. Hindi ko parin mapigilan mamangha sa bagay na nandito lalo na nung makita ko yung gate ng academy. Ang taas nito at ramdam ko na nababalutan ito ng malakas na magic. Ginto ito at may nakaukit sa taas na Light Academy habang kumikintab kintab yung naka ukit dito.
Nang nasa harap na ako nito. Bigla nalang may nagsalita sa loob ng pinto.
"Anong pangalan mo?" sabi nito sa malalim na boses
Nagtataka ako kung bakit walang tao rito. May nagsasalita lang.
"Aura Whitehame." sambit ko habang nakatayo parin dito sa harap ng pintuan na ginto.
"Invitation?" Patanong nitong sabi. Kaya kaagad kong pinalutang ito sa taas habang nasa taas ito kaagad itong nawala at biglang bumukas yung pintuan.
Nakakatakot yung sound na nililikha nito habang bumubukas. Pagkaraan ng ilang segundo tumigil na ito at meron nanaman nag salita
"Welcome Aura Whitehame." sabi nito. Kanina lalaki yung nag sasalita pero babae nman ngayon.
Kaagad akong naglakad papasok rito. Habang lumalakad kasi ako kanina puro mga puno at mahabang daan lang ang makikita mo. Kanina pa nga ako naglalakad eh mga 10 mins na.
Nang makaapak na yung paa ko sa lupa kaagad nagiba yung lugar at ako'y namangha sa nakita ko nang marating ko na yung school na pag-aaralan ko. Ang laki nito para lang yung palasyo kaso mas malaki parin yun. Ang daming students na naglalakad meron ring gumagamit ng mga magic may nag papalutang ng bagay meron ring akong nakikita na tumatakbo ng pagkabilis-bilis.
Nakatayo parin ako dito habang nagmamasid-masid. Hindi ko namalayan na napatagal na ako sa pagtitingin sa paligid at bigla ko nalang naisip na pumunta sa office para makuha ko yung schedule ko at dorm na tutuluyan ko.
Ayon sa binabasa ko nun. Kaya alam ko na kaunti yung mga ginagawa nila rito at minsan nagpapa mission sila sa bawat students.
Nang makita ko na yung office na pupuntahan ko. Kaagad kong binuksan ito at tumambad sakin yung mukha ng headmaster na nakangiti.
"Hello Aura Whitehame. Welcome to Light Academy." sabi nito habang nakangiti sakin.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
February 12, 2017. 💞👌
BINABASA MO ANG
Light Academy (School of Magic)
AdventureSi Aurelia ay namuhay sa marangyang pamilya. Kailanman hindi pa siya nakakalabas sa kaharian nila mula ng bata siya. Pano kung isang araw tangkain niyang maglayas at magpunta sa ibang dimensyon kung saan malayo sa kanyang Ama. Makakaya niya ba yung...