Chapter 8: Expectation!

24.1K 1.1K 3K
                                    

Note: Merry Christmas Guys! Saktong 12:00 ako nag-update kahit alam kong mga nagkakatulog na yung iba. Hahaha! Medyo napipikit na ako habang tina-type ko 'to pero dahil may pinangakuan ako ng maga-update ako ngayon kaya naman eto na! I'm sure mas maraming error dito kasi nga ina-antok na talaga ako. By the way, Merry Christmas ulit. Pakibalot na si Suga please, rakrakan na dis. Hahaha! 

PS. Too many multimedia. Sorry na agad. 

•••••


"Jimboy, nakuha mo yung ID noong babae sa library?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Jimboy, nakuha mo yung ID noong babae sa library?"

Sinalubong ko si Jimson na papalapit sa akin, nang magkatapat kami ay hinawakan niya ang kamay ko at bahagya naming pinagbunggo ang dibdib namin bago niya ako tinapik sa likod at tuluyan ng humiwalay.

"Oo bro! Na kay Raph na nga eh, iimbestigahan na niya yung babae na yun." Sabi ni Jimson bago kami sabay na naglakad patungo sa sinasabing lugar ni Jaxon.

Sabay kaming pumasok sa isang abandonadong building sa may gawing dulo ng Bangtan City, pagdating namin sa ikatatlong palapag nakita namin sila na nandoon na sa loob at kompleto na bukod kay Jinver na may tatapusin pa.

"Oh nandiyan na pala kayo." Salubong ni Jaxon sa aming dalawa ni Jimson.

"Obvious ba Jax?" Sabi ni Jimboy bago nilapitan yung lalaking nakatali sa isang upuan na naliligo na sa sarili niyang dugo at mukhang wala ng malay.

"Tara lang dito Theo." Tawag sa akin ni Raph kaya lumapit ako sa kanya, bahagya akong yumuko para makita ang nasa laptop.

"Wala akong makuhang kahit anong data dito sa Geniveva Batungbakal na 'to." Itinuro sa akin ni Raph ang mga iba't-ibang taong lumalabas sa pero walang data about doon sa babaeng sinasabi niya.

Geniveva Batungbakal. Pfft! 

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa pangalan niya pero nawala din agad yung ngiti ko ng tingnan ako ng seryoso ni Raph na namomroblema na ng malaki dahil hindi namin ma-hack ang kahit anong meron sa babae na yun.

"Di bale, gagawan natin yan ng paraan." Ngumiti ako kay Raph at tinanapik siya sa likod bago siya napailing nalang at napahawak sa sintido niya.

Napatingin ako kay Hanz na kumakain ng cookies kaya naman agad ko siyang nilapitan para kumuha noon pero inilayo niya lang sa akin ang lalagyan.

"Penge ako!" Sabi ko pero tinago niya iyon sa likod niya.

"Aish! Penge sabi ako!" Sinubukan kong agawin yung cookies niya pero nagmukha lang akong nakayakap sa kanya kaya binitawan ko nalang iyon at umalis, Stick-O nalang ang kakainin ko.

Lumapit ako kay Jaxon at inagaw ko sa kanya lalagyanan ng stick-o.

"Ano ba naman Theo! Bumili ka nga ng iyo." Sabi niya sa akin pero agad ko din na itinaas yung lalagyanan ng stick-o ng subukan niyang agawin sa akin iyon.

Blood Sweat & Tears: Mystery of Bangtan CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon