Chapter 27

4.3K 82 1
                                    

Ang syota kong promdi

By Ms Sapphire

CHAPTER 27

            NARAMDAMAN niya ang paglapat ng kaniyang likod sa malambot na sofa at ang mabigat na katawan ni Jake na nakapaibabaw sa kaniya. Lumipat ang mga labi nito sa kaniyang leeg pababa sa kaniya clavicle bone papunta sa hyoid bone niya. Napaungol ulit siya dahil sa ginagawa nito hanggang sa wala na siyang maalala.

Kinabukasan, gumising siyang masakit ang kaniyang ulo. Naparami ‘ata ang inom niya ng champagne kagabi kasama si Jake. Napamulat siya bigla sa kaniyang naalala. Isang pamilyar na kuwarto ang kaniyang kinahihigaan. Alam niyang nasa kuwarto siya ni Jake dahil iilang beses na siyang nakapasok dito. Umupo siya bigla nang dumaosdos ang kumot na nakatabing sa hubad niyang katawan!

‘Ha!? Diyos ko! Bakit ako nakahubad?’ hiyaw ng kaniyang isipan.

Hinablot niya ang lahat ng kumot para takpan ang katawan niya. Bumaling siya sa kaniyang katabi at nakita niya ang natutulog na si Jake na gaya niya ay nakahubad din. Nakadapa ito kaya ang likod at puwetan lang nito ang nakikita niya.

‘Magkaka-asthma ‘ata ako’ wika ng kaniyang isipan. ‘deep breath Danica… nice and slow… inhale…. Exhale… inhale…. Exhale.’

Nakiramdam siya sa kaniyang sarili kung may naganap ba sa kanila kagabi. Wala namang masakit sa kaniya o kakaiba.

‘Pero bakit nakahubad ako?’ naiiyak na bulong niya sa kaniyang sarili. ‘baka nilapastangan na ni Jake ang katawan ko buong gabi?’ naiiyak na sabi niya.

“JAKE!!!” sigaw niya dito sabay yugyog na malakas.

Umungol lang ang lalaki.

“Jake gising!”

“Hmmmm ano ba natutulog pa nga yung tao e.” sagot nito na nakapikit pa rin ang mga mata.

“Bumangon ka sabi e” nilakasan niya ang pagyugyog dito.

Kumilos si Jake at dahan-dahang humarap para umupo ng maayos sa ibabaw ng kama. Mabilis siyang tumalikod dito para hindi makita ang hubad nitong katawan nang bigla niyang nakita ito sa pamagitan ng LIFE SIZE mirror sa harap niya!!!

Nanlaki bigla ang mga mata niya, pero kaagad siya nagtalukbong ng kumot.

‘Anong klaseng parusa ba ‘to?’ hiyaw ng kaniyang isipan.

“Ano bang inirereklamo mo dyan?” tanong ni Jake sa kaniyang kapagkuwan “hoy!” yugyog nito sa kaniyang likod dahil hindi na siya kumilos at nagsalita.

Lumingon siya dito na nakapikit “Bakit tayo nakahubad!?” sigaw niya dito.

“Hindi mo na maalala?”

“Ang alin?”

“Nagsusuka ka kagabi matapos mo akong tinulugan sa sofa” natatawang sabi nito “nung pagbuhat ko sa yo dumuwal ka na. Kaya pati ako nasukahan mo.”

“O e bakit hindi ka nagpalit ng damit mo e bahay mo naman to.”

“NAGHUHUBAD PO AKO NATUTULOG”

Parang nahulog siya sa bangin sa narinig niya buhat dito.

“E bakit hindi mo ako dinala sa dating kuwarto ko? Pinagpapantasyahan mo siguro tong sexy kong katawan ano?” duro niya dito na nakapikit pa rin.

Tumawa ng malakas si Jake “Ano? Nambaliktad kapa e ikaw nga itong hindi matigil sa kakahipo sa abs ko e. Tapos natutulog kang nagsasalita sabi mo ‘Oh Jake’ kaya ako ang pinagnanasaan mo.”

“Ano!? Ang kapal mo din namang gumawa ng storyang ganyan.”

“Totoo nga!”

“So, walang nangyari sa atin?”

Ang 'syota kong promdi COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon