Chapter Ten
"Can I pay for your groceries?" Malumanay na tanong ni Typhoon saakin. Hinarap ko siya at pinanliitan ng mata.
"I can pay for them, you know." Sabi ko. He nodded and licked his lips.
"I know but I want to pay for them." Sabi niya. "Would you let me?"
Bumuntong-hininga ako at hindi na lang nagsalita. Kahit ano namang sabihin ko ay hindi siya magpapatalo. After apologizing to me for several times, I finally forgave him. Then he insisted on driving me to the supermarket and help me do my grocery. Sobrang kulit naman niya kaya hinayaan ko na lang.
I picked up some vegetables like celery, cabbage, tomatoes, potatoes, onions and a lot more. He would just push the cart behind me. Pumunta kami sa meat section, kumuha ako ng iba't ibang cuts ng karne at chicken. Napapansin ko ding panay ang sulyap ng ilang babae saamin, specifically kay Typhoon. Nagbubulung-bulungan at naghahagikhikan sila na parang kinikilig.
"Let's go to the counter." Sabi ko at naunang maglakad. Binilisan ko ang paglalakad para makalayo sa kaniya. Naiinis ako at hindi ko alam kung bakit.
"Jane, wait up!" I heard him called.
Buti at hindi masyadong mahaba ang pila. Nang mahabol niya ako ay hinihingal pa siya sa tabi ko.
"Ang bagal mo." Masungit kong saad. Inirapan ko pa siya saka humalukipkip.
"Ang bilis mong maglakad." Sabi niya. Nilingon ko siya at nakitang may maliit na ngiti sa kanyang mga labi.
"Ano?!" Naiinis na tanong ko.
Umiling siya. "I'm sorry. Ang bagal kong maglakad."
Uminit ang pisgni ko kaya tinalikuran ko siya. Nakatingin lang ako sa ibang direksyon habang pina-punch ang mga pinamili ko. Nagpapacute din itong babaeng cashier kay Typhoon at mukhang gustong-gusto naman ito ng lalaking ito.
"Matagal pa ba yan, Miss?" Naiinis na tanong ko. Ang bagal-bagal kasi, medyo masakit na ang mga paa ko kakatayo.
"Sorry po." Nahihiyang sagot niya. Umismid ako nang ngumisi si Typhoon at umiling.
Nang mabayaran ni Typhoon ang groceries ay nauna na akong lumabas pero hindi nakaligtas ang pakikipag usap ng cashier sa kanya. Nakita kong umiling si Typhoon saka ako sinundan.
Nakasimangot ako buong biyahe. Pasulyap-sulyap si Typhoon saakin pero hindi ko siya nililingon.
"What's wrong?" He gently asked.
"Wala!" Sagot ko.
"Then why are you frowning? May nakalimutan ka bang bilhin? Let's go back, then." Saad niya.
Mas lalong uminit ang ulo ko. "Bakit gusto mong bumalik doon?! Wala akong nakalimutang bilhin!"
I can see the amusement in his eyes. A ghost smirk is plastered on his lips. Mas lalo akong nainis.
"Okay, then why are mad?" Inosenteng tanong niya.
"Hindi ako galit!"
"Are you jealous, then?"
Nalaglag ang panga ko. "No! Why would I be?!"
Nagkibit-balikat lamang siya at hindi na nagsalita. He doesn't looked satisfied with my answer but he never said anything too. Pagkatapos niyang mailapag ang mga groceries sa kusina ay nagpaalam na kaagad at sinabing may kailangan pa siyang puntahan. That fueled my frustration pero hindi ko iyon pinahalata. Kunwaring walang pakialam kung umalis siya.