Revenge

53 0 0
                                    

Ang gandang tignan na mga saranggolang nasa langit na sumasabay sa daloy ng hangin kaya parang ito sumasayaw sa himpapawid.

Nakikita ko rin ang mga batang nagtatakbuhan at masayang naglalaro kasama ang mga kaibigan nila napupuno ng mga ngiti ang kanilang mga labi habang hawak hawak ang kanya kanyang saranggola.

Dun ko lang naiisip panahon pala ng sarangola ngayon dito sa lugar namin nakakamiss naman ang dami kong naalala sa mga panahon na ganito.

Nakita ko ang sarili ko nakatayo sa gitna ng park habang ang mga bata ay dinadaanan lang ako. Sulit pala ang pagtungo ko dito dahil sa day off ko, nawala ang pagod ko sa trabaho at sa byahe dahil sa mga ganitong eksena.

Ako pala si Joyce Madri ang babaeng maton sabi na mga kaibigan ko. Mga sira ulo talaga sila kaya naman nila ako tinawag na maton dahil sa mga bagay na kaya kong gawin.

25 years old na ako oo at alam ko sa sarili ko na maganda ako pero dahil nga sa trabaho ko nakakalimutan ko ang kagandahan ko at nagiging lalaki ako pano nanyari yun? 

RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon