Chapter Three

19 5 0
                                    

Chapter Three

It's Sunday. Ibig sabihin magsisimba kami ni Typhoon together. I'm excited! Kababati palang namin kahapon and we promised to never fight again.

"You look happy? Anong meron?" ani Daddy habang nakangiti. I smiled widely at naghop papunta sakanya. I kissed his cheek.

"Wala po Dad. Magsisimba po kase kami ngayon ni Ty." I happily said.

It's our usual schedule. Dahil nga magkaiba kami dati ng school kapag weekends lang kami nagkikita kaya nagset kami ng sched na kapag Saturday gala tapos Sunday magsisimba kami. I feel excited para bukas. Sino-sino kaya ang mga kaklase ko? Sana maging magkakaibigan kaming lahat. I don't want to earn enemies, and most important saan ang room ko at ang room ni Typhoon. Sana magkalapit lang kami ng room.

Naalala ko noon magkaklase kame ni Ty nung grade 3. Sobra kaming naging close nun, halos palagi kaming nag uusap ng kung ano-ano lang. Minsan sabay pa kaming mag aral kapag dumarating ang examination. I remember one time habang sumasagot kami ng test narinig kong sinitsitan ako ni Ty.


"Bakit?" mahinang bulong ko para hindi marinig ng teacher.


"Anong sagot mo sa asdfg-"


"Ano?" Bulong ko dahil hindi ko maintindihan yung huli.

"Answer mo! Sa asdfgh-"


"Ano? Di ko maintindihan!" saad ko. Nagkamot siya ng ulo at tumayo. Nanlaki ang mga mata ko nang lumapit siya saakin. Umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko.


"Ang sabi ko anong-"


"ANONG GINAGAWA MO TYPHOON?"



Pareho kaming nagulat nang sumigaw si Ma'am at lumapit saamin. Lumunok ako at tumingin kay Typhoon na pinagpapawisan na dahil sa kaba.


"What? Are you two cheating?" aniya. Umiling ako.


"Typhoon?" napatingin siya kay Typhoon na tahimik lang.


"Di po Ma'am." sabi ko dahil hindi makasagot ang katabi ko.


"Typhoon." ani Ma'am.


"Sorry po. Tinatanong ko po siya kung anong sagot niya." aniya. Suminghap ako dahil sa pag amin niya. "Wala pong kasalanan si Jane. Ako po yung nagcheat."


Hanggang ngayon natatawa pa din ako dahil dun. Bumagsak siya sa test dahil doon. Samantalang ako ay nakapasa. Si Typhoon ay isang taon lang ang tanda saakin. Naging magkaklase lang kami noon dahil nalate siya sa pag aaral dahil galing siyang States pero ngayon hindi na kami pareho ng grade level. Nag advanced study siya kaya nasa tamang level na siya ngayon.


Habang naghihintay ako sa text ni Typhoon bigla kong naalala ang death anniversary ni Mommy. Bigla akong nalungkot dahil doon. Tatayo sana ako para magbanyo nang tumunog ang phone ko. Sana si Typhoon na 'yon.


Typhoon:

Malapit na ako.



I smiled. Agad akong dumiretso pababa. Sobrang naexcite ako eh.



"Andyan na si Ty?" tanong ni Dad ng makita akong palabas.



"Wala pa po pero malapit na daw po siya." sabi ko.



"Mukha kang excited ah?"




"Di po!" sabi ko, "Mas mabuti nang maaga para hindi matraffic."


Loving TyphoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon