TULA14 - Sagutin mo lang ako

540 3 2
                                    

Sagutin mo lang ako

'Di mo alam kung gaano mo ako pinasaya
Mahalin mo lang ako ito'y sapat na
Masaya na ako na kasamang tatanda
Sagutin mo ang matamis mong "oo, tayo na!"

Mahiyain lang talaga akong tao
'Di ko masabi ang totoong nararamdaman ko
Ngayon na alam mo na
Na ikaw lang ang aking mahal!

Ako'y tumula para ilahat ang nararamdaman
Na 'di mabubura sa isip at puso kaylanman
Dinadaan sa sulat para gumaan
Ang nararamdaman kong hindi mapigilan

Kung kasama kita ako'y kinakaba
Bakit nga ba kung puso'y tumitibok na
Pag nakikita kita tenga umiinit na
Tila mahiwaga ka sa karaniwang iba.

'Di ka mabura sa isip
Dahil sa ganda mo ako'y napaisip
'Di ka mabura sa puso
Dahil sa bait mo ako'y napa-ibig.

Kelan nga ba magiging tayo?
Naghihintay ng matamis mong oo
Sagutin mo lang,  ako'y mapapalundag ng todo
Na maging tayo at ako'y panalo!

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon