TULA8 - Bala

803 3 0
                                    

Bala

Ito ang buhay
Hirap, sakripisyo at pasakit
Wala ng madali sa mundong ito
Lahat mahirap, mabuhay lamang.

Ang buhay ay parang giyera
Maraming tukso ang sisira
May harang na sasarhan ka
Lahat niyan ay iyong makakaya.

Huwag kang sugod ng sugod minsan
Maghanda ka muna bago lumisan
Kailangan magplano at pag-aralan
Para may bala ka sa iyong papasukan.

Kung may bala ka, may tatamaan ka
Gawin lahat ang buong makakaya
Maging praktikal sa lahat ng bagay
Pagmasdan maigi ang iyong paligid.

Mas maganda nalang na handa ka
Kesa naman sa uutal-utal ka
Baka pagtawanan ka ng mga madla
Dahil wala kang nakahandang bala.

AN: my favorite poem :)

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon