Kabanata 23

18.7K 353 7
                                    

fun fact about Doki-Doki:

"You Make My Heart Go Doki Doki," which roughly translates to "my heart goes lub dub" in English, is an expression primarily used by English-speaking fans of anime and mangas to convey feelings of love or admiration, in a similar vein to other Japanese-derived phrases like "my waifu" and "I hope my Senpai will notice me." 

****** 

Kabanata 23 _ You Made My Heart Doki-Doki

Hailey's POV

BINAWI ko ang kamay ko sa pagkakahawak ni Hunter. Sa tuwing dumidikit kasi ang kamay nito sa balat ko, nakukuryente ako. Kinakabahan ako at nanghihina. At ayaw kong mapuna niyang nagkakaganoon ako sa kanya. Ayokong isipin na nilalamon ako ng damdaming yaon. Tahimik kami sa byahe pauwi at tanging musika lang mula sasakyan ang pumapagitna sa aming katahimikan.

"Let's start over again.", bigla kong sabi. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob upang basagin ang katahimikang iyon.

Saka lang siya sumagot ng mag-red na bilang stop and traffic light. "Start over again? What do you mean?", tanong niya habang tinitingnan yung traffic light sa harapan.

"Uhm.."

Sumandal siya sa upuan ng sasakyan saka siya sumulyap sa akin. Kahit madilim na sa kotse tanaw na tanaw ko ang pangungunot ng noo niya.

"Let's be friends?", patanong yun na sinabi ko.

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. "Sure. That's the beginning of everything. Friendship!"

Tumango ako. "So, I am Hailey Gail Sandoval and now a Sylverio. I'm happy to be your friend.", inilahad ko ang kamay ko sa kanya.

Tinanggap niya iyon. "I'm happy to be your friend. I'm Hunter Louis Sylverio."

Matapos makipagkilala sa isa't-isa, kapwa kami bumungisngis. This is definitely crazy!

"Friends with benefits?", pamimilosopo niya ng muling tumingin sa kalsada. Nakapirmi na ang atensyon niya sa kalsada.

Kahit gumagalaw na ang mga sasakyan bugsod ng trapiko ay hindi ko pinalagpas na hindi mahampas ang balikat niya. "Manyak ka talaga."

"Mayroon bang friends na naghahalikan?"

Natahimik ako. Hindi na ako nakaimik pa. Nakangisi siya hanggang sa marating namin ang bahay niya. Una siyang bumaba sa ferrari saka dumiretso sa kabilang pinto ng sasakyan. Binuksan niya iyon at inalalayan akong makalabas.

Naalala ko ulit ang sinabi ni Hunter kanina. Oo nga naman, ilang beses na ba kaming naghalikan? Ako pa nga ang humalik sa kanya nitong nakaraan. Hinawakan ko ang labi ko habang unti-unting nag- flashback sa akin yung ginawa kong paghalik sa kanya roon. Shit! Bakit ba nagawa ko yon? Dahil ba sa falling game o mas may malalim pang dahilan? Namula ako sa kaestupidahan ko.

*****

THE chauffeur opened the huge door of the mansion and I saw the maids and butlers far away standing in line both of the sides lane to welcome us.

"Welcome back Master, Miss Hailey.", bungad na salubong ni Nami.

"Miss Hailey, naihanda ko na po iyong damit niyo at another stuffs you needed."

Napangiwi ako. "Nami, ilang beses ko nang inuulit sayo na huwag mo na iyong gawin and no need to be formal to me."

So I Married The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon