"All I want for Christmas is youuuuuu~"
Napatingin ako bigla kay Mimi na biglang kumanta, halos mapiyok na siya sa kakasigaw niya. Nakapalupot pa sa katawan niya ang mga decoration na para sa Christmas Tree na binubuo ni Jinver at Naddieson ngayon.
Ako naman ay isinasabit ko lang ang mga medyas na may pangalan namin, nang matapos ko na iyon ay nakita ko si Rose na lumabas galing kusina at inilapag niya ang tinimpla niyang juice.
Napatingin si Jinver sa kanya bago ito tumayo at lumapit sa kanya, nakita ko ang bahagyang pag-urong ni Rose ng tumayo si Jinver kaya naman napatingin ako kay Mimi na nakatingin din sa akin habang nginunguso sa akin yung dalawa.
Nagkibit balikat nalang ako kay Mimi, napakunot ang noo ko ng makita kong bigla siyang napangisi habang naka-okay sign siya sa kanang kamay niya at nakapoint naman doon ang kaliwang kamay niya, noong una ay hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin pero naging maliwanag nalang sa akin ang lahat ng ipinasok niya ang hintuturo niya sa gitna ng okay sign niya.
Bigla akong napatawa ng malakas kaya dali-dali kong itinakip ang kamay ko sa bibig ko, napatingin sa akin si Jinver at Rose kaya naman pinigil ko ang tawa ko.
"Lapit na ng New Year! Putukan na!" Sigaw ni Mimi habang natatawa siya.
Napahampas tuloy ako sa katabi kong sofa bago ako natatawang umalis sa sala at nagtungo sa kwarto ko, nakangiti ako nang pumasok ako sa kwarto ko pero nawala bigla ang ngiti ko ng makita ko si Theo na nakahiga sa kama ko.
"Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ko sa kanya bago ko tinanggal ang kumot na nakatabing sa kanya.
Para akong nagsisi ng inalis ko yun dahil nakita kong medyo naka-angat ang damit niya kaya nakita ko ang tiyan niya, napaiwas tuloy ako ng tingin sa kanya dahil naramdaman ko ang pag-akyatan ng dugo sa mukha ko, pero ilang saglit lang ay binalik ko rin agad ang tingin ko sa kanya para balikan ko ng tingin yung tiyan niya.
"Nakakatamad sa dorm, kaya dito muna ko." Sabi niya habang inaalis niya ang pink kong unan sa tabi niya.
Napapaypay akong bigla sa sarili ko, bakit parang uminit yata dito? Sira na ba yung aircon dito sa kwarto ko?
"Dito ka muna sa tabi ko." Sabi niya sa akin habang tinatapik niya ang kama ko pero agad akong napangiwi bago umiling.
BINABASA MO ANG
Blood Sweat & Tears: Mystery of Bangtan City
Mystery / Thriller"The Mystery." Date Started: 12/20/2016 Date Ended: 12/20/2017