Chapter 24

4.2K 91 0
                                    

Ang Syota kong promdi

By Ms Sapphire

CHAPTER 24

           INIWAN niya ang kaniyang kinakaing mangga at dali-daling hinabol si Jake papunta sa guest rooms sa itaas. Magsasara na sana ito ng pintuan ng madatnan niya ito.

“Teka teka” humihingal na sabi niya.

“Bakit gusto mo ba akong samahan sa loob?” sabi ni Jake na may nakakalokong ngiti.

“Ang suwerte mo! Hindi may itatanong lang ako…. Bakit nandito ka?”

“Tanungin mo ang asawa mo”

“Siya na sana ang tinanong ko kung naka open yung cellphone niya. Kase naman e hindi naman yun nag o-off ng phone.”

“Don’t worry, ngayong gabi lang naman ako dito. Nasira ng baha yung sasakyan ko kaya na stranded ako kanina. Uuwi din ako bukas.”

“Then…?”

“Gusto kase ni Pierre na bilhan ka ng mangga para hindi ka na raw bangungutin.” Napahagikhik si Jake sa sinabi nito “hindi ka pa rin nagbabago pati sa panaginip nagsasalita ka pa rin.”

Napairap siya sa sinabi nito.

“Kung alam ko lang paano pigilan yun e di ginawa ko na sana. At saka pa masama bang managinip ng mangga? E ilang taon din akong nagtiis na hindi makakain nun ah.”

“Oo na oo na, hindi naman kita ipapapulis e kung makapagsalita ka diyan parang ipakukulong na kita. Naku ang defensive ng ale.”

“Loko-loko! Maiwan na nga kita, sinasayang mo lang ang oras ko.”

“Sigurado kang ayaw mong pumasok?” pahabol nito.

“Manigas ka!”

Tinalikuran na niya si Jake para bumalik sa kusina. Matapos niyang tapusin ang kinakain ay hinugasan muna niya ang kaniyang ginamit na plato bago lumabas ng kusina. Napadaan siya sa library kaya naisipan niyang magpadala ng email kay Pierre. Inaamin niyang nagsisimula na siyang mag-alala sa asawa niya. Paano na lang kung may itinatagong kabit pala ito? Naku ngayon pa lang naninikip na ang dibdib niya. Ayaw niyang ipagpalit na siya nito.

‘Teka nga Danica kung ano-ano na yang pinag-iisip mo. Maghunusdili ka!’ saway niya sa kaniyang sarili. ‘baka nga busy lang talaga sa trabaho gaya ng sinabi niya? Pero bakit naman niya papatayin pati cellphone niya? Ni hindi ko nga alam kung ano ang phone number ng main office dun e.’ bulong niya sa kaniyang sarili. Habang pinapaandar ang desktop nila.

Dear Pierre,

         Kumusta ang biyahe mo? Kumain ka na ba? Maayos ba ang tinutuluyan mo? Naka off kase ang cellphone mo kaya hindi kita matawagan. Bakit nga ba naka off yun? Nag-alala lang ako sa ‘yo kase biglaan naman tong pag-alis mo. Ewan ko ba dati naman may mga urgent business trip ka naman, pero ngayon kase hindi ko lang mapigilang hindi mag-alala at kabahan. Baka kase may mangyaring masama sa trip mo. Kung alam mo lang kung gaano kahaba ang pagdadasal ko kanina para sa safety mo. Kung hindi ka na busy paki tawagan naman ako, mahal. Gusto nga palang mag bakasyon ng mga bata dito. At naisip ko na ring bigyan ng vacation leave sina Keery at Sandra para makapiling nila ang pamilya nila.

Ano nga pala ang ginagawa ni Jake dito sa bahay? Sabi niya may permiso raw siya galing sa ‘yo? Nagguguluhan lang kase ako kase wala ka namang nabanggit sa akin na ganyan. Sana ipina-alam mo muna sa akin para naman hindi ako magmukhang tanga dito sa bahay.

Asikasuhin mong maigi ang sarili mo dyan ha. Huwag mong kalimutang tawagan ako.

I Love You,

Ang 'syota kong promdi COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon