Chapter 11 Part 1

4.7K 83 0
                                    

Ang ‘syota kong promdi

by Ms Sapphire

 Chapter 11 PART 1

           NAGTUTUPI siya ng kaniyang mga damit sa sarili niyang silid ng mapansin niya ang isang lumang panty niya.

“Hay naku kailangan ko na talagang bumili ng bago.” Wika niya sa kaniyang sarili na nakasimangot. May konti naman siyang naiipon at kaya naman niyang bumili ng bagong panty kahit na sa murang halaga lang. Pero sa tuwing pupunta siya sa palengke at dadaan sa isang tindahan ay nasasayangan siyang kunan ang kaniyang ipon. Nais kasI niyang tapusin ang kaniyang pag-aaral at maging isang Dermatologist balang araw kagaya ni Doktora Vicky Belo.

Mahilig siya sa pampaganda lalo na sa pampaputi ng balat. Nung nagtitinda pa siya sa kanilang baryo ay madami-dami siyang naging suki kase epektibo ang mga inaangkat niyang mga produkto na galing pang Japan.

Itinaas niya ang kaniyang panty para silipin kung ilang butas na ang meron ito. Nakita niyang mas lumalaki ata ang dalawang butas sa may singit. Kinuha niya ang isa at ang kasunod para inspeksyunin.

“Grabe naman kayo mas lalong lumalaki butas ninyo! Alam ‘nyo namang nagtitipid ako ng pera eh.” Sermon niya sa mga butas niyang salawal. Itinaas uli niya ang isa at sinilip-silip ng biglang bumukas ng pinto. Bigla niyang ibinaba ang kaniyang panty at itinago sa kaniyang likod ng makita niya si JM. Akala niya ay pagtatawanan siya nito bagkus isinara ulit ng lalake ang pintuan. Napasimangot siya sa inasal nito.

“Ano na naman ang nangyari ‘dun?” tanong niya sa kaniyang sarili. Ipinagpatuloy niya ang kaniyang ginagawa ng maya-maya ay bumukas uli’t ang pintuan.

Pumasok si Jake na may dalang paper bags na iba’t-iba ang laki at kulay. Inilapag nito ang mga iyon sa ibabaw ng kaniyang kama. Nahiwagaan siya kung ano ang laman ng mga iyon. Sisilip na sana siya ng tampalin ni Jake ang kaniyang kamay.

“Maghintay ka, kukuha lang ako ng tubig bago mo yan puwedeng buksan.” Umalis na nga ang lalake palabas ng kuwarto. Huminto siya sa kaniyang ginagawa at naghihintay lang sa pagbabalik nito.

“Ang tagal naman” himutok niya ng lumampas dalawang minuto ang pagkawala nito.

Mukhang narinig naman siya ng lalake dahil bumukas uli ang pintuan ng kaniyang silid. “Sige puwede mo ng buksan isa-isa yan. Napadaan lang kase ako sa Mall kanina after class at naisipan kong bilhan ka ng mga yan.”

Para siyang bata na nagtitili na kumuha ng isang bag at inilabas ang laman niyon. “Waw panty!!! Paano mo nalaman----“  napahinto siya sa kaniyang sasabihin dahil nahihiya siya sa kaniyang sarili. Buti sana kung babae ang kaniyang kaharap at maintindihan nito ang kaniyang sinasabi.

“Ve-vektorya sesret” basa niya sa nakalagay na brand ng underwear.

“Secret.” Sabad ni Jake

“Secret” gaya niya dito. Inamoy niya ang hawak na panty. “Hhhmmm ang bago naman halatang mahal.” Tiningnan niya si Jake at ningitian “Salamat Jake ha”

“Walang anuman. Sige buksan mo pa ang ibang bag.” Utos nito sa kaniya.

Nahihiya man ay nagpapasalamat pa rin siya sa regalong natanggap niya buhat dito. Kahit na may nangyari na sa kanila ni Jake kagabi ay amo pa rin ang turing niya dito. Aminin man niya o hindi ay may crush na siya sa amo niyang masungit kahit noon pa. Pilit niyang pinipigilan ang kaniyang nararamdaman kase nga amo niya ito at nakatira sila sa iisang bahay na sila lang dalawa. Pero kagabi parang natibag nito ang nagtitimpi niyang pagtingin dito. Naging malambing na sila sa isa’t-isa kahit na hindi pa rin naiiwasan ang kulitan at inisan.

Ang 'syota kong promdi COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon