Sapat na si Hesus sa buhay kong ito
Ano pang kulang sakin?
Lahat ay meron na pero parang kulang
Kahit nakapaligid man sayo ang ginto
Parang 'di pa kontento.May araw din na babagsak ka
Mga kayamanan ay mawawala
Kung saan ay babagsak ka na
Ang totoong nagmamahal ay yong makikilala.Sa iyong pagbagsak na
Dun mo malalaman na may Diyos pala
Na lagi kang binabantayan
At kasama sa paghihirap at pag-ahon.Grabing lungkot ang karanasan
Pero hindi talaga ito maiiwasan
Buti may Diyos na laging nagdiyan
Na patatawarin ka kahit mabigat ang kasalanan.'Wag kang mahiyang lumapit sa kanya
'Di siya ang lumalayo kundi tayo
Magpatawad at magsisi sa mga kasalanan
Ang mahalaga diyan ay magbalik loob ka sa kanya.Anong silbi ang buhay kong ito
Kung wala si Hesus sa aking puso
Matagumpay ka ngang tao
Pero mas wagi ka kung si Hesus ay nasa 'yong puso.Kay dinami-dami ng aking kasalanan
Tila walang kapatawaran ang kagagawan
Tandaan mo na bubuksan ka parin ng pinto
Kahit gaano kapa kadumi sa paningin ng mundo.Tandaan niyo na "laging nag-diyan si Hesus satin."
Na laging kaagapay at prinoprotektahan
Kaya 'wag kang mahiyang lumapit sa kanya
Kaibigan, tara halika at hinihintay kalang niya.Mawala man ang lahat sa iyo
'Wag lang mawawala si Hesus sa puso mo
May araw na malulungkot at maghihirap ka
Para mapansin mo naman siya!
BINABASA MO ANG
Tula
RandomMay buhay na masaya at may buhay na malungkot. Ganyan talaga tayong mga tao, hindi pwedeng lagi kanang masaya. May time talaga na malulungkot ka at masasaktan. Minsan kung nagbabasa tyo ng qoutes o tula ay gumagaan ang loob natin at napapalakas tyo...