Chapter 4

629 36 12
                                    

Friend

Pagkagising ko kaagad na akong bumangon sa higaan ko hindi ko namalayan kung anong oras na. Naligo na ako at lumabas. Nang makalabas ako nakita kong may babae na nakaupo sa sofa habang nagkakape. Maganda sya kulay white yung buhok nya pati yung mata nya.

Napansin nya siguro ako kaya tumayo sya at sinuri ako ng mabuti. Naiilang ako sa tingin na binibigay nya kaya binati ko sya.

"Hi, bakit anong meron sakin?" takang tanong ko sa kanya

"Wala ang ganda mo kasi. Para kang isang manika kulay gray yung buhok mo tapos yung mata mo black?" takang tanong nito

"Oo ganito talaga kulay ng mata ko." sabi ko habang nakatingin sa kanya. Ayaw kong may makaalam ng totoo kong mata na kulay abo. Walang nakakaalam ng pagkatao nmin sa Euthopia at wala akong balak na ipaalam yun sa iba.

"Lika tara dun sa kusina para makakain na tayo . May pupuntahan tayo mamaya. " sabay hatak nito sakin

Nang makarating kami may pagkain na dun na nakalagay.

"Ikaw nagluto nito?" sabi ko habang tinitignan yung iba't-ibang putahe na nakalagay sa mesa

"Oo, hilig ko kasi talaga magluto." tugon nya habang nag sasandok na ng makakain

"Oo nga pala nakalimutan kong magpakilala ako nga pala si Aria Austin taga North Wing ang Magic ko ay Ice Manipulator" pakilala nya

"Kaya pala ganyan yung buhok at mata mo. Ako nman si Aura Whitehame." pakilala ko sa kanya habang nakangiti

Nang matapos na kaming kumain lumabas na kami at pumunta sa tinutukoy nya.

Habang naglalakad kami papunta sa forest hindi ko alam ang pangalan nito. Ang dami ring estudyante na naka pila. May bilog dun na umiilaw isang portal.

"Dito tayo pupunta dali para makauwi tayo ng maaga mahirap na baka gabihin tayo." sabi nya sabay hatak patungo sa isang linya.

Nang kami na kaagad syang pumasok sumunod narin ako sa kanya. Nang nakalabas na ako namangha ako kasi nandito kami sa Central Wing kung saan dito namumuno yung pinakamalakas sa buong Aetheria.

"Punta tayo dun oh." sabi nya sa isang store. Dito siguro yung pamilihan ng damit at iba pang gamit sa eskwelahan.

Nang makarating kami sa loob ang daming estudyante na namimili. Hays. Wala nmang pera na binigay sakin .

"Wala akong pera Aria. Para bumili ng gamit." sabi ko rito

"Ano kaba wag kang mag alala . Libre ko na to sayo. At isa pa mag kakapera ka din sa Ranking. Wag mo masyadong dibdibin yan." natatawang sabi nito sakin kaya hindi ko muna inisip yun. Nang matapos ng kaming namili lumabas na kami

Habang pabalik na kami napasin kong parang may nagkakagulo sa bandang kanan ng pamilihan ng pagkain.

Bigla nalang akong hinatak ni Aria patungo sa direksyon na yun kaya nabahala ako.

"Aria anong gagawin natin dun. Baka madamay pa tayo." sabi ko

"Ano ka ba hindi tayo madadamay dyan. Dalian natin baka makita ko ulit si Dave." sabi nito habang nagnining ning yung mata

Nang makarating na kami nakita ko yung babae na nakabunggo ko nun habang hila hila nito yung buhok ng isang babae.

"Hays. Akala ko pa nman meron sya yun pala tong bruhang babae lang pala. Lika na nga wala nmang magandang view dyan." dismayadong sabi nya

Paalis na sana ako ng tawaging ako nung babaeng nagngangalang estela.

Lahat nakatingin sakin habang yung babaeng hila-hila nya ng buhok nag sisigaw sa sobrang sakit ramdam ko yung aura ng babae talagang nahihirapan sya. Habang tinitignan ko yung babae lahat lumayo habang takot na nakatingin kay estela.

 Light Academy (School of Magic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon