Chapter 13: Cypher

20.4K 940 1.6K
                                    

NOTE: Long and boring chapter, lol. Wala masyadong pangyayari since hindi ko alam kung papaano ko ipaparamdam sa inyo ang gusto kong iparamdam. Hindi ko na rin siya nadouble check kaya baka madami na namang error 'to. Sorry in advance. 

PS. Happy Birthday sa ating Tete! Sana lumaki pa siya lalo. Hihi! Love kita pero mas love ko yung Mister kong magilagid. 

•••••

Nakatingin ako ng masama sa dalawang nakikitira lang dito pero kung makaubos ng mga pagkain ko sa refrigerator ay akala mo may share sila sa mga iyon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakatingin ako ng masama sa dalawang nakikitira lang dito pero kung makaubos ng mga pagkain ko sa refrigerator ay akala mo may share sila sa mga iyon.

"Oh kalma lang bessy, hayaan mo na sila. Magbabayad naman sila eh." Sabi ni Mimi habang umiinom ng milkshake na galing din sa kusina ko.

Napairap ako sa kawalan bago ako nagcross arms at bumusangot, naiirita na talaga ako sa dalawang yun. Okay sana kung friendly sila eh, kaso hindi! Akala mo sila lang ang mga nireregla dito! For their information lang ha? Nireregla din ako pero si Mimi hindi.

Sinipa ko ang lamesa sa harapan ko pero napasigaw ako dahil ako lang din naman ang nasaktan, napatingin ako kay Lisa na kumuha ng freshmilk bago pumanik sa taas.

Sunod namang bumaling ang tingin ko kay Jennie na nagluluto ng hamburger na kinuha lang gamit sa mga stock ko. Hindi man lang nang aalok!

Nakita ko si Rose na inilapag sa harap namin ni Mimi ang nachos na ginawa niya at sa stock ko din kinuha! Sinamaan ko ng tingin si Rose para makita niyang naiinis na ako pero parang hindi niya iyon napapansin dahil nagtatawanan pa sila ni Mimi.

Ikinalma ko nalang ang sarili ko sa panunuod ko ng isang korean drama kung saan isang fictional character ang lalaki at doctor naman ang bidang babae.

Biglang nagtawanan na naman si Mimi at Rose ng malakas kaya naman nilakasan ko ang volume ng television, napatingin silang dalawa sa TV bago muling napatingin sa akin.

"Di na yan magna-number four! Aasa ka lang." Sabi ni Mimi bago muling sumimsim sa milkshake.

Sinamaan ko ulit sila ng tingin pero parang wala lang sa kanila ang galit ko, hindi nyo naman ako masisisi kung magagalit ako dahil bahay ko 'to. Bahay ko 'to pero parang sila ang may-ari neto dahil kung sino-sino lang ang pinapatira nila.

Napalingon ako sa labas ng biglang may nagdoor bell doon, tatayo na sana ako para pagbuksan yun ng makita kong bumukas na agad yung pinto. Nakalimutan pala naming i-lock.

Pumasok si Taehyung na may hawak-hawak na box ng chicken sa isang sikat na fast food chain.

"Jichuu!" Sigaw niya bago nagtatakbo na parang bata patungo sa akin, nakita ko sa peripheral vision ko na nagkatinginan si Mimi at Rose at sabay na ngumisi sa akin na para bang inaasar ako.

Yung normal na reaksyon ng mga kaibigan mo kapag nasa paligid mo ang crush mo.

Yun nga lang hindi si Theo ang crush ko.

Blood Sweat & Tears: Mystery of Bangtan CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon