HAILEY POV
THE BRIDE AND BRIDESMAIDS were busy having their hair and makeup done. Ang mga kaanak at kaibigan ay abalang nagko-congratulate sa bride. Napakaganda ni Trisha sa suot nitong long white strapless with a full A-line and a natural waist. Mayroong ding bow of golden silk ang side nung gown, and the skirt itself was asymmetrically shape with a bias thread origami shape.
Hinanap ng paningin ko si Hunter. At natagpuan ko siyang kasama ng mga pinsan niyang kinabibilangan ni Chrome at pati na rin si Julia na ngayon ko lang ulit nakita matapos ang pagkikita namin noon sa fake engagement ko noon. Nahuli naman ako ni Hunter na pinagmamasdan siya kaya bumaling siya sa akin at ngumiti. Lumingon din sa akin ang mga kasama niya.
"Hailey, hija.", Ang tinig na iyon ay mula kay Donya Katherine na umagaw ng aking atensyon. "You should be getting change."
Pumaharap ako sa Donya saka nito ako niyakap. Nang umuwi ako noong nakaraang araw sa bahay nila, ang Donya pa ang pinakamasaya sa balita na nagkabalikan kami ng anak niya. "Opo.", Ngumiti ko.
Saglit itong napatingin sa relos."Yes, yes, it's nearly time to go. Baka mauna pa ang bride sa simbahan kaysa sayo, huh?", Biro pa nito.
Bumungisngis ako at nagsabi, "I won't take long, Mama Kathy.", Lalo akong napangiti sa itinawag ko sa kanya.
Ang mansyon ay napuno ng mga tao at karamihan sa mga bisita ay hindi ko pa nakilala. Kasalukuyan akong naglalakad sa grand stairs, isang babae ang may hawak na camera ang biglang sumulpot sa aking harapan at walang pahintulot akong kinuhanan ng litrato. Base sa ginawa niyang iyon, I assume taga media nga ito. "Ikaw si Miss Hailey Gail Sandoval, tama?"
Naiilang na napatango ako saka ngumiti. "Oo ako nga."
"Well, I am Kelly Elliana Gomez, Chrome's girlfriend. Congratulations, by the way."
Napakurap ako. Nakapagtataka lang kasi dahil kino-congratulate niya ako. Naisip ko tuloy na baka pinagkamalan niya ako na ako ang ikakasal. Hindi kaya akala niya ako yung bride? Pero hindi eh, kasi binigkas niya ang buo kong pangalan.
Nagsalubong ang kilay ko ng maalala ang pangalan nito. "Ikaw yung rumored girlfriend ni Chrome? Yung sikat na reporter? Kelly Gomez?"
Ngumiti si Kelly. "It's a long story."
"Ah.", Napatango ako, wondering kung ano ba ang tamang sasabihin.
"Oops.", Kelly chuckled. "Pero congrats uli, Ate. Una na ako kila Chrome."
Iniwan niya akong nagtataka. Sinundan ko siya ng tingin ng magtungo siya sa grupo nila Hunter. Confuse pa rin ako. Umiling na lamang at nagmadaling umakyat sa itaas. Wala pa nga ako sa gitna ng hallway nang may kumalabit sa aking likuran. "Hey, Hailey, right? Congratulations!"
Napanganga ako paano ba naman kasi ay may naghatid na naman ng pagbati sa akin. Parang gusto ko tuloy isigaw na maling tao ang binabati nila dahil hindi naman ako yung bride. Strange.
Nginitian ko na lang yung lalaking bumati sa akin.
Pinihit ko na lang ang doorknob saka pumasok sa loob ng silid na iyon. Doon kasi ang changing room kung saan inaayusan ang mga bridesmaids at flower girls. Tinungo ko ang walk-in-wardrobe at kinuha mula roon ang silk gown na isusuot ko. I held the dress to my chest and couldn't believe my life could be so different in such a short space of time.
Inayusan na ako ni Erin. Nilagyan niya pa ng isang pink oriental lily ang isinuksok niya malapit sa gilid ng kaliwang tainga ko. Matapos akong ayusan ay lumabas na ang makeup artist upang tingnan daw ang lagay ng mga bridesmaids na una niyang inayusan kanina kaya naman naiwan na akong mag-isa sa kwartong iyon.
BINABASA MO ANG
So I Married The Mafia Boss
Romance[Completed] Hunter Louis Sylverio, famous entrepreneur, a man with status and more money than most. He got perfect features and his charm can make any girl fall form him easily. Pero naninirahan siya sa madilim na mundo kung saan baril at pulbura an...