Kabataan, nasaan ka?
Nasaan na mga kabataan ngayon?
Tila nawalan na ng landas at pag-asa
Nalulong sa droga, sigarilyo, alak at iba pa
Anung pag-asa kaya sa hinaharap ng bayan.Sa kabataang 'di nakikinig sa nakakatanda
Laging pinapagalitan sa tigas ng ulo nila
Ayaw pinagsasabihan, kaya naglalayas na
Anu kaya ang kahahantungan ng mga sutil na kabataan?Kay aga-aga pa ay may supling na!
'Di na kailangang mag-aral ta may aalagaan pa
'Di mo na mararanasan na maging kabataan pa
Dahil isa kanang batang ina at ama na.Nalulong sa droga, nasira ang pangarap
Dahil ang droga na ang iyong kayakap
Sa iyong pangarap, di na malalasap
Ang droga ay binura na ng isang kislap.Wala ng ibang ginawa kundi gumala ng gumala
Ayan tuloy bagsak lahat ng marka
Anong oras ang nasayang muna?
Pati magulang niloloko mo pa!Hoy mga kabataan, magising ka
Tayo ang pag-asa ng bayan
Makinig sa payo ng nakakatanda
Dahil may karanasan sila kesa sa atin.May panahon pa para 'dyan satin
'Wag magmadali para 'di mabitin
Maghirap muna ay makakaahon din
Kung puro saya ang inuna baka hirap ang danasin.Tayo ang bagong simula
'Di pa huli ang lahat
Kaya ngayon ay magbago na
Para sa ikauunlad ng bansa.
BINABASA MO ANG
Tula
LosoweMay buhay na masaya at may buhay na malungkot. Ganyan talaga tayong mga tao, hindi pwedeng lagi kanang masaya. May time talaga na malulungkot ka at masasaktan. Minsan kung nagbabasa tyo ng qoutes o tula ay gumagaan ang loob natin at napapalakas tyo...