Landas
Ako'y may landas na aking tatahakin
Malayo pa ang aking mararating
Malawak pa ang mundong gagalawin
At marami pa akong makikilala.May landas na liko-liko
May landas na mabato
Ang gusto'y may sakripisyo
Kahit magpuyat ng todo.Madilim man o maliwanag
Sadyang mahaba pa ang paglalayag
Ang paglalakbay ay 'di natitinag
Matutong bumagon sa paglaglag.Kung 'di makalipad, tumakbo ka
Kung 'di makalakad, gumapang ka
Basta patuloy ako sa landas ko at 'wag liliko
Tatapusin ko ang sinimulan ko.May landas ako sa aking ikasasaya
Ang hirap ay parang baliwala
Maraming pagsubok pa ang kakaharapin ko
Basta makarating lang ang finish line ko.
BINABASA MO ANG
Tula
RandomMay buhay na masaya at may buhay na malungkot. Ganyan talaga tayong mga tao, hindi pwedeng lagi kanang masaya. May time talaga na malulungkot ka at masasaktan. Minsan kung nagbabasa tyo ng qoutes o tula ay gumagaan ang loob natin at napapalakas tyo...