Chapter 25

4.1K 101 1
                                    

Ang syota kong promdi

By Ms Sapphire


 CHAPTER 25

                ALIGAGA si Danica pagkababa niya ng sasakyan dahil alam niyang hindi tatahimik si Jake sa bukol na tinamo nito. Sinenyasan niya ang driver na iparada na ang sasakyan sa garage bago siya pumasok sa loob ng bahay. Sinadya niyang lampas hatinggabi na umuwi para hindi na sila mapang-abot ng lalaki. Sigurado kase siyang hindi pa ito umuuwi dahil ang sabi ng driver nila ay nasa talyer pa raw ang sasakyan nito. Nakiramdam muna siya pagkapasok niya ng bahay. Tanging dim lights na nasa sulok lang ang nakabukas na ilaw kaya nakahinga siya ng maluwag.

Naglakad siya papuntang kusina para kumuha ng tubig nang mapasigaw siya sa kaniyang pagtalikod.

“Kabayong bukol!” sigaw niya.

Nakatunghay si Jake sa kaniya na parang multo. Nanlalaki din ang bukol {A/N: bukols lol} nito sa noo.

“Hindi ka pa ba tulog?” kaagad niyang tanong para matabunan ang kaniyang pagkailang.

“Ang tagal kong natulog patutulugin mo na ako agad?” sagot nito “ba’t ang tagal mong umuwi? Iniiwasan mo ako no?” panghuhuli nito sa kaniya.

“Hindi ah ba’t naman kita iiwasan?” pagdedeny niya.

“Kase may malaki kang kasalanan sa akin.”

“Ano?” pa patay malisya niyang sabi.

“Ito!” sabi ni Jake sabay turo sa noo nitong may dalawang bukol “ang sakit kaya.”

“Ah yan lang ba? Ang layo naman ng mga yan sa bituka.”

“Malayo nga e nasisira naman ang pogi points ko.”

“Echosss! Kahit may sampung bukol ka pa wala ng titingin pa sa ‘yo. Ang kapal din nito…”

“Anong wala!? Ang sabihin mo hanggang ngayon crush mo pa rin ako.” Binigyan niya ito ng ‘sigurado ka’ look “o kitam defensive mo talaga ‘te! Alam ka na nakins yang itsurang yan kilalang-kilala ko na” kumpiyansang sabi ni Jake.

Tinabig niya ang braso nito para maupo sa breakfast stool na nasa island kitchen. Naramdaman niya ang pagsunod ni Jake sa kaniyang likuran. Umupo din ito sa kaniyang tabi matapos niyang maka-upo ng maayos. Nag-inat siya sandali dahil sumasakit na ang kaniyang likuran sa maghapong naka-upo.

“Aahhhh ako din sumasakit din ang buo kong katawan” reklamo ni Jake sabay inat din ng katawan nito “pakiramdam ko pinagtutulungan ako ng mga bata sa kanto sa sakit. Ang braso ko grabe parang natanggal sa socket. Pati likuran ko parang nabalian ng buto.”

“Magaling ka na ba?” iniba niya ang usapan.

“Oo medyo humupa na yung lagnat ko. Mukhang isang araw na lagnat lang naman yun.”

“Okay mabuti naman at nang maka-uwi kana bukas.” Wika niya sabay tayo at kuha ng kaniyang purse. “matutulog na ako. Good Night.”

           MADILIM pa rin ang buong kabahayan nang may isang nilalang na naglalakad papunta sa kuwarto ni Danica. Maingat at mabagal ang kilos nito palapit sa kinahihigaan ng dalaga. Iisa lang ang nasa isip niya… ang pahirapan ang dalaga. Matagal na siyang may masamang plano laban dito ngunit kahit kelan ay hindi siya pinagbibigyan ng tadhana. Ngayon, ngayon na ang araw ng kaniyang paghihiganti. Ang araw na siya ay sisigaw at magwawagi!!!!

Ang ARAW ng PAGHAHASIK ni JJJJJAAAAAKKKKEEEE!!!!! *Buwahahahaha*

Matapos magawa ang kaniyang mission ay maingat din siyang lumabas ng kuwarto.

Ang 'syota kong promdi COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon