Chapter Two

18 5 0
                                    

Chapter Two

It's been three days since that 'awayan' between me and Typhoon. Hindi siya nagpaparamdam saakin. Ni text o chat wala. Bahala siya sa buhay niya. Next week, pasukan na. Wala na akong pakealam kahit hindi niya ako pansinin, di niya ako tignan, kausapin. If I have to act like I don't know him I'll do it.

Habang nagsusuklay ako ng buhok, biglang may kumatok sa pinto. Nilapag ko ang suklay at tumayo.

Binuksan ko iyon at tumambad ang katulong namin. "Bakit?"

"Ma'am tinatanong po ng Papa niyo kung magpapahatid pa po kayo kay Manong Ben." aniya. Tumango ako.

Since malapit na ang pasukan kailangan ko nang bumili ng mga gamit. Ni wala pa akong bag eh! Kaya magshoshopping ako ngayon.

"Pakisabi magpapahatid ako ngayon." sabi ko. "At Yaya Leni, sama ka po. Baka marami akong ipamili."



"Saan po tayo Ma'am?" tanong ni Ate Leni. Naglalakad kami ngayon sa Mall. Since school supplies ang pinunta ko dapat iyon ang unahin ko.

"Sa National Book Store tayo."

Pumasok kaming dalawa sa NBS. Sinabihan ko siyang sumunod lang saakin dahil baka maligaw siya. Una kong pinunta ang mga bags. I immediately picked the Jansport and the Nike. Pinahawak ko iyon kay Yaya Leni. Sunod naman ang mga notebook, since hindi ko alam kung ilan ang subjects bumili ako ng fifteen notebooks. Pinahawak ko ulit yun kay Yaya. Then the last is ballpen. Hindi ako gumagamit ng HBW o Panda. Nakasanayan kong gamitin ang G-tech o kaya'y Parker. I picked up two g-tech and two parker.

"Eto na po ba lahat?" tanong ni Yaya sa likod ko. Hinarap ko siya.

"Pakilagay na po sa counter, may titignan lang po akong libro." sabi ko. Tumango ito at nagtungo agad.

I lied though. Wala akong titignang libro. Nakita ko lang talaga si Typhoon na may kasamang babae. Pamilyar ang mukha niya saakin, siguro ito si Denise. I sighed. Hayaan mo na siya.

Umalis ako doon dahil baka makita niya ako. Nagtungo ako sa counter kung saan naghihintay si Yaya saakin.

"Magkano po lahat?" tanong ko. Una kong tinignan si Yaya bago ang cashier.

"Php 5,236 po lahat." aniya. Kinuha ko sa purse ko ang pera na binigay ni Papa.

"Here." Sabi ko at inabot iyon.

Sinimulan niya nang ibalot lahat nang may marinig akong mga boses sa likuran ko. Shít.

"Ay Sir Typhoon!"

Gusto kong mapaface palm dahil kay Yaya Leni. Dapat sinabihan ko siyang huwag pansinin si Typhoon!

"Y-yaya Leni? A-anong ginagawa niyo dito? At sinong—" naputol ang sasabihin niya nang humarap ako.

"Ya, pakidala nalang po ng mga pinamili. Mauuna na ako sa kotse. Biglang sumakit ang ulo ko." Dire-diretsong saad ko at nilampasan silang lahat.

Lumabas ako ng store at mabilis na naglakad. Narinig ko ang pagtawag ni Yaya Leni saakin kaya ako napahinto. Nilingon ko siya at nakita kong hirap na hirap siya sa pagbibitbit. I suddenly feel guilty. Baliw ka talaga Jane!

"Sorry po Yaya. Akin na po ang iba." sabi ko at kinuha ang ibang shopping bag sa kamay niya.

"Naku okay lang po Ma'am." aniya. Tumango lamang ako at tumingin sa NBS. Hindi niya talaga ako hinabol? Talagang seryoso siya. Okay fine.



"Hi Dad." sabi ko at hinalikan sa pisngi si Daddy.

"Done shopping?" tanong niya. Tumango ako.

Loving TyphoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon