Chapter 19: Hold Me Tight

16.1K 870 1.4K
                                    

Napakagat ako sa labi ko habang pinagmamasdan ko si Jennie na nakahiga sa hospital bed, kanina lang binalita sa amin nila Raphael ang nangyari kay Jennie kaya naman ngayon lang kami nakapunta dito sa hospital

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napakagat ako sa labi ko habang pinagmamasdan ko si Jennie na nakahiga sa hospital bed, kanina lang binalita sa amin nila Raphael ang nangyari kay Jennie kaya naman ngayon lang kami nakapunta dito sa hospital.

Nakaupo si Hanz sa isang monoblock chair habang nakatabi sa hospital bed na kinahihigaan ngayon ni Jennie.

"Kilala nyo ba kung sinong gumawa nito?" Tanong ko sa kanila pero umiling silang lahat sa akin. Napakunot ang noo ko bago ako napatingin kay Jimson na nag-iwas ng tingin sa akin.

"Di ba ikaw ang nagdala kay Jennie dito?" Tanong ko kay Jimboy, tumango lang siya sa akin pero mukhang wala siyang balak sagutin ang mga tanong ko kaya naman mas lalong napakunot ang noo ko.

Mas dumami ang tanong sa isip ko dahil sa inaasta nila, bakit hindi sila tumawag ng pulis?! Malaking insidente 'to! Dapat malutas 'to! Papaano kung marami pa ang mabiktima ng bumaril kay Jennie?!

Pero si Gabo... May tama rin siya ng baril, hindi kaya magkakonektado ang bumaril sa kanilang dalawa? Hindi kaya... Iisa lang ang bumaril sa kanila?! Bakit ayaw nilang magsumbong sa kapulisan?!

Kahit naman naiinis ako kay Jennie ay ayoko naman siyang mamatay, for pete's sake tatlong tama ng baril ang meron siya! Isa sa abdomen part, isa sa binti at isa sa braso. Papaano kung hindi na siya mabuhay dahil sa tatlong tama ng baril na 'yun? Malaki ang possibility na mamatay siya dahil sa dami ng nawalang dugo sa kanya.

"Ligtas na si Jennie, Jisoo. Wag ka ng mag-aalala." Sabi ni Rose sa akin bago hinawakan ang braso ko pero iwinakli ko yun agad.

"Pero papaano kung balikan siya ng bumaril sa kanya?! Papaano kung tuluyan na niya si Jennie?!" Hindi ko alam pero naramdaman ko ang galit ko sa gumawa kay Jennie nito.

"Hindi na siya sasaktan noon Jisoo, kumalma ka lang." Saway sa akin ni Jimboy.

"At papaano ka nakakasigurado ha?" Inis na tanong ko sa kanya.

"Sigurado ako Jisoo." Mariin niyang sabi sa akin.

"Hindi na niya talaga masasaktan si Jennie dahil sa oras na balakin niyang saktan ulit si Jennie ay ako na mismo ang papatay sa kanya." Mariin na sabi ni Hanz.

"Hanz! Ano ba?! Kumalma ka nga!" Saway ni Raphael kay Hanz.

Biglang tumayo si Hanz at sinipa ang monoblock chair na kanina ay inuupuan niya pagkatapos ay nagwalk-out palabas ng kwarto ni Jennie, naiwan kaming lahat na nakatahimik doon at walang nagsasalita.

Araw-araw ay ang naging eksena naming dalawa ni Rose ay dumidiretso kami papunta sa hospital pagkatapos ng klase para bisitahin si Jennie, nagising na siya noong isang araw pero hindi siya nagsasalita tuwing tinitanong ko siya kung sino ang gumawa noon sa kanya.

Mas lalo akong naghihinala na may mali dahil napansin ko rin na stress na stress si Jinver dahil sa pag-aaway daw ni Gabo at Hanz, napapagod na daw siya sa kakaawat sa dalawa dahil sa iisang bahay lang naman sila nakatira, madalang lang daw umuwi si Gabo pero ngayon daw ay hindi na talaga umuuwi sa bahay dahil nga sa alitan nila ni Hanz.

Blood Sweat & Tears: Mystery of Bangtan CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon