Chapter 8

5K 123 1
                                    

{A/N: Sana po ay magustuhan ninyo ang kwelang storya nina Jake at Danica. Please leave a comment, like and become my fan (chos). Salamat po sa inyong pagbabasa.}

          Buong araw silang namasyal kahit saan nila maisipan. Kasama nila ang nobya ni Lemuel na si Marina. May kamag-anak din dito sa Manila ang babae kaya madali lang para dito ang makipagkita sa kaniyang kaibigan. Masaya siya dahil nakikita niyang masaya din ang dalawa. Nung una ay nakaramdam siya nang selos, pero kalaunan napagisip-isip niya na ganun din siguro ang mararamdaman ni Lemuel kung siya ay magkanobyo. Mas maging over protective siguro ito sa kaniya. Wala na siyang ibang hihilingin para sa kaibigan kundi ang maging maligaya ito sa piling ni Marina.

Nasa luneta park na naman sila at kumakain sa ilalim ng isang puno. Nakita niyang nagsusubuan ang dalawa habang nakahiga si Marina sa binti ni Lemuel. ‘Ang sweet pala ng kaibigan ko? Loko talaga may tinatagong kalambingan pala ang hudyo.’ Natatawa siya sa kaniyang naisip.

“Hay kayo ha baka langgamin na ako dito ‘di man lang niyo ako papansinin.” Reklamo niya sa mga ito.

“Humanap ka na kasi ng sa iyo Danica.”

“O kaya pikutin mo yang amo mo.” Suhestyon ni Lemuel sa kaniya.

“Ayaw ko nga. Kahit pa siya nalang ang nag-iisang lalaki sa buong mundo. Huwag na, salamat na lang.” kontra niya sa kaibigan.

“Bakit naman? Sa pagkakarinig ko mukhang mabait naman amo mo ah.” Nakakunot noong tanong ni Marina.

“Anong mabait? Sinasapian nga yun eh. Akalain mo bang lumilindol sa kuwarto ko tuwing may babaeng dala yan. Tapos, may allergic ba sa peanut batter? Ang werdo niya! At parang bata hindi sanay na walang nag-aalaga sa kaniya. Hindi nga yun marunong maglaba kahit na may washing maching eh.”

Nakita niyang humagikhik sina Marina at Lemuel. “Anong nakakatawa sa sinabi ko? Eh totoo naman ah.” Napatawa na rin siya sa ginawa ng dalawa.

“Eh kasi yung lindol na sinasabi mo eh ang ibig sabihin niyan ay nagha-honeymoon ang amo mo sa kuwarto niya.” Paliwanag ni Marina.

Nalukot bigla ang mukha niya. “Ganun ba yun? Ibig sabihin ba kapag may malakas na lindol ay maraming nagha-honeymoon?” inosenteng tanong niya na nagpabunghalit ng tawa sa dalawa.

“Hay bestprend inosente ka pa talaga sa mga bagay na yan. Kaya ako sa ‘yo maghanap ka na ng nobyo para alam mo yang pinagsasabi mo.” Humagikhik na naman si Lemule. “Lindol daw?”

            Bago magdilim sa labas ay hinatid na nila si Lemuel sa paradahan ng mga bus pa-uwi sa probinsya. Nag-abot siya ng pera para sa tatay niya para pambili ng gamot nito. Medyo may malaki-laking ipon na rin siya sa iilang buwang pamamasukan kay Jake. Pinapa-ayos na rin ng tatay niya ang bubong nila para wala ng tulo tuwing uulan. Nakakapag check-up na rin ito ng regular sa Doktor nito. At syempre, nakabibili na rin ito ng prutas at masustansyang pagkain.

Pagkababa niya sa sinasakyang  jeep ay may isang lalaking bumangga sa kaniya sabay hablot sa backpack na naksabit sa isang balikat niya. Agad siyang nagsisigaw para humingi ng tulong. Nagtangka siyang habulin ang magnanakaw pero sadyang malakas itong tumakbo kaya siya na rin ang sumuko.

“Tulungan ninyo ako! Magnanakaw! Tulong!” sige pa rin siya sa pagsisigaw pero walang pumansin sa kaniya. Pinagtitinginan lang siya ng mga tao.

Umiiyak siyang pumasok sa gusali kung nasaan ang condo ni JM. Tinanong siya ng isang security guard kung ano ang nagyari sa kaniya pero hindi niya ito pinansin. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak pagpasok niya ng elevator. Nandoon ang susi niya sa bahay at limang libong pambayad ng kuryente bukas sa backpack na yun. Hindi na sana niya ito dinala. Ayan tuloy mukhang mapapagalitan na naman siya ng Daddy ni Jake. Mukhang mawawalan na talaga siya ng trabaho nito. Hindi na siya pwedeng dumulog sa DOLE dahil kasalanan naman niya ang nangyari. Tahimik siyang nagtalungko sa may pintuan ng condo nila. Walang bumukas ng pintuan nung mag doorbell siya kaya nahinuha niyang wala sa loob ang kaniyag    amo.

Ang 'syota kong promdi COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon