Chapter One

26 5 0
                                    

Chapter One

"Are you really serious, Jane?" tanong saakin ni Daddy habang abala sa pagpipirma ng mga paperworks.


"Yes, Dad." sagot ko. He stopped at what he's doing. Tinignan niya ako ng maigi bago bumuntong-hininga.

"Okay. Saan mo gustong magtransfer? Para maasikaso ko na agad. I'll be very busy this coming week." aniya.


"Gusto ko po sana sa University na pinapasukan ni Typhoon." sabi ko. Tumaas ang isang kilay ni Dad sa sinabi ko.

"Well then. If that's what you want hija." he said. I beamed. Lumapit ako kay Daddy para yakapin siya. He just chuckled. Daddy's girl ako eh.


"Sabihin ko kay Typhoon na sa school niya ako mag aaral." sabi ko sakanya.

"Alright. Para may magtour na din sayo doon."


Paglabas ko nang opisina ni Dad agad akong dumiretso sa kwarto ko para ichat si Typhoon. Wala kase akong load, hindi naman kasi ako mahilig makipagtext.

Naglog in muna ako sa facebook ko. Nakita ko siyang online, palagi naman. Ewan ko ba sakanya ba't parati siyang online. Sabi niya di niya raw pababayaan ang kanyang social life.

I started typing my message.

Ako:

Ty! Magtatransfer ako sa University mo.

I waited for him to reply pero maglilimang minuto na at hindi man lang niya sineen ang message ko. Ano nanaman kaya ang ginagawa nito?

Inexit ko muna ang chat namin at nagpunta sa newsfeed. Scroll lang ako nang scroll hanggang sa makita ko ang post ni Typhoon ngayon lang. As in ngayon lang talaga. Wala siya sa picture, instead may babaeng umiinom ng milk tea. Nakatingin ito sa labas habang umiinom. Hanggang balikat ang buhok nito at naka t-shirt siya na yellow. Maputi din siya at maganda. Sino naman kaya ito? Binasa ko ang caption: Beautiful.


I logged out after that. He's busy I get it. Hindi kase porket magbest friend kayo ay dapat ka niyang unahin everytime. May buhay kayo pareho na dapat inaasikaso. I feel like I need to be independent. Hindi iyong nakadepende lang ako palagi kay Daddy at sakaniya. Yeah I should learn how to be independent.

I was going outside when I heard my cellphone beep. Dinampot ko iyon at binuksan.

Typhoon:

Mag online ka. Now.

Yun lang ang loob ng message niya. Kinuha ko agad ang laptop ko at nag online. May message siya.

Typhoon:

Jane! I'm living my life now! May kadate akong babae. Sobrang ganda!

Typhoon:

Her name is Denise. Nakilala ko siya noong nagtournament kami para sa Basketball.

Typhoon:

She's so hot! Seriously! Kasali siya sa cheering squad ng school nila.

I sighed. Hindi man lang niya naisipang sagutin ang sinabi ko sakanya. He flooded me with messages na hindi ko naman kailangan.

Ako:

Oh. Okay. Good luck on that :)

Typhoon:

Ang dami kong sinabi tapos yan lang sagot mo?

Ako:

Wala naman akong masabi. I'm logging out. Bye.

Loving TyphoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon