HAILEY POV
NAUPO NA SIYA sa sofa habang ako naman ay nagtungo sa may kabinet upang kuhanin ang first aid kit box. Binalingan ko siya subalit ang mga mata niya ay abalang nakatingin sa fridge na katabi ko. Walang anumang salitang namutawi sa aking bibig kung kaya't nagkibit-balikat na lamang ako saka nagpasyang dumiretso sa sofang kinauupuan niya.
I poured some antiseptic into a small petti dish then dipping a piece of cotton in it. Sinipat ko saglit ang mga pasa at sugat niya. Nagkulay violet na nga yung mga pasa niya sa mukha at dumugo rin ang labi niya. Still not uttering a word, ibinaling-baling ko muna ang mukha niya upang tingnan kung gaano kalala yung mga pasa niya pagkatapos ay pinatagilid ko rin ang katawan niya upang pumaharap sa akin.
Kumuha ako ng isang pirasong bulak gamit ang kanang kamay ko and I gently squeezed the excess antiseptic at dinala ang cotton dun sa korner ng kaliwa niyang mata. Hawak naman ng kaliwang kamay ko ang ointment.
Napangiwi siya sa sakit. I had a bit of sympathy of him, gusto kong sabihin kung okay ba siya subalit mukhang hindi na iyon kailangan pa. Let's just say that I knew him too well to feel any pangs of pity surge within me. Actually, ang totoo niyan, siya yung taong hindi na kailangang kaawaan sa ganitong klaseng kasimpleng sugat. Though, mind you, I did feel sorry for him. Nagi-guilty ako kasi ako naman ang dahilan kaya niya natamo ang mga sugat na iyon.
Marahan at dahan-dahan kong nilinis ang sugat niya trying my best na hindi ko masampal ang nakakairita niyang mukha. Todo ngiti kasi eh kulang na lang mapunit yung labi niya. Nang matapos sa paglilinis sa sugat ay sunod ko namang inapply yung ointment. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko kung bakit may hipan effect pang kasama. Try ko lang naman subukan yung mga napapanood kong mga koreanovela. At 101% na napatunayan kong effective pala ang hipan effect na yun dahil nang iangat ko ang mga mata ko sa kanya ay ang nakakalokong ngiti ang nadatnan ko sa mukha niya.
His smile turns to grin and that grin just kept getting wider, and let me add something more---- his getting more and more annoying. Ipinatong niya ang mga kamay niya sa magkabilang balikat ko at ngumiti ulit, lumabas tuloy yung dimples niya.
"Hindi ko alam ang gagawin kung wala ka.", He stated.
Wala akong sinagot, simpleng hinawi ko ng bahagya ang mga kamay niya sa balikat ko dahil kailangan ko ulit lagyan ng antiseptic yung cotton at saka itinapat iyon sa labi niya.
"Ouch. Dahan-dahanin mo naman.", Reklamo ni Hunter.
Ngumuso naman ako. "Sa bala nga ng baril hindi ka takot, dito pa kaya? Just hold on, if I don't disperse your wounds, it'll keep hurting.", Muli kong itinapat yung bulak sa labi niya pero hinuli niya ang kamay kong may cotton.
"Sabi ko dahan-dahan. Masakit, eh."
Tuluyan na nga akong napangiwi sa karereklamo niya kaya diniinan ko ng todo-todo yung bulak sa labi niya. Reklamador ang peg ng kuya lukaret, eh!
Tumaas ang sulok ng labi niya. "Is this the way you pay back on your life savior?"
"Life savior? Wow ha, paano mo naman ako niligtas eh ikaw itong naghamok ng gulo in the first place."
"Tss. Are you helping me or killing me?", Pag-iiwas niya sa sinabi ko.
Nang matapos ay kinuha ko na yung first aid box saka muling ibinalik sa kabinet yung kit box bago ko siya binalikan.
"Thank you. Na-receive mo rin ba ang message ni Thalia? I can't believe na may pamilya na pala siya. Ang bilis ng panahon. Ang daming nagbago but one thing haven't change within me. Yun ay ang feelings ko para sayo. Say, did you practice to reverse the situation and you haven't given back my heart that you stole from me. Hindi mo ba napansin, tayo na lang sa atin ang single?"
BINABASA MO ANG
So I Married The Mafia Boss
Romance[Completed] Hunter Louis Sylverio, famous entrepreneur, a man with status and more money than most. He got perfect features and his charm can make any girl fall form him easily. Pero naninirahan siya sa madilim na mundo kung saan baril at pulbura an...