Chapter 25: Converse High

16.5K 821 1.9K
                                    

Hindi ko na alam kung ano ba yung dapat kong gawin, hindi ko mapapatawad sarili ko kung sakali mang mawala si Jinver, sobrang nag-alala ako para sa kanya, halos mamatay na ako kakaisip sa kanya kung okay lang ba siya pero ano? Pag dating ko dito s...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ko na alam kung ano ba yung dapat kong gawin, hindi ko mapapatawad sarili ko kung sakali mang mawala si Jinver, sobrang nag-alala ako para sa kanya, halos mamatay na ako kakaisip sa kanya kung okay lang ba siya pero ano? Pag dating ko dito sa kwarto niya ay nabadtrip siya sa akin.

May pinag-uusapan daw sila ni Rose tapos bigla daw akong papasok, sana daw ay naghantay muna ako saglit sa labas. Masisisi ba niya ako na gustong-gusto ko ng masigurado kung okay na siya ha? Ganoon ba kaimportante ang pinag-uusapan nilang dalawa ni Rose para hindi niya ako pansinin ng halos isang oras?

Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako pinapansin, kanina pa siya tahimik na kumakain lang ng mga prutas, si Rose ay lumabas saglit ng kwarto para daw bumili ng pagkain, kasamahan niya si Raphael na bumili.

"Jinver..." Pambasag ko sa katahimikan.

"Huwag mo kong kausapin." Sabi niya bago sinubo ang isang slice ng mansanas.

"Sorry na, nag-aalala lang naman ako sa'yo kaya bigla akong pumasok." Sabi ko bago ako tumayo sa kinauupuan kong monoblock chair patungo sa kama niya at doon ako umupo pero umiwas lang siya ng tingin sa akin at mukhang wala siyang balak na tingnan ako.

"Oy... Sorry na..." Sabi ko habang mahina kong tinutulak-tulak yung braso niya pero inalis niya lang ang kamay ko doon.

Napanguso tuloy akong bigla bago ako umusog papalapit sa kanya para yakapin siya, hindi niya pa rin ako pinapansin kahit nakayakap na ako sa kanya kaya naman mas lalo akong napanguso.

"Sorry na please? Wag ka ng magalit?" Kahit hindi ko alam kung anong kinakagalit niya, basta magsosorry nalang ako para matapos na.

"Oo na! Sige na! Di na ko galit! Tawagin mo na si Rose! Dun ka na sa kwarto ni Theo!" Sunod-sunod na sabi niya kaya mas lalo akong napanguso.

"Bumili ng pagkain si Rose, tsaka hindi pa gising si Theo." Paliwanag ko.

"May pagkain naman dito ah? Bakit bumili pa siya?" Tanong sa akin ni Jinver.

"Aba malay ko?" Kibit balikat kong tanong.

"Tss, doon ka na kay Theo! Okay na ko! Mas kaylangan ka noon." Sabi niya sa akin kaya naman padabog akong tumayo sa kama at tiningnan ko siya ng masama.

"Kapag ikaw may nabalitaan akong kahit anong tungkol sa inyo ni Rose! Ako mismo ang babaril sa'yo." Banta ko sa kanya bago ako lumabas ng kwarto niya at padabog kong isinarado yun. Syempre biro ko lang yun dahil alam ko namang walang namamagitan sa kanilang dalawa. Ang tagal na niyang nirereject si Rose kaya naman sigurado akong wala silang relasyon.

Paglabas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Jimboy na inaabutan ng kape si Gabo, nagkatinginan kaming dalawa ni Gabo pero agad din kaming nag-iwas ng tingin sa isa't-isa.

"Anong room si Theo?" Si Jimboy nalang ang tinanong ko.

"Sa room 69, kaliwa ka lang diyan." Sabi ni Jimboy habang tinuturo sa akin ang daan.

Blood Sweat & Tears: Mystery of Bangtan CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon