Chapter Four
Inoff ko ang phone ko pagpasok ko ng kwarto. Tinadtad ako ni Typhoon ng texts at calls. Lahat ng text niya ay puro sorry. He tried calling me pero palagi ko iyong ino-off. Ngayon nagsisisi ka? Magdusa ka.
"Ewan ko sayo Typhoon. Sabi mo ayaw mo na nag aaway tayo pero ikaw mismo gumagawa ng dahilan para mag away tayo." sabi ko sa picture namin ni Typhoon.
Binalik ko iyon sa side table at kinuha ang aking laptop. Naglog in ako sa aking facebook. Bumungad agad saakin ang selfie ng bwisit na Typhoon at ni Denise.
Nawalan ako ng gana magfacebook kaya naglog out nalang ako. Pati ba naman sa social media binibwisit din ako?
Nahiga ako sa kama at tinitigan ang ceiling. Dapat maganda 'tong araw na to eh. Pero sinira ni Typhoon at ng mga kaibigan niya. Di ko na alam kung ano gagawin ko sakanya. Nakakapagod din na palagi kaming nag aaway. Kakabati lang namin kahapon tas nag aaway nanaman kami ngayon. May pa 'I don't want us to fight' pa siyang nalalaman.
Kinuha ko ang cellphone ko at inopen iyon. Ring lang ito ng ring sa sunod-sunod na notifications. Puro messages at missed calls galing kay Typhoon.
Typhoon:
Jane, sorry! Sorry talaga. Nawala sa isip ko.
Jane please reply. Wag ka nang magalit oh? Di ko talaga sinasadya.
Jane, hey, I really didn't mean it. Nawala talaga sa isip ko na kasama kita.
Jane? Please.
I'm really sorry. I know I'm such a big jerk.
Mabigat ang pakiramdam ko habang binabasa ang messages niya. Nakakainis na kahit ganoon ang ginawa niya, gusto ko pa rin siyang patawarin. Na kahit ang laking gago niya, gusto ko pa rin siyang maging kaibigan ko. Pero napaisip ako, kung palagi ko na lang siyang patatawarin sa kada sorry niya di siya magbabago. Wala siyang matututonan.
Typhoon calling...
["Jane! Thank God you answered!"] aniya. I remained quiet.
["Sorry talaga Jane sa ginawa ko kanina. Hindi ko naman talaga sinasadya na iwan ka doon. It just really slipped in my mind."] He explained.
"Sabihin mo nga, di na ako importante sayo noh?" matigas na saad ko.
If I'm really important to him he'll never forget about me.
["That's nonsense . You're important to me. You're my best friend!"] sagot niya.
"Really? Hindi ko kase maramdaman eh. Kakabati lang natin kahapon. You even said you don't want us to fight pero ano to? Ano nanaman to?" mariing tugon ko sakanya. I want him to see my point. I heard him sigh.
["I'm so sorry."]
"Please, don't say sorry if you don't really mean it. Palagi ka nalang nagsosorry tapos ginagawa mo pa din! Don't make it a hobby Creed. Nawawalan ng saysay ang salitang sorry dahil sayo! Hindi na ako naniniwala sa mga sorry mo Creed!" I said and ended the call.
Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko. Kung kanina ay excited ako para bukas ngayon ay parang nagsisisi na ako na sa NLU ako mag aaral. And it's all because of Typhoon. My best friend. Or is he. I don't even know kung magkaibigan pa kami. Normal lang na mag away ang magkaibigan pero hindi normal na araw-araw kayo nag aaway. This friendship with him isn't normal.
Nagising ako dahil sa katok sa aking pintuan. Kinusot ko ang aking mga mata at dinungaw ang aking alarm clock. It's just 5 'o clock in the morning! Tumayo ako at tinungo ang pintuan. Binuksan ko iyon at nakita ko si Yaya Leni na naghihintay.
"Ya, ang aga pa po." nakasimangot na saad ko.
"Opo pero andito po si Sir Typhoon e. Siya raw po maghahatid sayo sa school."
Nanlaki ang mga mata ko. Shít. May pasok na pala! And also, shít, si Typhoon maghahatid saakin?!
Agad akong pumasok sa banyo para maligo. Sinabihan ko si Yaya na sabihan si Typhoon na maghintay. Paglabas ko galing banyo, agad akong pumili ng maisusuot. Wala naman daw rules about sa clothes sa NLU kaya okay lang kahit anong isuot basta ba maayos at komportable. Simple lang naman ako manamit kaya ang napili ko ay crop top nalang at denim jeans. Nagsuklay ako ng buhok at nag apply ng super light make up. Nang maayos na ang mukha ko kaagad kong kinuha ang gamit ko at lumabas and it's just 6:15am.
Bumaba ako at nakita ko siyang nakaupo lang ng tahimik sa sala. Ngumuso ako at umiwas ng tingin nang tumama ang mga mata namin. Dumiretso ako sa dining room namin. May nakahanda nang pagkain doon.
"Kumain na si Typhoon?" tanong ko kay Yaya Leni. Umiling ito.
"Ayain mo dito," utos ko. Tumango ito at pumunta sa sala.
Naupo ako at hinintay siya. Kahit galit ako ay concern pa rin ako sakanya.
"May ipag uutos pa po ba kayo Ma'am?" ani Leni nang makabalik. Naupo si Typhoon sa tabi ko.
"Wala na po, salamat." sagot ko. Tumango naman siya pagkatapos ay umalis na din.
Nagdasal muna ako bago kumuha ng pagkain. Tahimik naman si Typhoon at tinitignan lang ako. Umirap ako ng pahilim.
"Eat," tipid na saad ko, "Baka ako pa ang sisihin mo kung mahimatay ka na lang bigla."
He sighed at nagsimulang kumuha ng pagkain. Tahimik lang ako habang ngumunguya samantalang siya ay halos hindi nagalaw ang kanyang plato.
"Kung di ka lang din kakain sana sinabi mo kanina pa. Dinagdagan mo lang ang trabaho ng mga—"
He cut me off. "Sorry."
I rolled my eyes at him. "I'm finished." Tumayo ako at akmang aalis ng hawakan ni Typhoon ang aking kamay.
"Jane, please hear me out." nagmamakaawang saad niya. Hindi ako umimik.
"I really really didn't mean what happened yesterday. Basta nawala sa isip ko na kasama pala kita. Naalala ko lang nung nasa condo ako nina Denise. Di ko talaga sinasad—"
"Yeah naalala mo kasi nagtext ako." I said sarcastically. Umiling-iling siya.
"Hindi. Nung sinabi ni Denise na nagtext ka, naalala ko na yun at sobrang nagsisisi ako sa pag iwan ko sayo. I even went back dahil baka di ka pa nakakaalis—"
"I'm not stupid to even wait for you. Di ako tanga na maghihintay pa din sa taong iniwan ako ng basta-basta!"
"I know you're not." maagap niyang tugon, "I'm the one here that is stupid. I'm really really sorry Jane. Alam ko sawang-sawa ka na saakin sa kakasorry ko pero lahat naman ng sorry ko totoo at sincere."
"Wala naman akong karapatan na hindi magpatawad, Creed. Si God nga nagpapatawad ba't ako hindi? Pero nang aabuso ka na kase. Kada sorry mo pinapatawad kita tapos may gagawin ka nanaman tapos magsosorry ka ulit tapos ano? Patatawarin ulit kita. I'm so tired of this, Creed." sabi ko at inalis ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko.
"Jane—"
Pinutol ko agad siya. "Huwag ka na lang magsosorry kung uulit ka rin lang naman."
Agad niyang kinuha ang kamay ko nang tinalikuran ko siya. Inis ko siyang binalingan.
"Jane please forgive me please. I'll do everything for you to forgive me. Pangako hindi na ako gagawa ng ikagagalit mo. Please, Jane." He said. He squeezed my hand. I sighed.
"Let's talk about it some other time please."
—✿•✿•✿•✿—