TULA9 - Sagana

746 7 0
                                    

Sagana

Bawat sandali maging maginhawa
Bawat oras maging malaya
Bawat araw maging sagana
Ang tulang ito ay pampagana.

Kung ayaw ay may dahilan
Kung gusto ay maraming paraan
Tayo ang gumagawa ng sariling kapalaran
Tayo ang gagawa ng ating kinabukasan

Huwag mawalan ng pag-asa
Dahil darating din ang awa
Bagkus na maghintay ka pa
Hanggang sa makamit ang biyaya.

Huwag mawalan ng pag-asa
Dahil darating din ang iyong ligaya
Noon nasa isip mo lang ang nais
Ngayon ay totoo na pala!

Huwag mag-isip ng sobra
Dahil ito ay nakakasama
Mag-isip nalang ng maganda
Kesa pakinggan ang panghuhusga.

Huwag mong isipin lahat ng problema
'Di mo problema ang problema ng iba
'Di mo tungkuling pasayahin ang mundo
May karapatan ka ding sumaya sa sarili mo.

Ang buhay ay ganyan talaga
Alangan naman magmukmok ka
Buhay ka pa at may pag-asa ka pa
Kumilos ka at maging sagana!

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon