Chapter 7: Blood Sweat & Tears

23.9K 1.1K 1K
                                    

Napasandal ako sa backrest ng upuan ko at napahawak sa sintido ko bago ko hinilot iyon, hindi pa rin ako makapaniwala na naisahan ako ng magaling kong pinsan na igawa siya ng assignment

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napasandal ako sa backrest ng upuan ko at napahawak sa sintido ko bago ko hinilot iyon, hindi pa rin ako makapaniwala na naisahan ako ng magaling kong pinsan na igawa siya ng assignment.

Kanina ay inihatid ako ni Theo dito sa bahay pero umalis din kaagad siya dahil pupuntahan pa daw niya si Jimson, medyo nainis nga ako dahil nagkakita naman na sila kanina sa library pero magkikita na naman sila.

Pakiramdam ko may relasyon ang dalawang 'to eh. Tsk!

Bigla akong napadilat ng may marinig akong kaluskos, napalingon ako sa pintuan ng kwarto ko bago ako nagmadaling hanapin ang pocket knife ko. Uh, yes? May pocket knife talaga ako palagi.

Napakagat ako sa labi ko dahil ramdam kong may tao talaga sa ibaba, dahan-dahan akong bumaba sa sala at nakita kong nakasarado pa rin ang pintuan noon. Medyo napa-ayos ako ng postura ko hanggang sa mapalingon akong bigla sa gilid ko ng may narinig akong katok.

Kumalabog ang dibdib ko dahil sigurado na akong may tao.

Halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko si Rose sa may glass window, what the hell!?

Akala ko ay nakakita na ako ng white lady dahil ang mahaba niyang buhok ay nakalugay and take note about her white off shoulder dress. Damn it!

"Anong ginagawa mo diyang babae ka?!" Agad ko siyang nilapitan para buksan ang bintana.

"Hindi ko kasi mabuksan ang pinto kaya sa bintana sana ako dadaan." Aniya.

Agad akong napaurong ng bigla niyang ipinasok ang isang malaking luggage at may sumunod pang tatlong malalaking bag.

Nakita kong sumasampa siya sa bintana kaya naman tinulungan ko siyang pumasok.

"Thanks." Sabi niya bago pinagpagan ang damit niya.

"Baliw ka ba, pwede naman nating buksan ang pinto para doon ka na dumaan." Sabay turo ko sa kanya sa malaking pintuan ng bahay ko.

"Eto na eh, nakapasok na ako." Sabi niya bago tuloy-tuloy na naglakad papasok sa bahay ko.

"So... What's this?" Tanong ko kay Rose habang nakaturo sa luggage.

Binuksan niya ang flat screen television bago humiga sa sofa ko, bahagya niyang tiningnan ang tinuro ko bago muling ibinalik ang tingin sa TV para ilipat iyon ng channel.

"Ah, iyan ba? Dito na ako titira." Walang emosyong sabi niya.

"Ahh, okay-- WAIT, WHAT?!" Bigla akong napasigaw ng mag-sink in sa utak ko ang sinabi niya.

"You need to deal with it Jisoo. Sawang-sawa na akong magpanggap, hindi ko na kayang magpanggap sa harap ng parents ko at sa ibang tao, alam mo naman na sa iyo ko lang napapakita ang totoong ako." Bumangon siya sa pagkakahiga sa sofa para makaupo.

Bahagya akong napabuntong hininga dahil sa sinabi niya.

"What do you mean?" Tanong ko.

"You know Jisoo, I'm still the same Roseanne Romero. Yung balahura mong best friend. Yeah, I know, after what I've been through ay hindi naman ako nagsisi na nakikila ko si Lord, pero yung pagkukunware kong conservative at pa-demure ako? That's sucks." Giit niya.

Blood Sweat & Tears: Mystery of Bangtan CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon